01

11 2 0
                                    


"Jeco? Sa tingin mo ba after 10 years tayo parin?"

" *sigh* ano bang tanong yan christian? Siyempre tayo parin diba nga hindi na tayo mag hihiwalay pa?"

" malay ko ba kung after 10 years makahanap ka ng mas better sakin..".

"hays wag ka nga mag isip ng ganyan napaka nega mo talaga!"

"I'm just making sure na-"

"huy! ano ba kayong dalawa jan. Di ba kayo mag eenjoy?. Tara na!"

He stood up tapos inoffer niya ang kamay niya sakin sabay pakita ng ngiti. Yung ngiti na kung saan dun ako nahulog. Yung ngiting napaka sweet at nakakakilig. Sana 10 years after tayo parin para sa isa't isa. Bubuo pa kasi tayo ng pamilya diba?. Kahit na medyo imposible.

" Ano? Tititig kanalang ba diyan? Nangangalay na ako ehem"

Nagising ako sa katotohanan at inabot ang kamay niya, pagkatapos ay tuwang tuwa na niya akong hinila palapit sa aming mga kaibigan.

Nang malapit lapit na kami ay bigla siyang huminto. Lumingon siya sakin at

" Hay nako Christian! Pati ba naman yang camera idadala mo pa sa pool?"

Natawa ako sa aking sarili. Akala ko may problema na. Akala ko dun na papasok yung 'I'm sorry' part. Katulad ng sa mga movies. Hayyy ewan siguro napaka depress ko lang talaga ngayon dahil sa movie na pinanood namin kagabi. Hindi kasi naging maganda ang ending ng bida. Sakin kaya? Sana makaranas ako ng happy ending sa buhay kong to. Sana di kalungkutan dahil ngayon palang parang napaka-lungkot kona.

"Christian?? Get ready na parating na ang papa mo after 5 minutes."

Nahinto ako. Hindi namamalayang yung luha ko'y tumutulo na mula sa aking mapupungay na mga mata. Na realize ko na andito nanaman ako, pinapanood ang video bago kami magkahiwalay ni tyler. It's been 3 years...

" Christian???! "

" Okay ma! Mag iimpake na po!"

Sinarado ko na ang laptop ko at nagsimula na ngang mag ayos ng mga dadalhin ko sa korea. Dun na kasi ako magtutuloy ng pag-aaral ko. Sa ngayon, nasa first year college palang ako. Grade 10 palang kami ni Jeco bago kami tuluyang mag hiwalay. Yah, napaka bata pa ng isipan namin that time. Kaya siguro di kami pinalad na magsama hanggang ngayon.

After kong mag impake ng mga kakailanganin ko, kinuha ko ang phone ko sa aking bulsa at nag desisyon na mag scroll nalang muna sa facebook habang naghihintay kay papa.

*after 5 mins.*

"Christian! Bumaba kana jan! Andito na ang papa mo!"

I closed my phone then kinuha ko na ang maleta ko tapos dumiretso na nga ako sa sala.

" Is everything ready?"

"Yes dad."

"Okay, get into the car now. We're gonna be late for our flight."

Anyways, my dad is an owner of a company here in the phillipines but nagpaplan kasi siya na magpatayo pa ng kagaya nito sa ibang bansa. My mom is a house wife. Ayaw niya mag trabaho kasi gusto niya daw magampanan ang pagiging ina at asawa. Hindi rin siya pumayag na magkaroon kami ng katulong dahil kaya niya naman na daw lahat ng gawaing bahay.

The car started moving. After 20 minutes of ride, andito na nga kami naghihintay sa sasakyan naming eroplano para makapag ready and masimulan na ang pagpunta namin sa korea.

I didn't got the chance to daydream sa plane, kasi nakatulog ako. Ginising nalang ako ni mama nung pababa na kami ng eroplano at ngayon nga ay nandito na kami sa bahay na binili ni papa nung nakaraang linggo lang.

10 YEARSWhere stories live. Discover now