1

4.3K 88 1
                                    

"But dad, I don't want any bodyguards." Protesta ko kay daddy. May natanggap na naman kasi akong death threat sa hindi ko alam kung kanino galing. Kaya gusto ni daddy na may bodyguard ako for my protection from those bad guys.

Isa kasi akong young actress and model but at the same time college student. Kilala kasi ang mga Miller sa pagiging actor pero hindi sa pagiging model.

"No, Brielle. Pinagusapan na natin ang tungkol rito na kukuha tayo ng bodyguard pag may natanggap ka ulit na death threat. Alam ko naman ginagawa ko ito para sa kaligtasan mo." Sabi ni daddy sa akin.

"Fine. Kukuha tayo ng bodyguard pero dapat yung kaya akong protektahan. Gamitin ang connections niyo, dad para makakuha tayo agad."

"Hindi na kailangan ng connections ko para diyan." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni daddy. "May kilala ako na pwede maging bodyguard mo."

"Good. Let's go."

Hindi ako pinayagan ni daddy na pumasok na muna sa school because of this death threat. Kainis nga, eh. May namiss tuloy akong lessons ngayon. Graduating pa naman ako.

Are you gonna be kidding me? Police head quarter?

"Dad, nagbibiro lang kayo, right? Ano ang ginagawa natin rito sa police head quarter? Wala naman tayo makukuhang magaling na pwedeng maging bodyguard ko."

"Hindi ako nagbibiro, Brie. Dito nagtatrabaho ang kakilala ko."

Ugh. Wala na ako magagawa kahit ayaw ko talaga ng bodyguard.

Pagpasok namin sa loob ng head quarter ay sinalubong na kami noong kakilala ni daddy. I don't like him parang hindi niya ako kayang protektahan. Halatang may edad na. Gusto ko yung mabata bata pa at kayang makipag laban sa bad guys.

Tumingin ako sa paligid hanggang sa may umagaw ng atensyon ko doon sa isang lalaki nakatayo malapit sa vending machine. He's perfect to be my bodyguard. Kayang kaya niyang makipag laban doon sa mga bad guys na gustong patayin ako at mabata bata pa siya. Plus ang gwapo niya.

"What do you think, Brie?" Tumingin ako kay daddy noong tanungin niya ako.

"No. I want him to be my bodyguard." Tinuro ko yung lalaking nakita ko kanina.

"Si Keiji, ms. Brielle?"

Keiji pala ang pangalan niya. May lahing Japanese ba siya?

"Yes, he's perfect to be my bodyguard."

"Pwede ko ba siyang makausap?" Tanong ni daddy.

"Sure, sir." Binaling niya ulit ang tingin kay Keiji. "Excuse me, Keiji. Can you come here for a moment?"

Nakita ko ang pag-excuse niya sa kausap niyang babae. Hmph. Mas hamak namang maganda ako doon sa kausap niya.

"Yes, sir?" Nag-salute pa siya sa kausap ni daddy kanina.

"Mr. Miller, this is deputy chief Keiji Parker. One of the best police deputy chief from US."

"Masyado niyo naman ako pinupuri, sir." Sabi niya habang nagkakamot ng batok. Ang cute niya lalo na pag nahihiya.

"Hi. I'm Brielle Miller and I want you be my bodyguard."

"Bodyguard?"

"Yes. I'm sure you know what bodyguard is."

"Tsk. I know what bodyguard is. Sorry pero tatanggihan ko ang offer niyo sa akin."

"Parker." Saway noong chief.

"No, sir. Let me finish first." Binaling niya ulit sa akin. "Ayaw ko sa lahat ay isang spoiled brat na kagaya mo, ms. Miller. Excuse me."

Wow ah. Hindi ba niya ako kilala? Ako lang naman si Brielle Miller na sikat na actress at model.

"I'm sorry about that, mr. Miller. May pagka ganoon talaga ang ugali ni Keiji pero mabait na tao ang batang yun."

"I understand. Talagang lumaking spoiled brat ang anak kong ito."

"Dad!" Singhal ko. Tama daw bang sabihin sa ibang tao na isa akong spoiled brat. Ano naman masama kung isa akong spoiled brat? Walang bagay na hindi ko nakukuha. Whether he wants to be my bodyguard or not ay siya lang ang gusto ko maging bodyguard. "Gumawa kayo ng paraan para pumayag siya maging bodyguard ko, dad. I want him."

"Sige, gagawa ako ng paraan pero sa isang kondisyon."

"Ano naman yun?"

"Kakausapin ko ulit siya pero bawal ka sumabat sa kahit anong paguusapan naming dalawa."

"Fine. Basta mapayag mo lang siya."

Pinuntahan na namin ni daddy kung saan pumunta si Keiji.

"Can we talk?" Tanong ni daddy na kinaangat niya ng tingin.

"Sorry, sir but my answer is still no."

"Listen to me first, hijo. Marami na kasing natatanggap na death threat si Brie kaya naghahanap kami na pwede maging bodyguard niya at talagang ikaw ang gusto ng anak ko maging bodyguard niya."

Kumalabog ng mabilis ang dibdib ko noong tumingin siya sa akin. Ano nangyari sa akin? Love at the first sight? Hindi naman ako naniniwala doon. Inaamin kong gwapo siya pero mukhang suplado.

"What kind of death threat, sir?"

"Heto yung death threat na natanggap ng anak ko kaninang umaga." Inabot ni daddy ang isang death threat na natanggap ko kaninang umaga.

Ang nakasulat doon ay DIE. Tatlong letra pero sino ba ang hindi matatakot pag nakatanggap ka ng ganoon?

Yumuko ako noong tumingin ulit siya sa akin. Bakit ganoon? Hindi ako nakapag salita. Nagkaroon na ba ako ng crush sa kanya? Hindi ako yung tipo ng tao na nagkakaroon ng crush sa school o sa trabaho. Ano na ang meron sa kanya na wala sa ibang lalaki?

"Okay, sir. Tinatanggap ko na ang pagiging bodyguard ng anak niyo." Napaangat ako ng ulo noong marinig kong pumayag na siya.

Yes!

Napapayag na rin siya.

"Thank you."

"No, sir. It also part of my job. Kailan po ako magsisimula?"

"Right now." Sagot ko naman sa kanya.

"Brie, ano ang sabi ko sayo kanina?"

"Sorry, dad." Yumuko na lang ako. Kainis naman. Gusto ko ngayon na siya magsimula dahil hindi namin masasabi kung kailan magpaparamdam ulit yung gustong pumatay sa akin.

"Kung ayos lang sayo ngayon na. Hindi kasi natin masasabi kung kailan magpapakita yung mga nagpapadala ng death threat sa anak ko." Napaangat ako ng tingin dahil nabasa ni daddy ang iniisip ko. Yan ang gusto ko kay daddy.

"Okay, sir. Walang problema sa akin."

"Dad, baka may kailangan pa kayong gawin ngayon. Dito na muna ako at kasama ko naman yung bodyguard ko. At saka gusto ko rin siya makausap."

"Oh, sige. Keiji, ikaw na bahala sa anak ko ah. At pagpasensyahan mo na lang siya kung magka spoiled brat."

"Dad naman."

"Okay, sir. Ako na po ang bahala sa kanya."

Nang umalis na si daddy ay humarap na ako kay Keiji na nakangiti.

"Ano ang gusto mong pagusapan?"

"Pwede bang magtanong sayo?"

"Nagtanong ka na." Lumabi ako. Kainis naman. "Ano ba yun?"

"May girlfriend ka na?"

"Wala pa akong girlfriend."

"Pwedeng mag-apply?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.

"You know, ms. Miller, wala akong interest sa spoiled brat na kagaya mo at wala rin akong interest mas bata sa akin ng ilang taon. Alam ko ang dahilan kung bakit mo yan sinasabi sa akin dahil hindi mo pa nakilala ang lalaki para sayo. Pag nakita mo na siya ay makakalimutan mo rin kung meron ka man nararamdaman para sa akin."

Paano niya nalaman? Ganoon ba ako kahalata?

~~~

Ilalagay ko na ito bago pa mawala sa isipan ko. 😁

Marrying With My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon