6

1.5K 51 1
                                    

"Rise and shine!" Nilagay ko ang unan sa harap ng mukha ko. Sino naman ang magbubulabog ng sobrang lakas sa pinto ng kwarto ko? Kainis naman! "Come on! Gising na, Kei. Ang tirik na ng araw tapos tulog ka pa rin."

Napadilat ako ng marealize ko ang boses na iyon. Inangat ko ng kaunti ang unan sa mukha para alamin kung tama ba ako. Shit. Tama nga ako.

"Ano na naman ba ang kailangan mo, madam brat? Day off ko ngayon kaya gusto ko matulog."

"Tsk tsk. Kahit day off mo ay kailangan mo pa rin akong samahan."

Hindi lang pala pagiging pulis ang trabaho ko. Bodyguard rin pala ng batang ito. Nagsisi yata ako na pumayag akong maging bodyguard niya.

Bumangon na ako habang humihikab. Inaantok pa kasi ako.

"Ano ba ang kailangan mo sa akin?"

"Bakit hindi kita matawagan kanina? Mabuti na lang nakahabol ako sa practice namin para sa graduation."

Ilang buwan na rin pala ang lumipas noong pumayag ako maging bodyguard niya. Kakatapos lang rin ng final exams nila kaya nagpra practice na sila para sa graduation.

"Nawala ko yata yung phone ko habang nakipag habulan kahapon sa kriminal." Hindi ko nga maalala kung saan ko nahulog yung phone ko kahapon. Hindi na ako umaasa na maibabalik sa akin yun kung sino man ang nakapulot.

"Kung ganoon. Samahan mo ko sa mall."

"Ano naman ang gagawin natin doon? Akala ko ba ayaw mo sa masyadong maraming tao tapos ngayon nagyaya ka pumunta sa lugar na maraming tao."

"Bibili tayo ng bago mong phone."

"Hindi na kailangan. Kaya ko naman bumili ng bagong phone."

"No, I insist. Kaya mag asikaso ka na diyan at hihintayin na kita sa ibaba."

Kahit kailan talaga spoiled brat ang babaeng ito.

"Yes, madam brat."

Pagtapos ko maligo ay nagsuot ako ng simpleng damit. Sa totoo lang ayaw ko talaga lumabas ng bahay at gusto ko matulog buong araw.

"Aalis kayo, Keiji." Tanong ni ate Janet sa akin. Asawa siya kapatid ko na si kuya Scott. Dito kasi ako sa kanila nakatira ngayon. Ayaw ko na muna bumalik sa condo ko. 

"Yes, ate. Gusto kasi ng batang yun na pumunta sa mall ngayon."

"Sige. Enjoy." Maka ngiti naman si ate Janet wagas. Napailing na lang ako at bumaba na rin.

"Let's go."

"Kahit ano talaga isuot mo ang gwapo mo."

"I know. Kaya maraming kababaihan ang may gusto sa akin."

"No, no. Ako lang dapat ang babae sa buhay mo, Kei my loves."

Kei my loves?! Ano na naman ba ang naisip nito at nagkaroon na ng endearment?

"Ewan ko sayo."

Tahimik lang ako nagmamaneho. Himala nga hindi maingay ngayon si madam brat.

"Kei, I love you."

"Yeah, yeah."

Sanay na rin ako sa batang ito sa tuwing sinasabihan niya ako ng I love you.

"And I really mean it."

"You really mean it dahil hindi mo pa nakikilala ang lalaki para sayo."

"I'm serious. Gusto kita maging boyfriend- ay hindi pala. Gusto kita maging asawa ko."

"Asawa?!" Nagulat akong lumingon sa kanya. Nandito siya nakaupo sa passenger's seat. Parang dati lang ay palagi siya umuupo sa backseat. "Babaliw ka na ba?"

"Baliw sayo."

"Wag na kaya tayo tumuloy sa mall. Punta na lang tayo sa mental hospital."

"Ayos lang sa akin basta ba ikaw ang magbabantay."

My God! Ako yata ang mababaliw sa batang ito, eh.

Pagpunta namin sa mall ay pinark ko na ang kotse ko sa parking lot. Ang hirap nga makahanap ng bakanteng parking dahil ang daming naka park na kotse.

"Before we go." May kinuha ako sa dash board. Ito yung pang disguise niya na nakalimutan niyang kunin noong isang araw. Binigay ko na sa kanya ang sunglasses at cap niya. "Nakalimutan mo yan noong isang araw."

"Thank you. Ang akala ko nawala ko na ito, eh. Nandito lang pala." Nakangiting sabi niya habang inaayos niya ang kanyang buhok. "Yes? May dumi ba ako sa mukha?"

"Huh?" Hindi ko namalayang nakatingin pala ako sa kanya. Pero bakit ganoon? Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko noong makita ko siyang ngumiti kanina. Inaamin kong cute siya pag ngumingiti. "Wala kang dumi."

"All set. Tara na."

Sabay na kami bumaba ng kotse at kumapit na siya sa braso ko. Talagang iisipin ng ibang tao ay mag-jowa kaming dalawa. Ugh.

Pumunta na kami sa store ng cellphone para bumili ng bago kong phone. Kainis naman kasi. Ang mahal ng bili ko sa phone ko tapos mawawala lang.

"Gusto mo pa talaga pareho tayo ng unit ah."

"Siyempre, para maganda."

"May gusto ka pa bang puntahan habang nandito tayo?"

"Let's have a date. Nood tayo ng sine."

Talagang pinag planuhan niya ito ah.

"Fine. Nood tayo ng sine. Ako na ang bibili ng ticket natin. Tutal ikaw na itong bumili ng bago kong phone. Ano ang gusto mong panoorin? Yung pang bata?" Lumabi pa siya sa akin.

"Mukha ba akong bata sayo?"

"Yes. Bata ka pa naman ah." Bumitaw na siya sa pagkapit sa braso ko. "Joke lang. Hindi ka na mabiro. Ano nga kasi ang gusto mong panoorin?"

"Ikaw na ang bahala. Punta na muna ako sa CR."

I sighed.

Ako ang bahala. Wag na lang kaya bumili ng ticket para wala na akong gastos. But if I know, magtatampo sa akin si madam brat hindi kami makapanood ng movie.

Tumingin ako sa screen kung ano ang mga movies na palabas ngayon.

"Keiji?" Tumingin ako sa tumawag sa pangalan ko.

"Emily. Ano ang ginagawa mo rito?" Matagal tagal na rin ang huling pagkikita naming dalawa. Simula noong nalaman kong may boyfriend na siya ay lumalayo na ako sa kanya at pinipilit kong kalimutan ang lahat na sakit. Siguro hanggang ngayon ay sila pa rin ng boyfriend niya.

"Manonood kami ni Tim. Nandoon siya pumipila." Tinuro niya kung nasaan ang boyfriend niya.

"I see. Good for you. Mukhang inaalagaan ka niya ng maigi."

"Ikaw? Ano ang ginagawa mo? Wala ka bang pasok ngayon?"

"Manonood rin kami ng movie ng kasama ko pero nasa CR lang siya."

Nakita ko na ang boyfriend ni Emily galit na galit habang lumalapit sa amin at hinatak niya palayo si Emily.

"We're going home!"

Pinapanood ko lang sila habang pawala na sila sa harapan ko. Until now, I'm still love her. Pero dahil sa katangahan ko kaya huli na ang lahat. Pag mamay ari na siya ng iba.

"Kei, nakabili ka na ba ng ticket kung ano ang papanoorin natin?" Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng pilit. "May problema ba?"

Mabuti na lang hindi niya nakita ang nangyari kanina. Mukha akong tanga kanina.

"Nothing. Sorry, wala ako napiling papanoorin natin. Doon na lang tayo sa condo manood. Marami akong collection ng movies sa unit ko."

Marrying With My BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon