Chapter 4:Second Encounter

72 9 0
                                    

Mikee Pov

Nang umalis na sila Aileen ay yinuko ko ang ulo ko para makatulog pero lintek na sistema na yan ayaw magpatulog

Iniangat ko ang ulo ko at sakto nun ang pagkita ko sa lalaking naka-usap ko na kakalabas pa lang

"Uyyy kuya"pagtawag ko sa kanya pero hindi niya ako napansin

Dali-dali akong tumayo at hinabol yung lalaking yun

"Uyy kuya"tawag ko sa kanya pero patuloy pa rin siya sa paglalakad

Habang hinahabol ko yun ay hindi ko maiiwasang makabangga

Ambilis kasing maglakad tapos idagdag mo pa ang maikling palda na toh kaya hindi ako maka kilos ng maayos

Kumaliwa siya kaya sinundan ko siya pero kamalas-malasan nga naman ang mga babaeng taga-black dragon ay tumakbo habang sinisigaw ang pangngalang Sebastian

Tumakbo ako ng wala na ang mga fangirl

"Uyy kuya"sumigaw ako pero huli na dahil wala ng daanan at wala akong nakikitang lalaking naka-usap ko

Bumagsak ang balikat ko habang naglalakad pabalik ng classroom

"Tss sayang naman yung itinakbo ko"

Theo Pov

"Naka-busangot ka na naman"salubong sa akin ni Hairo ng kalalabas ko lang sa kotse ko.

"Panget lang ang gising ko"pag sisinungaling ko

Ikaw ba naman sapakin ng babae,Aaminin ko yung unang kita ko sa kanya nagandahan ako pero kung pano siya manamit ay parang lalaki kaya nandiri ako at aaminin ko hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan yung ginawa niya sa akin

Kung makasapak naman kasi parang binastos ko siya---Nabastos ko pala siya nung sinigawan ko pero dapat di niya kailangang sapakin ako

Isinarado ko ang kotse ng sasakyan ko at sumandal,kinuha ko ang isang stick ng sigarilyo  at sinindihan

"Aga-aga naninigarilyo"sabi ni Timothy ang kambal ko at sabay hampas sa balikat ko

Inakbayan ako ni Christian kaya nawala ako sa mood

"Get your hands off,dude"seryosong sabi ko pero sa halip na alisin niya ang pagkaka-akbay niya sa akin ay tinawanan niya lang ako

"Bakit? dude,hindi mo ba makalimutan yung nasapak ka ng babae?"sabi ni Sebastian sa nakaka-asar na tono at tumabi pa sa akin

Ang tapang nitong adik na toh

Binugahan ko siya ng usok kaya napa-ubo siya at napapay-pay sa hangin

"Bastos kang Theo ka"sabi niya habang umuubo kaya nginisihan ko na lang siya

"Pina-alala mo pa kasi yung sinapak siya ng babae"pang-aasar sa akin ni Hairo kaya binato ko sa kanya ang stick ng sigarilyo ko at naka-ilag naman siya

Nakasandal kaming lahat sa sasakyan ko habang nag-uusap tungkol sa mga babae hehe

"Christian,Ikaw Christian ano ang ideal type mo?,kasi ikaw lang ang walang naging jowa eh"si Hairo habang nakangiti

Para siyang bakla kung tumitig kay Christian

Napa-isip naman si Christian at dahan-dahang ngumiti

Kadiri amp

"Mmm actually mga tatlo lang ang gusto ko sa babae ang pagiging palaban,weirdo manamit,mature"nakangiting sabi niya at tumingin sa langit

"Mmm parang sa sinabi mo ay ang type mo yung...... babaeng nanuntok kay Theo"siguradong sabi ni Timothy habang sumusulyap sa akin ng banggitin niya ang word na nanuntok

A War Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon