Chapter 1.

15 0 0
                                    

' Uncle? Uncleeeee? Nandito na po ako '
Mabilis akong pumasok sa Bahay ni Uncle Jan.

Binaba ko ang pinabili nyang tteokboki sa lamesa. At inayos ang lamesa na pagkakainan namen.

' Uncle? nakahanda na yung pagkain naten. Lumabas na po kayo dyan'

Pumasok ako sa kwarto ko kung saan tapat lang ang kwarto nameng dalwa. Mabilis akong nagpalit ng damit.

Sumulip ako sa kusina wala parin si Uncle jan.

' Uncle ? ' habang kumakatok ako sa pinto.' Uncle? '
Mabilis na kinabahan ako . Walang sumasagot. Nagtatakbo ako sa CR sa Kusina sa labas ng rooftop wala paren. Bumalik ako sa kwarto nya. Kaso naka Lock sya.

' Uncle? Uncle?? Ayos lang ba kayo! Bat di kayo sumasagot. Uncle'

Fvckkkk! Damnn. Anong nangyare.
Mabilis kong tinulak ang pinto ng malakas hangang nasira iyun.
Damnnnn

' UNCLEEEEEE! ' sigaw ko ng makita ko syang nakagulapa sa lapag.

Mabilis ko syang sinugod sa Ospital ng Incheon,

' Mr. Shin? ' Lumapit saken ang doctor.

'Mr. Shin , pasensya na pero. Hindi nyo po ba tinignan ang katawan ni Mr. Go? Bago nyo isugod sa Hospital?

' Hindi na po Doc, nagmamadali napo ako dahil kinabahan ako.'

' Sir. Pasensya na pero, '

' Ano Doc? ' i felt something that can make me dissapoint in myself.

' D-doc? '

' Pasensya na Mr. Shin pero wala na si Mr. Go ' napasandal na lang ako sa Pader. At tinap nya ang balikat ko.

ANG TANGA KO. SOBRANG TANGA KO. BAKIT HINDI AKO NAGMADALI. BAKIT HND KO CHINECK YUNG PULSE NYA. BAKIT ANG TANGA KO. SOBRANG TANGA KO! NAPAUPO NA KO SA SOBRANG PAGAALALA.
Nakakabakla pero mabilis na tumulo ang luha ko. iyak ako ng iyak. San na bako neto rin pupulutin.
Mr. Go  . Im sorry.

Naalala ko ang anak nya. Si Ms Go.
Ms. Jiwon Go.

Burol na ni Uncle Jan.
Pero Hindi pa nakakauwe si Ms. Go

' Condolence '

' Condolence. Mr shin. '

' Condolence. Winston '

' Bro Condolence ' ani ng kaibigan kong si Gelo.

Bumisita rin dito ang ibang tennant ni Mr.Go.

Marame akong naririnig na bulungbulungan.

' Hindi sya nagbago ' ani ng kapitbahay ni Mr Go. Na may nagmamayari din ng ibang Paupahan .

Napatingin ako sa dumating.
Medyo may kahawig sya ni Uncle Jan.

Mabilis syang naglakad at hindi ko makita kung umiiyak ba sya, o hindi. Umupo sya sa kabilang upuan malapit sa pwesto namen.

Tumayo ako at binigyan sya ng kape.

Tinignan nya lang ako at. Nag pa salamat.

Parang walang nangyare ah? Parang ako yung anak na , ako lang yung iiyak.

Tumayo sya at nag punta sa kwarto na bakante sa pagitna ng kwarto namen ni Uncle jan.

Lumipas ang apat na araw. Inihatid na namen ang katawan ni Uncle Jan.

Marame din namang tao ang nakilamay at naghatid kahit sa kahuli-hulihan.

Makalipas ang ilang oras. Umulan ng malakas. Tumakbo ako sa aking sasakyan na nakaparada malapit lang dito. Nakita ko si Ms. Jiwon naglalakad. Hinintuan ko sya, at naglabas ng payong.

My LandladyWhere stories live. Discover now