2 months palang simula nung naging kami ni Mark. Hindi ko alam pero parang nabigla ata ako sa ginawa kong pagsagot sa kanya? Wow. Gumaganon na ko. Taray. Ganda ko na kasi ehh. Shet. Hahaha.
Ang hirap kasi mag-adjust. Yung tipong bawat kilos mo lagi siyang may comment. Bawat galaw mo binabantayan niya, nakakasakal rin kasi.
"Hannah, ano ba naman yang suot mo? Tas yung make-up mo ang kapal-kapal. Tas ung-" pinigilan ko ung sunod niyang sasabihin..
"Ano nanaman ba?! Ano bang tingin mo sa girlfriend mo ha? Mark, model na ko ngayon. At hindi lang ako basta model, hindi ako model ng perla o sabong panlaba na magdadaster sa mga photoshoot. Hanggang kailan ba natin pag-aawayan to ha?" ilang beses na kasi kaming nagaaway tungkol dito. Maadami siyang tutol sa mga ginagawa ko lalo na sa trabaho ko.
Umupo ako at humarap sa salamin. Binawasan ko ng kaunti ung make-up ko dahil masyado daw makapal sabi ni Mark. Tinignan ko siya saglit at nakita kong nakatingin lang sakin, nilayo ko ung tingin ko sa kanya at nagpatuloy sa pag-aayos.
Umalis ako ng dressing room nang hindi ulit kinakausap si Mark. Ayoko siya sabayan sa init ng ulo niya. At mas lalong ayokong gumawa ng desisyon sa mga panahong ganito.
"Hannah, wait.." hindi ko alam, hinabol niya pala ako. Hayy.
Ano nanaman ba ito, Mark? -_____-
Nilingunan ko siya with matching disappointed face. Wala akong sinabi, hindi ako nagsalita ni-isang salita.
"Hannah... I'm-"
"Miss Hannah, mags-start na po ung show." sabi nung PA kong bakla na pinagselosan ni Mark dati. Hayy. Napatigil nanaman si Mark sa sinasabi niya kanina. Muli kong tinignan si Mark at umalis na rin para makapag-handa na. May fashion show kasi ngayon at isa ako sa mga models na napili.
Inaasahan ko na nandun si Mark habang rumarampa ako. Kahit naman BV ako sa kanya, gusto ko parin makita ung suporta niya para sakin.
Atlast! Ako na! Lumabas ako nang naka chin up wearing a red daring dress and a 5 inch high heels with confidence syempre. Nagpalakpakan ang mga tao habang rumarampa ako. Sinubukan kong hanapin si Mark sa tingin. Medyo madaming tao kaya siguro hindi ko rin siya mapapansin. Hanggang sa nakaikot na ko pabalik, di ko parin siya nakita. Oh well, siguro andun naman siya eh diba?
After naming rumampa ay may party pa, mga kainan and something like that. Sinubukan ko ng hanapin ngayon si Mark pero wala talaga siya. Umuwi na kaya siya? Hindi man lang niya ko hinintay. Hindi porket galit ako sa kanya ay ayaw ko na siyang makita ah?
Bigla na lang lumapit sakin si Vincent, isa sa mga bago kong kaibigan sa bago kong buhay ngayon. Pinakilala niya sakin ung mga kaibigan niya, tutal wala nanaman din si Mark ay sumama na rin ako sa kanila dahil wala rin naman akong makausap sa party.
Magpapakasaya muna ako ngayon, kahit ngayong gabi lang...
Mark's POV
Nagkatampuhan nanaman kami ni Hannah. Nakakaasar lang kasi ung pagbabago niya. Pakiramdam ko kasi na sa tuwing nakikita ko siyang ganun, ako ang may kasalanan, pakiramdam ko ako ung nagdala sa kanya sa ganung kalagayan. Naiinis rin ako sa sarili ko.
Pero hindi ko na mababago pa si Hannah. Matagal na rin siyang nabuhay sa ganung kalagayan, siguro kailangan ko ring tanggapin ung pagbabagong yun para saming dalawa..
Umalis muna ako sa venue kung saan ang fashion show nila Hannah, lumabas ako para bumili ng regalo. Naalala ko kasi na monthsary namin ngayon tas magkaaway pa kami, lalo tuloy akong nagui-guilty.
BINABASA MO ANG
Pantasya Queen [ONE SHOT]
HumorMahilig ka rin ba magpantasya about sa Prince Charming mo tulad niya? Meet the PANTASYA QUEEN.