Friday, 9am.
Umakyat kami ni HoneyLoves, Foduls & Pajabels. Hindi niyo pa kilala si Pajabels noh?
Sino nga ba si Pajabels? Kaibigan ko yan at codename ulit yan. Hahaha, mga secret agents kasi kami.
Si Pajabels, loyal yan, hindi naattract sa iba maliban lang kay DJ -_-. Siya si Girl-Masakit- Ngipin. Kuripot yan pero ang sinasabi niya, sadyang nagtitipid lang siya. Siya yung babaeng halos mapaniwala kana sa sasabihin niya sabay sasabihin sa dulo na "jokeeee". Naglalawa yung kamay niyan, parang waterfalls na nga eh. Wala siyang pwet, hahaha sa kanya nanggaling yan ^_^v. Matalino, sure ako, promise! Mahilig niyang itupi yung dulo ng pantalon niya dahil sa taglay niyang kapayatan! Bagal yan magreply at kapag nagreply naman siya, sobrang iksi sabi nila sakin, hahaha. Minsan hindi pa yan magrereply dahil busy siya sa isang importanteng tao na katext niya, ayaw niya ng istorbo inshort.
Balik na tayo sa scene, dahil seminar namin ng 8:00, 9:00 kami umakyat hahaha. Kasi naman alam naming papapasukin pa kami niyan. Simula, 1st floor hanggang 4th floor inakyat namin. Natunaw na agad yung pagkaing pinagkakain namin, sayang! At nung nakarating na namin yung social hall at bubuksan yung pinto, biglang may nauna sa aming nagbukas. At isa yung officer ng guidance.
Nung kinausap nila HoneyLoves at Foduls yung officer, ang sabi niya "hindi na pwedeng pumasok eh." Sabay sara ng pinto ng padabog pero chos lang hahahaha!
Sabi ni HoneyLoves: "sayang naman yung akyat natin."
Sabi naman ni Pajabels: "oo nga, sayang effort."
May nag-pop na naman sa utak ko dahil sa sinabi ni Pajabels!
HUGOT LINE: "Kahit anong gawin mong effort, kung ayaw niya, ayaw niya talaga."
BINABASA MO ANG
Hugot Girl
Random"Hugot na naman!" Yan ang madalas sabihin ng mga kaibigan natin kapag may sinasabi tayong "hugot" daw para sa kanila. Meet me, kissline. Ang manggugulo sa normal niyong buhay, The Hugot Girl :)