Chapter 28: LONG WAY

4.1K 86 11
                                    


THIRD PERSON's POV


"Twaine, Rhiane, nahuli na namin yung bumaril kay Miggy." Sabi ni Goliath.


"Talaga?! Sino?!" Pasigaw na tanong ni Twaine.

"What's his motive?" Dagdag na tanong ni Rhiane.


"si Hans ang nasa likod ng pag babanta kay Miggy nung mga nakaraan." Sagot ni Robin.


Matapos mabaril ni Miggy sa rooftop ng company ni Bambi. Ay hindi inaasahan ng suspek na nag roronda sa paligid ng kumpanya sina Goliath, Robin at David.

Nakita nila ang pagkahulog ni Miggy mula sa rooftop, sa kabutihang palad. Nasalo sya ng malaking tela na hawak hawak ng maraming tao. Naiwan si David para tumawag ng back up at ambulansya at sina Robin ang umikot sa paligid. Nang mapansin ang nag mamadaling lalaki ay sinundan nila ito.



"Pag babanta? Hindi namin alam ang bagay na yan." Sabi ni Twaine na nakakunot ang noo.


"Hindi namin pinaalam sainyo dahil delikado. Kaya lagi lang syang nasa bahay at hindi lumalabas." Sagot ni David.


"Pero wag na kayo mag alala. Nakakulong na si Hans at matatahimik na ang lahat. Mauna na kami." Paninigurado ni Robin at nag paalam na sila.


Nasa mansion ng mga Kim sina Rhiane at Twaine para bisitahin si Venia.


"How is she tita?" Tanong ni Rhiane kay Mrs. Kim.


"As usual. Hindi pa din nag sasalita." Malungkot na sagot nito.


"Pwede po ba kaming pumasok sa kwarto nya?" Tanong ni Twaine. Tumango si Mrs. Kim. Pumasok ang dalawa sa kwarto ni Venia.


"Hi couz. Kamusta? Kumain kana ba?" Tanong ni Twaine at naupo sa tabi ng pinsan nya. Nakaupo lang si Venia sa kama, nakasandal sa headboard at tulala.


"It's been four months Venia. Come on, speak up! I missed you calling me 'koreanang hilaw'." Sabi ni Rhiane at naupo sa single sofa sa gilid ng kama.

Apat na buwan matapos ang insidente sa rooftop. Na depressed ng sobra si Venia at nag karon ng mental health issue. Araw araw syang umiiyak at nag kukulong sa kwarto, kinalaunan nakatulala na lang sya at hindi nag sasalita. Dahil sa pag lala ng kundisyon nya. Kinuhaan na sya ng private doctor ni Mrs. Kim para sa therapy nya araw araw.


Tumingin ng blangko si Venia kay Rhiane, pero hindi ito nag sasalita.


"Oh? Do you have anything to say?" Pang aasar ni Rhiane para mapag salita ang dalaga. Pero, inalis nya lang din ang tingin at hindi na uli sila tinignan pa.



Makalipas ang apat na buwan, umuwi ulit sa pilipinas sina Rhiane at Twaine galing sa Australia. Apat na buwan na rin ang relasyon nilang dalawa. Ngayon ang unang araw na makikita nila ulit si Venia.



"Tita, kamusta si Venia?" Tanong ni Rhiane. Ngayon ay nakakapag salita na sya ng tagalog dahil sa matyagang pag tuturo sakanya ni Twaine.


"Maganda at sexy parin koryanang hilaw." Napalingon sila sa hagdan. Nag lalakad pababa si Venia na nakangiti sakanila.

"Couz!! Bumalik kana!" Sigaw ni Twaine at niyakap nya si Venia. Ganun din ang dalaga.


"Namiss kita." Sabi ni Twaine.


"Ako din." Sagot naman ni Venia.


"Buti naman nag salita kana. Akala ko mabubulok kana lang sa kwarto mo habang buhay e." Sabi ni Rhiane na nakangiti.


The Bodyguard (JenLisa) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon