H&H: Chapter 5

27 1 0
                                    

SCHOOL

"Kuya Haru!" napalingon naman agad si Haru ng tawagin siya ng kanyang kapatid.

"Oh? Problema?!" masungit na pagtatanong ni Haru.

"Ang sungit mo ngayon? Tsk! eto pabigay na lang kay Bianca ha?" inabot naman ni Hara ang isang folder kay Haru, paalis na sana siya ng bigla siyang pinigilan ni Haru.

"Oy! ano ako utusan mo? Tsaka saan ka ba pupunta ha?!"

"Pupuntahan ko lang si Shieka saglit." sagot ni Hara. Napakunot naman ang noo at kilay ni Haru sa sagot ng kapatid.

"Shieka? eh may klase yun ah?!"

"Tapos na kanina pa, Midterm kaya nila ngayon at tsaka makikipagkita ako dun sa dati kong classmate si Millette." paliwanag ni Hara at napakamot na lang sa ulo si Haru.

"Oo sige na! Ibibigay na to kay Bianca pag nakita ko."

"Yun oh! the best ka talaga kuya. Saranghae!" sabi ni Hara at nag heart sign pa.

"Saranghae mo mukha mo! Tantanan mo ko sa ganyan mo."

"Tss...meron ka ata ngayon! Sige na gorabells na me bye!" agad naman umalis si Hara at parang naiwang lugi si Haru.

"Paano ko ba to maibibigay sa kanya? Tsk! kahit kailan talaga tong si Hara."

"You look so lonely my friend!" biglang sulpot ni Anthony.

"Tantanan mo nga muna ako!"

"Chillax man!" pagsulpot din ni Richie.

"Ano bang problema natin brad? baka pwede natin pag-usapan?" sabi ni Luis sabay akbay kaya Haru. Sina Calyx naman ay nasa likod.

"Wala to!" sigaw ni Haru.

"Oh pre, keep calm and breath okay?" sabi ni Ian na agad namang binatukan ni Lance.

"Arouch! that really hurts you know?!" pagrereklamo ni Ian kaya nakatikim ulit siya ng malakas na pambabatok galing kay Lance.

"Tumahimik ka kasi! Hindi kailangan ng opinyon mo." sabi ni Lance at napa pout naman si Ian.

Aakmain na sana ni Lance ng malakas na batok si Ian ng agad itong inawat ni Calyx.

"Tama na yan! Baka mamaya ano pang mangyari sa alien na yan baka magsumbong yan sa mga kapwa aliens niya at i-destroy tong earth." pagbibiro ni Calyx, tinignan naman siya ng masama ni Ian.

Agad naman napatigil ang mga GuwaPITOs ng may lumapit na babae sa kanila.

"Ahh excuse me, nagtext kasi sa akin si Hara na nasayo daw yung folder ko." halos matulala si Haru sa nakikita para bang may mga church bell na nagsisitunugan at choir na nagsisikantahan with matching white background. At parang isang anghel na bumaba sa langit na si Bianca.

Binatukan naman siya ni Lance kaya nagising ito sa katotohanan. Tinignan niya ng masama si Lance at nag peace sign lang ito sa kanya sabay ngiting malaki.

"Ah eh oo nasa akin nga...eto." inabot naman ni Haru yung folder kay Bianca pero halata kay Haru ang kaba dahil nanginginig ang kamay nito.

"Ahh salamat pasabi na alang kay Hara na salamat wala na kasi akong load tsaka may klase pa ako. Sige salamat ulit, una ako." agad namang umalis si Bianca ng makasigurado na wala na si Bianca ay nagsimula nang magsigawan ang mga ito kaya napatingin ang mga estudyante na naglalakad sa hallway.

"Ahh alam ko na...siya ba problema mo? Eh problem solved na pala eh!" pagtutukso ni Luis at nag-apir pa sila ni Richie.

"Anong pangalan nun pre? ang ganda niya." sabi naman ni Anthony kaya agad siyang binatukan ni Haru.

Haru and HaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon