It was another exhausting day for John Ken. Umuwi nga siyang bigo sa kanilang bahay, na walang napala sa kaniyang paghahanap ng trabaho. Dalawang linggo na nga siyang naghahanap ng trabaho, ngunit walang kumukuha sa kaniya. Sinubukan niya nga na mag-call center agent. But his temper, and body health was not fit for it.
Napupuwersa nga siyang maghanap, dahil hindi siya nakatira sa bahay ng kaniyang mga magulang. Kundi sa kaniyang mga tita. Sila nga ay nakatira sa Mindanao, at siya ay nasa Manila, dahil doon siya nag-aral, at grumaduate. Kaya nga rin siya napupuwersa, ay dahil panay ang parinig ng kaniyang tita na kaniyang tinutuluyan, bagama't ang kaniyang tito, na siya niyang kadugong tunay, ay wala namang sinasabi. Bagkus ay patuloy pa ang pagsuporta sa kaniya. Marahil iyon ang dahilan, kung bakit panay ang parinig nito sa kaniya.
May mga kaibigan din naman si John Ken, mula sa kaniyang pag-aaral. Ngunit hindi na sila gaanong nagkikita dahil sa kaparehong dahilan, na naghahanap din sila ng trabaho. Isa pang dahilan ay iniiwasan niya rin sila, dahil ang kanilang pagpupulong ay hahantong lamang lagi sa pag-inom. Hindi naman sa hindi siya umiinom, pero umiiwas muna siya dito, habang siya ay hindi pa sumusweldo.
At siyempre mayroon ding girlfriend si John Ken. Siya nga si Gio. They have meet when they are still collge freshmen, and have been in a relationship since then. Hindi nga gaanong bright si John Ken, ang girlfriend niya nga ang nakatulong sa kaniya ng malaki, upang mairaos niya ang kolehiyo ng walang bagsak, bagama't hindi rin mataas na mataas ang grade niya. Kilala nga ng tito at tita niya si Gio, at boto sila sa kaniya. And when they graduate, ay ipinakilala niya sa kaniyang mga magulang sa Mindanao si Gio. Ngunit habang nasa isang outing, ay nalunod si Gio sa dagat. Nasa kabaong na ngang umuwi sa Manila ang dalaga. Nagalit nga ang mga magulang ni Gio kay John Ken, at hindi siya pinatawad. Hindi siya pinadalo sa lamay nito, hanggang sa libing. Napuntahan niya lang muli ang kasintahan, dalawang araw pagkatapos niyang mailibing.
Binago nga ng kamatayan ni Gio si John Ken. Mula sa pagiging masayahin at positibong-positibo. Naging malungkutin at nihilistic si John Ken. Bumaba rin nga confidence niya. Tila baga senyales na siya ay may depression.
Ang tanging nagiging comfort lang nga ni John Ken, ay panonood ng K-drama at mga movies. Isa nga rin siya sa mga taong galit sa sistema noon. Ngunit nakonberte siya ni Gio, at siya man ay kinain na rin ng sistema. Ang celebrity nga na kung kanino siya ay pinaka-fan, ay si Han Young Eun, member ng idol group na Daisy 7, ngunit naging actress habang lumalaon. Dahil na rin sa kaniyang girlfriend na si Gio, ay nakadalo siya sa isang concert at meet and greet, ng Daisy 7. Doon niya nakitang personal, at tila ba nainlove kay Han Young Eun, kahit pa si Gio ay girlfriend niya noon. Hindi nga nagselos si Gio, dahil siya man ay patay na patay kay Han Young Eun, kahit pa siya ay babae rin.
Kahit palyado nga siya sa paghahanap ng trabaho, hindi nga siya pumapalya sa pagdownload ng latest movie, at drama, maging ang pagtingin ng latest news tungkol kay Han Young Eun. Ngunit kapag wala na siya sa harapan ng Internet, ay sinasampal siya ng realidad, na wala pa rin siyang trabaho, at kasalanan niya ang nangyari kay Gio.
Sumapit nga ang kasunod na araw, muli nga ay nagparinig ang tita niya kay John Ken. Hindi nga ito nagustuhan ng kaniyang tito. Ngunit hindi niya pinuna dahil late na siya sa trabaho. Maaga ngang umuwi noon si John Ken, na wala pa ring swerte sa mga paghahanap niya ng trabaho. Pumasok nga siya sa kaniyang kwarto, at sana'y manonood ng drama. Ngunit dumating ang kaniyang tito, at pinagsabihan ang kaniyang asawa, patungkol sa pagtrato nito kay John Ken.
Napakawala mong konsiderasyon talaga ano?Huwag kang parinig ng parinig kay John Ken. –sabi ng tito niya
At ano, habang buhay kong pakakainin yang pamangkin mo? –sabi ng tita niya
At ano ngayon, sa iyo kung habang buhay kong pakainin iyan! Kung hindi dahil sa tatay niya, hindi ko mararating ang kalagayan ko ngayon. Ni baka hindi mo ako nakilala! –sabi ng tito niya
BINABASA MO ANG
STORY NO. 13 (ON GOING)
General FictionWhat if your country is a superpower? But in an alternate time, is a very poor country. And what if your country is a poor one? But in an alternate time is a superpower. Will you live there, if you can go there? Or will you still go back, to the one...