"GIRL! Sinasabi ko na nga ba, eh. Ikaw na ang next target nila," bulyaw ni Elina kay Stephanie. Kasalukuyan silang nasa girl's locker room at nagpapalit ng PE uniform para sa susunod nilang subject. Hindi pa rin mawala sa isipan ni Stephanie ang pagdedeklara ni Arthur ng panliligaw sa kanya. Alam naman niya ang mga kalokohan nito ayon na rin sa kwento ni Elina ngunit tila hindi naman iyon nakaapekto sa kanya. Sa ngayon ay wala siyang makapa sa sarili na kahit anong pagkainis dito. Sa halip ay tinatangkilik pa ng kanyang traydor na damdamin ang panliligaw nito. Hindi niya nga lang pinapahalata."Mabuti nalang at nilukot mo yung papel. At least, alam na niya na wala siyang pag-asa sa iyo," patuloy ni Elina habang sinisintas nito ang sapatos.
Hindi naman niya talagang sinasadya ang pagkakalukot sa papel na naglalaman ng mensahe ni Arthur. Sadya lang siyang nagulat sa rebelasyon nito. Bago lang sa kanya ang ganitong karanasan — ang maligawan. Iyon nga lang ay natatakot din siya kung sakaling tutugunin niya ang panliligaw ni Arthur.
Naalala niya ang pagbago ng ekspresyon sa mukha ni Arthur matapos niyang malukot ang papel. Kitang-kita niya na dumilim ang ekspresyon nito habang nakayuko. Hindi niya rin naiwasan na malungkot. Sa tingin niya ay nasaktan niya ang binata sa nagawa niya. Kaya nga hanggang sa ngayon ay hindi pa rin siya nito binabati.
"Hey, girl. Hindi ka na nakaimik diyan? Ang lalim ata ng iniisip mo?" pukaw ni Elina sa ngayo'y nakatulalang si Stephanie.
"A-ah, wala. May naalala lang ako," kaila niya.
"Sus! If I know, si Arthur ang iniisip mo. Iniisip mo na bigyan siya ng chance, 'no?" tanong ni Elina na tinatali naman ngayon ang buhok.
"Hindi ko alam," pag-amin niya.
"Ay, naku! Basta binalaan na kita, ah. Halam ang bituka ng mga iyan. Once a playboy, always a playboy. Kaya mag-iingat ka. Tara na nga at tinatawag na tayo ni Coach Alfred." Sumunod naman siya kay Elina. Isasantabi na muna niya ang mga iniisip ngayon. May iba pang bagay na mas importante na dapat niyang bigyan ng panahon. She must make the most out of it.
Nang makalabas na sila ng locker room ay dumiretso na sila sa Gymnasium. Naabutan nilang may inaanunsyo ang teacher nilang si Coach Alfred.
"Class we're going to have a practical exam today. Magkakaroon tayo ng basketball match. You must group yourselves into five members base na rin sa rule ng basketball. Don't worry, it can be mixed into boys and girls. Then, mamimili kayo ng team captain sa bawat group. Sige maghanap na kayo ng kagrupo ninyo then after that, inform me. May kukunin lang ako sa faculty room sandali," sabi ni Coach Alfred sabay alis patungong faculty room.
Maya-maya. "Girl! Kumpleto na tayo!" sabi ni Elina habang papalapit sa kanya na ikinagulat niya. Lalapitan niya sana ito upang pag-usapan kung sino ang isasali nila sa grupo nila ngunit heto nga't may akay-akay na. Nakita niya ang tatlo nilang kaklaseng lalaki na nakasunod dito. Mukhang ang mga ito ang recruited members nila. Ibang klase talaga itong si Elina. Sa pagkakaalam niya ay sikat ito sa mga lalaki sa campus kaya hindi na siya masyadong nagulat.
"Paano mo naman napasali 'yang mga 'yan sa atin?" bulong ni Stephanie kay Elina.
"Nagpaalam sila na makigrupo sa atin kaya tinanggap ko. Huwag kang mag-alala. Mababait naman iyan at di nangangagat," biro ni Elina.
"Hello," sabay na bati sa kanya ng mga ito.
"Hi," tipid na bati niya. Hindi naman niya gaanong ka-close ang mga ito kaya medyo naiilang pa siya. Niyaya na niya ang mga ito na pag-usapan kung sino ang magiging team captain nila at ang strategy ng magiging laro nila.

BINABASA MO ANG
The Public Princess [ON-HOLD]
Roman d'amourSi Stephanie Borromeo a.k.a Princess Leona Glucksburg ay piniling mag-aral sa isang pampublikong paaralan - ang Iris Academy, sa kadahilanang gusto niyang maging malaya at maranasan ang simpleng pamumuhay. Ngunit sa pagpasok niya sa nasabing pa...