Gwardya

505 8 0
                                    

Isa ito sa mga pangyayaring hindi ko nagustuhan. Pero dahil may hugot line ako dito, ilalagay ko pa rin.

Tuwing papasok ako ng school, lagi kong kasabay si Claring. Codename niya rin yan hahaha.

Si Claring? Sino at Ano nga ba siya?

Si Claring, maharot yan. Kapag tumawa yan, hindi mo mapipigilan dahil sa lakas ng boses niya. Ayaw niyang pinupunasan yung mukha niya ng todo, dapat yung dampi dampi lang. Mahilig siyang magpacute sa harap mo o sa harap ng salamin. Mahilig yan mangutkot ng tigyawat niya. Lagi siyang gutom, may alaga kasi siyang dragon sa tyan. Lagi yang nang uutos ng gravy kapag kakain kami sa fastfood. Baliko yung mga daliri niya, hahaha. Kapatid niyan si Hello Kitty. Teary eyed siya, na malilinlang ka dahil akala mo naiiyak na talaga siya teary eyed nga diba? Maingay sa klase kahit na may prof, bilib ako taglay niyang lakas ng loob eh. At higit sa lahat, madaming lalaki pero mas gusto niya ang itatago natin sa pangalang "PP" ❤

Ito na yung storya, edi naghihintay ako sa kanya sa labas ng jollibee. 10:24 nandoon na ako. At dahil alam kong filipino time ang babaeng yun, alam ko ring aabutin siya ng mga 10-15minutes na paghihintayin ako. Pero ito ang matindi, halos lahat ng katabi kong naghihintay rin ay nakaalis na.

Oh ano? Gwardya na ako ng jollibee? Nagtext siya sa akin na paalis palang daw siya, edi naloka naman ako! Higit isang oras niya akong pinaghintay doon. Sumakit na lahat ng sasakit sakin. Yung ulo, tiyan, paa, lalamunan at idamay mo na rin yung puso. Hahaha, at dahil sa paghihintay ko na yun, nag-ala roller coaster na naman yung utak ko. Ang hirap kayang maghintay :(

HUGOT LINE: "Wag mong paghintayin ang isang tao kung hindi ka rin naman tutupad sa usapan niyo."

Hugot GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon