"ONE SHOT"

22 7 0
                                    

#WLRW_1STCONTEST
#WLRWShortStory

Mabini kong kinalabit ang bawat sabit ng aking gitara sa ilalim ng punong akasya ang musikang hatid nito ay tumutunaw sa aking puso tsaka ay kumakalat sa aking sistema. Ang mariing pagkakapikit ng mata ko ay tila dinadala ako sa alapaap. Bagay na matagal ko ng pangarap. Ang mga kasabayan kong dalaga ay lumabas na ang mga pakpak ngunit ako ay wala pa rin nakakalungkot ngunit hindi ko mawari ang dahilan ng hindi paglabas ng aking pakpak gayong nasa hustong gulang na ako. Pag sapit ng ikawalong taong gulang ng bawat kadalagahan ay lumalabas na ang mga pakpak namin ngunit nung isang buwan pa ako nag labingwalong taong gulang ngunit hindi ko mawari kung bakit ay hindi pa rin lumalabas ang aking mga pakpak.

Plakk!!!

Padarag akong napamulagat ng may maghagis ng supot sa aking kanlungan. Nagpalinga-nga ako umaasang maaabot ng paningin ang humagis nyon ngunit huli na ang lahat, pinanood ko na lang ito na mataas na lumipad.

Sa pakpak na meron sya ay masasabi kong nabibilang lang sya sa mga mabababang uri dahil maliit lamang ang pakpak nito, samantalang ang mga opesyales ng kaharian ay mayroong katamtamang laki. At ang sa mga maharlika ay walang nakakaalam dahil tanging mga maharlika lamang ang may karapang makita iyon.

"Maari mo bang ibalik ang ninakaw mong ginto sa akin babae" napabalikwas ako ng may mabining tinig ang nagsalita sa aking tagiliran agad ko itong hinanap at napatanga na lamang ng buong masilayan ang isang matangkad at makisig na binata. Ang mga mata nya ay nagniningning sa ganda ang gitnang mata nito imbis na bilog ay hugis paru-paru. Hindi ko mawari kong saang angkan sya nabibilang sapagkat ang kasuotan nya ay parang sa dukha ngunit ang mabini nyang galaw ay tila sa maharlika samantalang ang pananalita ay tila isa sya sa mga konseho ng kaharian. Nakakamangha.

"Babae magandang lalaki ako matagal ko ng alam, Maari ba ay ibalik mo sa akin ang ninakaw mong ginto. " Aniya ang galaw nya ay napakahinhin at pinong-pino. Ngunit tila hindi nakakatuwa bagkus ay nakakasira ng araw at ano itong sinasabi nyang ninakaw ko daw na ginto.

"Babae? hindi babae ang aking ngalan at anong tinutukoy mong ginto?"

Sa aking tinuran ay lalong nagningning ang paru-paru sa kanyang gitnang mata tila ay natutuwa.

"Lalaki!! ang gintong tinutukoy ko ay ang nasa iyong mga palad".
Napatingin ako sa hawak ko. Binulatlat ko ang supot at nagulat ng kumikinang na ginto nga iyon.

"Ngunit hindi ko ito ninakaw at anong lalaki ang iyong tinuturan hindi kita lubos maunawaan" halos magpupuyos ako sa matinding galit hindi ako makapiwala na bakas na bakas na ang galit ko samantalang sya ay nanatiling kalmado at mabini ang galawan. Tinalo pa akong tunay na babae.

"Sabi mo hindi babae ang ngalan mo kaya inakala ko na lalaki" aniya kasabay ng mapinong ngiti at muling pag galaw ng paru-paru sa kanyang mga mata.

"Aba't ihampas ko sayo tong gitara ko eh. Ginto!! o saksak mo sa baga mo yan at isiksik mo sa makipot mong kokote na hindi ko yan ninakaw." Isinubsob ko ang supot sa kanyang dibdib hindi ko na mapigilan ang inis. Ngunit siya ay nanatiling kalmado.

On wings of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon