One Sided Love [One Shot]

10 1 0
                                    

One Sided Love~

Pwede bang pag mahal mo  automatically mahal ka rin? Bakit andami pang alam diba? Yung papaasahin ka muna pero sa huli wala din namang mangyayari. Bakit ganun kalupit ang L O V E ?

   Ako si Cassandra "Cassy" Mendoza. Maagang natanga. Natanga sa pag-ibig. Minahal ko yung taong alam kong kahit kelan, di ako mamahalin. Para lang akong nagmahal ng BATO.

   1st year high school nung nakilala ko sya. Isang gwapo pero asbaging lalaki. Lakad pa lang nya, alam nang mayabang pero nagkamali pala ako. Mabait sya, kung mas kikilalanin mo pa.

   At BESTFIEND ko sya.

"Cassy. Tara sa bahay pamaya?". Yaya nya sa akin.

"May gagawin pa kasi ako". Palusot ko naman. Ayaw ko lang talaga sa bahay nila. Nakkahiya na lagi akomg nasa bahay nila. Ano ba nya ako? Girlfriend?

Hindi naman diba?

"Ay sayang". May tono ng kalungkutan sa boses nya. Akala nya siguro nakalimutan ko.

"Sorry ha".

"Okay lang". Bigla syang tumayo. "Bibili lang ako ng ballpen sa canteen".

"Happy birthday nga pala". Sabi ko nung tumalikod sya kaya napaharap sya at nginitian ako, nagdere-deretso na sya sa paglalakad.

Haay Nikko. Kung alam mo lang.. oras-oras gusto kita kasama. Kaso.. ayoko nang lalo pang ma-fall.

Apat na taon na rin, apat na taon na akong nagpa-plano kung paano ko ba sisimulan ang pag-amin sayo.

...na gusto kita, matagal na. Pero pinanghihinaan ako ng loob pag nakikita ko kayo.. kayo ng taong mahal mo. At ako? Eto. MU. Mag-isang Umiibig.

Umiibig sayo.

Dumating ang hapon. Dismissal na. Inaya mo nga pala ako pumunta sa bahay nyo. Ang totoo nyan, wala naman akong gagawin dahil Byernes ngayon. Ayoko lang naman makita ka.. makita ka na kasama yung babae na 'yon. 'Yung babaeng mahal mo, yung girlfriend mo.

Alam mo bang nasasaktan ako? Manhid mo naman Nikko! Gusto kong isipin na meron kang kahit na katiting na feelings para sakin, 4 na taon kaya tayo magkasama? Kaya di imposible yun.

Pero.. masakit mag ASSUME. The more you expect, the more you get hurt.

Para saan pa nga ba 'tong nararamdaman ko na 'to? Itong lechugas na nararamdaman ko sayo na wala namang patutunguhan! Minsan nga, naiisip ko na na layuan ka na lang dahil sa bawat na nagkakasama tayo, lalo akong napo-fall. Pero ang hirap.

Di pala ako tatagal ng isang araw na hindi ka kasama.

Ang hirap naman ng ganito, ONE SIDED LOVE. Magisang umiibig, patagong umiibig, patago ring nasasaktan. Ganito na nga siguro kalupit ang buhay sa akin. Lagi na lang..

Eh antanga ko rin naman dahil sayo pa.

Sayo pa na bestfriend ko. Na bestfriend lang talaga ang turing sakin.

Pinipilit ko na nga na kalimutan ang nararamadaman ko para sayo kaso pinibigyan mo pako ng dahilan para mahalin ka.

Oo, Mahal kita. At ang sakit-sakit na.

Sana mahal mo rin ako no?

**

Isang buwan na lang at ggraduate na tayo. Excited na nga ako eh! Pero di ako excited na magkahiwalay tayo. Sa Korea na nga pala ako magc'college. Buti naman.. makakalayo na ako sayo.

Sana sa pag-alis ko, maalis na rin tong lecheng feelings na 'to. Nakakainis na kasi. Naiinis na ako sayo! Bakit ang manhid mo?!

Ilang araw pa ng paghihintay. Makakalayo na rin ako sayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon