Chapter 15: BROKEN

2.5K 50 3
                                    

MIGGY's POV

"Ma, labas lang ako." Paalam ko kay Mama. Boring kasi dito sa loob. Tatambay muna ako sa labas kasama yung mga bagong tropa ko.


"Uy pare!" Tawag sakin ni Totoy at sinenyasan akong lumapit.

"Bakit?" Tanong ko ng makalapit ako.

"Sino yung chika babes kagabi?" Chismosong hito na to.

"Rinig na rinig namin na niloko mo daw sya e." Segunda naman ni Totoy.


"Sino yun? Kabet mo?" Nakangiting tanong ni Hito.

"Hindi." Sagot ko.

"Asus! Pa good boy pa tong bata natin. Alam mo, minsan nakakacool pagiging badboy. Kaya umamin kana." Pilit ni Totoy.

"Anong aaminin ko sainyo e wala naman talaga." Sabi ko.

"E bakit sinugod ka pa nung chika babes kagabe?" Tanong ni Hito.

"Ayan tayo e. Hirap talaga maging pogi. Buti nalang ako cute lang." Sabi ni Totoy.


"Ewan ko nga sa inyong dalawa." Sabi ko.


"Teka di ba si Chick en Chu yon?" Tanong ni Hito kaya tinignan namin yung babaeng palapit samin.

Nag slow motion pa yung lakad nya. Para syang gangster na nag liliyab sa lamig. Ano daw?? Basta ang cool nyang tignan pero mukha syang papatay ng tao.

Naka shades sya, may bandannang nakatali sa ulo nya at may may may dala syang--

"Samurai ba yon??" Takang tanong ni Totoy sa nakasabit sa likod ni Twaine. Teka anong binabalak nya???

Tumigil sya sa harapan ko. Tinanggal nya yung shades nya tapos hinagis sa gilid.


"Hoy! Ikaw, Miggy! Akala ko mabuting tao ka. Akala ko pwede kong ipagkatiwala sayo yung pinsan ko. Pero anong ginawa mo, sinaktan mo sya." Seryoso nyang sabi.

"Sinabi nya na pala." Bulong ko.

"Oo! Alam mo bang iyak sya ng iyak. Sobrang broken ng pinsan ko dahil sayo. Tapos ikaw pa tambay tambay lang dito kasama tong mga bulok na to." Turo nya dun sa dalawa.

"Hindi pa ko bulok." Sagot ni Hito.

"Hinahamon kita. Mag tuos tayo! Ipag hihiganti ko si Venia." Sabi nya at nilabas yung samurai nya. Nakahinga naman ako ng maluwag kasi kahoy lang pala yun na parang samurai yung design.

"Sorry Twaine. Pakisabi din kay V, sorry. Ang totoo nyan, nasaktan din ako. Mahal ko sya pero hindi kami pwede. Una pa lang naman hindi na talaga kami pwede kaya hindi ko na binago yun. Masakit din para sakin. Hindi mahirap mahalin si V. Kaso hindi kami nararapat sa isa't isa." Paliwanag ko. Mukhang lalong nabwiset si Twaine.

"Waaaaaaaah!" Sabi nya at sinugod ako. Napapikit ako. Kaya akala ko ihahampas nya sakin yung kahoy pero bago sya makalapit sakin hinagis nya pala yon. At sinuntok nya lang ako sa pisngi ng malakas kaya tumumba ako.


The Bodyguard (JenLisa) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon