paalam aking kaibigan

15 0 0
                                    

Wala kang gagawin kahit ano, basta't manatili ka
Wala kang kailangang sabihin, manahimik ka
Inasam na ngiti mula sa yo, magpakita ka

Sa hindi inaasahan mula sa malawak na karagatan
Nagmulat, basang unan ang nakagisnan
Panaginip lang pala ang pangarap kang makamtan.

Wag kang lumayo at lumisan na lamang
Mangako ka na habang buhay kang nandiyan
Bibitawan ba ang kamay mong mahigpit?
Lalayo ka ba at mamatay nang magisang naiimpit?

Oras, maari bang sa susunod ka na lamang pumihit?
Panahong ito'y aking di iwawaglit
Mananatiling ikay nasa panaginip
Subalit natatakot, natatakot na mawala ka sa isang saglit

Paru-paro mula sa aking palad
Kumikinang, bumubuka ng napakatingkad
Masakit sa mata, di inaasahang ika'y lumusad
Tulalang nakatayo habang Nakamasid sa
Dahan-dahang pagkalaglag ng iyong palad

Nagsisilbing liwanag biglang napalitan ng pait
Mula sa maharang haplos na ikinagagalit
Nalilito, sarili'y naghihinagpis
Tulad ng hanging lumalayo at nagpapaalam ng pighati't sakit.

Hanging yumayakap sa malamig kong balat
Alikabok na sumasara sa aking talukap
Ikay nasa aking tabi, ngunit di mawari
Unti-unting inaabot ang malayo mong mga ngiti

Pangarap na mataas ngunit mahirap abutin
Kaibigan kung matalik ay lilisan na sa akin
Sikretong nabunyag ng araw na ikay susupresahin
Kaarawan koy naging matinik na dilim
Kaibigan bumalik ka na saking piling.

"Tula" ng isang BabaeWhere stories live. Discover now