H&H: Chapter 3

58 1 0
                                    

Haru's Pov

"Hara!" 

"Hara!"

"Hara ano ba?!" 

Papatayin ata ako ng kapatid kong tong sa kakahabol sa kanya. Para kasing kabayo kung tumakbo o kaya'y parang magnanakaw na expert na sa pagtakbo.

Nakita ko naman na tumigil siya sa malapit sa gate ng campus. Salamat naman at tumigil na rin siya baka maubusan na ako ng lakas at oxygen sa kakahabol.

"O kuya, mukha kang haggard?" sabi nito, grabe ganda ng sinabi mo. Hindi sana ako ganito kung hindi mo ko pinahabol.

"Aish!" 

"Sige Hara, ipapasa ko na lang sa e-mail ni sir yung powerpoint na ginawa natin." 

"Sige! ay siya nga pala, Bianca, kuya kong haggard. Kuya si Bianca classmate ko." sabi ni Hara.

"Hello, I'm Bianca!"

"Hello, I'm Bianca!"

"Hello, I'm Bianca!"

"Hello, I'm Bianca!"

"Hoy!" sigaw ni Hara sabay pitik sa noo ko.

"Aray! ang sakit nun ah." reklamo ko,

"Eh paano tulaley ka, anyare sayo?"

Hinimas ko naman yung noo ko pero agad akong napatingin kay Bianca. Yung mukha niya kasi parang pamilyar,

"Ahh sige Hara, una na ako." paalam nito.

"Ahh sige ingat ka bye!" sabi ni Hara.

Grabe ang ganda niya para siyang anghel...

"Hoy!" sigaw ni Hara sabay pitik na naman sa noo ko.

"Ano ba Hara! di mo ba alam na masakit?!" reklamo ko, namumuro na talaga to eh.

"Eh tulala ka na naman...huwag mong sabihin type mo si Bianca no?" pang-aasar nito.

"Ah hindi ah! type agad." 

"Sus! napaka defense mechanism mo naman." sabi niya with matching nakakaloko na ngiti,

"Defense mechanism ka pa dyan, alam mo ba ibig sabihin nun?" tanong ko at napasisip naman siya. Sabi ko na eh, hindi niya alam.

"Basta may defense, masyado kang defensive. Sige na may klase pa ako babush!" paalam nito sabay takbo.

Ako naman pumunta na rin sa klase ko. Sa pagpasok ko ng klase agad naman akong sinalubong ng mga GwaPITOs. Tama, GwaPITOs consist of 7 at kasama na ako dun. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ni Ian at yan ang pinangalan sa grupo namin. Pero wag kayo, sikat ang grupo namin sa HRM department at mga loko naman sinabi na gusto nila sikat din kami sa buong campus. 

"Hoy guys! nandito na si Haru." sigaw ni Anthony at nagsilapitan naman sila.

"Hoy Haru, pupunta kami sa inyo mamaya." sabi ni Ian. Nagtaka naman ako, inaya ko ba sila na pumunta sa bahay?

"Huwag ka nang magtaka, basta pupunta kami dun." sabi naman ni Richie.

Wala naman akong nagawa kasi dumating na yung professor namin.

Luimpas ang isang oras at kalahati. Sa wakas tapos na rin! dahil yung utak ko sumabog na dahil sa mga equations.

"Yes! Tara na guys sa bahay na tayo ni Haru." sigaw ni Lance at naghiyawan naman sila. Hinayaan ko na lang sila sadyang mga baliw lang. Sa grupo kami lang ni Calyx ang matino, the rest wala na.

Paglabas namin ng campus agad naman kaming nakasakay sa jeep.

"Oh Haru, ikaw na rin ang magbayad ng pamasahe namin!" sabi ni Luis at tuwang tuwa naman ang mga loko.

Haru and HaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon