12

1.5K 46 0
                                    

"Tito."

"Dawn." Napatayo ako ng makita ko si Dawn. Paano naman niya nalaman nandito ako ngayon?

"May tumawag kay mama galing daw sa ospital at sinabing nandito ka. Ako ang pinapunta niya dahil hindi pwede malaman ni papa kung ano ang nangyari sayo."

"Paano naman nalaman ng- Never mind." Kilala nga pala ang pamilya ko dahil simulang ang merging ng Hollis Industry at Parker Empire. "Sino pala kasama ng mga bata?"

"Hindi pumasok si Ethan ngayon kaya siya na muna ang bahala sa mga bata."

Kaya naman pala. Ang sipag naman ng CEO ng kilalang kumpanya, no? Tama yan.

"Sino pala itong kasama mo?"

"She is Brielle Miller, my girlfriend."

"G-Girlfriend?! Tama pala ang sinabi ni Em na may girlfriend ka na."

"Nagkita kayo ni Emily?"

"Yup. Noong isang araw. Ang laki na nga ng tyan niya ngayon."

Buntis pala siya. Hindi na ako magtataka kung sino ang ama ng pinagbubuntis niya. Si Tim lang naman ang kilala kong boyfriend niya at palaging kasama. Isa kasi yung freelancer photographer but at the same time trainer sa taekwondo. Paano ko nalaman? Nag search ako tungkol sa kanya.

No doubt. Siya rin yung nakita ko noong may photoshoot si Brielle.

"Hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Dawn, pamangkin ng pasaway kong tito."

"Anong pasaway? Magpapakilala ka na lang may kasamang pasaway sa introduction mo." Psh. Siya ang pasaway. Kung alam niyo lang palagi ako ang napapagalitan sa mga kasalanan niya dahil ako ang mas matanda sa aming dalawa.

Narinig ko ang pagtawa ni Brielle. Pinagtatawanan niya kami.

"Ako pala si Brielle Miller."

"Wait, you looks familiar."

"Talagang familiar siya sayo dahil palagi mo rin siya nakikita sa tv o sa movies."

"Kaya naman pala familiar siya sa akin. Bakit bigla ka na lang nawala sa showbiz?" Halatang hindi nanonood ng balita itong si Dawn.

"Gusto ko na muna mag focus sa pagaaral hanggang makapag tapos ako pero ngayon babalik na ulit ako."

"Hindi ko maimagine magiging tita ko mas bata sa akin." Natatawang sabi ni Dawn.

"May problema ba tayo, Dawn? Eh, ako na nga itong nililigawan ni Brie."

"Weh? Seryoso?" Tumango si Brielle sa kanya.

"Wala naman akong pakialam kung malaman ng ibang tao na ako ang nangliligaw, hindi ang nililigawan."

"Ang panget kaya tingnan. Para tuloy akong bakla nito." Namumula na siguro ang pisngi ko nito. Nakakahiya naman kasi. Ako ang nililigawan ng babae.

"Si tito Kei namumula na."

"Hmph." Inirapan ko siya habang pinagkrus ang mga braso ko. "Ngayon alam mo ng okay lang ako kaya pwede mong sabihin kay ate Janet na okay ako para hindi na sila magaalala sa akin."

Dapat alam na nila na ganito ang pwedeng mangyari sa akin dahil ganito talaga ang trabaho ko bilang pulis. Buwis buhay.

"Sige, alis na ako. Mukhang ayaw na ako ni tito Kei nandito."

Talagang ayaw ko dahil isturbo ka sa amin ni Brielle.

Kinabukasan ay pinayagan na ako ng doctor na lumabas ng ospital. Mabuti naman dahil wala naman talaga akong balak mag stay pa doon, no.

"Kei." Niyakap ako ni Brielle kaya gumanti rin ako ng yakap sa kanya.

"What's wrong?"

"Pinapasabi ni dad salamat daw sa pagligtas mo sa akin at magpagaling ka."

Nagulat ako ng tulakin ako ni Brielle kaya napahiga ako sa sofa.

"Ano ang binabalak mo?"

"Hindi ka nga pala dumalo noong graduation ko. Papakilala pa naman sana kita kay Leo. Kainis."

"Nandoon kaya ako. Pinapanood kita sa malayo. Nakailang beses na nga umakyat ng stage si sir Hubert para sabitan ka ng medal. Hindi ko nga mabilang kung ilang beses. Hindi ko rin inakala na matalino ka."

"Matalino naman ako. Iba lang kasi ang nakikita mo tungkol sa akin."

"Kaya ba bahay at school lang ang daily routine mo?"

"Mm..." Tumango siya sa akin. "At saka may isang tao kasi gusto ko maging proud sa akin."

"Sino?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"My mom."

Noong unang punta ko sa bahay nila ay may nakita akong malaking picture sa may hagdanan nila. Isang family picture pero hindi kasama ang mama nila sa picture na yun.

"Where is she?"

"Ang sabi ni Leo nasa London daw ngayon si mama. Maliit pa lang kasi kami ni Leo noong naghiwalay ang mga magulang namin. Simula noon lumaki kami ng kakambal ko na broken family dahil sa isang issue. Hindi kami pinayagan ni dad na sumama o makipag kita kay mama, kung hindi ipapakulong niya si mama. Alam kong hindi magagawa ni dad yun kay mama. Galit lang siya kaya niya iyon nasabi." Nakita ko ang pagpatak ng luha niya kaya agad ko yun pinunasan. "Pero isa lang naman ang hinihiling namin ni Leo. Ang maging buo ulit ang pamilya namin. Sana mapatawad na ni dad si mama kung ano man ang kasalanan niya."

"Magiging maayos ang lahat."

"Kaya Kei." Naging seryoso ang mukha ni Brielle. "Pinapangako ko sayo na hindi kita lolokohin dahil ikaw lang ang lalaking mamahalin ko. Maliban na lang kung magkaroon tayo ng anak na lalaki."

"Ayos lang sa akin na may kahati sayo basta ang kahati ay ang magiging anak natin."

"Promise ko yan."

"At saka proud rin ako sayo." Hinila ko siya para halikan at sinagot rin ako ni Brielle ng halik. Kaso ako na rin ang humiwalay baka kasi saan pa mapunta ito.

"What's wrong?"

"Nagugutom na kasi ako." Pagdadahilan ko. "Magluluto ako ng makakain natin."

"You can cook?" Umalis na si Brielle sa ibabaw ko at bumangon na rin ako.

"Yup. Lalo na ako lang ang magisa rito sa condo pero kung hindi ako masyado busy sa trabaho ay may oras pa ako magluto ng makakain ko at matagal na ako namumuhay na magisa. Kahit noong nasa US pa ako nakatira." Pumunta na ako sa kusina. "May gusto ka bang kainin? Ipagluluto kita."

"Kahit anong lutuin mo. Gusto ko matikman ang luto mo."

"Okay." Nagsimula na ako magluto.

Nang matapos na ako sa pagluluto ay nilapag ko na sa mesa at naglagay na rin ng plato at fork and spoon.

Pinagsisilbihan ko pa ang mahal na prinsesa bago pa ako kumuha ng makakain ko.

"Ano masasabi mo sa luto ko?"

"Ang sarap! Hindi ko talaga inaasahan marunong ka magluto."

"Sabi ko nga sayo matagal na ako namumuhay na magisa at hindi rin ako umasa sa ibang tao."

Simulang umapak ako sa university ay umalis na ako sa puder ng mga magulang ko. Naga-apartment kasi ako noon pero tuwing weekend ay umuuwi ako sa amin.

"Balang araw ba makikilala ko ang mga magulang mo, Kei?" Tanong niya sa akin habang kumakain kami. Kaso umiling ako sa kanya.

"Matagal na kasi sila patay."

"I'm sorry."

"It's okay. 3rd year college ako noong namatay sila sa isang aksidente. Kaya ang pamilya ni kuya ang natitirang pamilya ko ngayon."

~~~

Maya ulit ako mag UD. 😊

Baka dito na muna ako mag focus sa pag UD. Ang daming pumapasok kasi na ideya sa akin dito. Hahahaha

On hold na muna ang story nina Tim at Emily. Sorry guys.

Marrying With My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon