CHAPTER 007 - Sanctuary

962 56 45
                                    


"Ano'ng nangyari r'yan sa sportswear at running shoes mo, Kelly?" gulat na tanong ni Moira nang abutan siya nitong maluha-luhang nililinis ang mga gamit na nadumihan ng putik.

Iyon ang araw na pinaka-hihintay niya; ang sports festival at excited siyang maglaro sa pinaka-unang volleyball game niya. She had dedicated a considerable amount of time and effort to get ready for this, and her skills in playing had notably advanced over the course of her preparation. Pero nang pumasok siya sa locker room upang sana'y magbihis ng uniporme nila ay nagulantang siya nang makitang naka-bukas ang locker niya at ang mga gamit sa loob ay napuno ng putik.

"Hindi ko alam kung sino ang may gawa nito, pero hindi ko na ito maisu-suot para sa practice, Moira..." aniya, nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata.

Inis na nagpakawala ng malalim na paghinga si Moira. "Alam kong alam mo kung sino ang maaaring gumawa nito sa mga gamit mo, Kelly. Hali ka, isumbong natin siya kay Coach—"

Umiling siya habang patuloy na ikinu-kuskos ang basahan sa nadumihan niyang puting running shoes. "H'wag na, Moi. Abala ang team sa first game."

"Pero Kelly, nang dahil d'yan sa ginawa nila Elda sa mga gamit mo ay baka hindi ka makapag-laro ngayon—"

"It's okay." Tumingala siya rito at pilit na nagpakawala ng ngiti kahit sa kaloob-looban niya ay gusto na niyang humagulgol. "Marami pa namang pagkakataon."

Akmang sasagot si Moira nang marinig nila sa speaker ang announcement na mag-uumpisa na ang game. Nanlulumo itong lumuhod sa harap niya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Pwede nating itanong kay Coach kung may extra shirt and shoes siya para—"

"No, okay lang talaga. Pumunta ka na roon at sabihin mo na lang kay Coach na biglang sumama ang pakiramdam ko."

Moira teared up. "Kelly..."

Hinawakan niya ito sa pisngi at bahagyang tinapik-tapik. "It's alright. Hindi pa rin naman ako ganoon ka-galing at baka hindi rin ako gaanong makatulong sa team. Isa pa, baka nga nasa bangko lang ako buong araw." Muli siyang nagpakawala ng pilit na ngiti. "Sige na, pumunta ka na roon. Isama mo ako sa bawat spike at serve mo."

Mahabang diskusyon pa muna ang dumaan bago niya napilit si Moira na umalis na. Nagsabi itong ire-report sa coach nila ang ginawa ni Elda, at hindi na siya nakipagtalo pa para umalis na ito at bumalik sa field.

Nang maiwan siyang mag-isa sa locker room ay saka niya pinakawalan ang mga luha. Nasasaktan siya sa ginagawa sa kanya ng mga kasamahan, lalo na si Elda, pero hindi niya magawang magalit sa mga ito. Hindi siya ang tipo ng taong nagtatanim ng galit sa dibdib. Kaya naman minabuti na lamang niyang ilabas ang lahat ng sama ng loob sa pag-iyak.

She would surely speak to Elda after the sports festival. Kailangan niyang malaman kung ano ang ikinagagalit nito sa kaniya at kung bakit siya ang laging pinupuntirya. Kung gusto niyang manatili sa team ay kailangan niyang plantsahin ang kung ano man ang gusot mayroon sila ng team captain nila.

Makalipas ang mahabang sandali ay bahagya nang huminahon ang pakiramdam niya. Tumayo na siya at kinuha ang mga gamit saka lumabas ng locker room. Pero nang nasa labas na siya'y malinaw niyang narinig ang masayang sigawan sa field, dahilan upang muling bumalik ang sama ng loob niya.

Halos takbuhin niya ang daan patungo sa gate ng school— gusto niyang umuwi at magkulong sa kaniyang silid. Hindi niya kayang manatili roon nang matagal.

Tuluy-tuloy lang siyang payukong naglakad at hindi pinansin ang mga nakasalubong na mga estudyanteng nagtataka sa pagluha niya. Hanggang sa nahinto siya nang may makasalubong siyang pumigil sa magkabilang mga braso niya.

LOVE, LETTERS, and EVERYTHING in BETWEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon