Chapter 3: Binyagan

123 1 0
                                    


Hi Gorgeous! Vote and comment :*

________________________________

"KURRRIINGG! KURRRINNGG!"

"KURRRINGG! KUUURRRRIINGGG!!!"

Bakit napaka ingay naman ata ni Alexa ngayon? At bakit 'kuring'?? "Alexa. Stop!"

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!!"

Nawala na ng tuluyan ang antok ko nang marinig ko ang ubod ng lakas na tawa ni Makoy. Akala ko na abno na si Alexa, sya pala yung na abno.

"Pasado na pala ko bilang Alexa sayo Makahiya e! HAHHAHAHAHAHA!"

"Aish tigilan mo nga ako. Nasanay lang ako kay Alexa." Nakaupo si Makoy sa dulo ng kama ko habang patuloy pa rin sa pagtawa. Saka pa lang bumalik sakin ang lahat ng nangyari kahapon. Paano nya kaya nagagawang magbiro sa gantong sitwasyon?!

"Bangon ka na dyan Makahiya para makakain na tayo. Magsisimula na yung welcoming program para sating transferees in an hour." Matapos kong marinig ang explanation ni Carmen sa school na ito, I don't think na isang normal na program lang ang mangyayari ngayong araw.

Inabot ko ang salamin ko mula sa side table ko saka dumiretso sa banyo para maligo.

"Makahiya, may iniwan na plastic bag dyan si Carmen sa banyo. Nasa loob yung uniform mo." saad ni Makoy bago ako tuluyang pumasok.

"Ok. Salamat."

Kinuha ko ang plastic na iniwan ni Carmen sa ibabaw ng lababo. Pagbukas ko, nakita ko ang isang cute na checkered red and black na palda. Pag angat ko dito, putspa, cute sized din pala. Ganto lang ba talaga dapat kaikli ang paldang uniform namin? E halos palda lang ito ng kapatid ko e! Ganto na ba talaga sila kalala? I will never wear this thing!

Nagtapis ako ng tuwalya at mabilis na tumakbo papunta sa kwarto at sinara agad ang kurtina habang si Makoy ay busy pa sa pagkain. Kinuha ko sa closet ko ang lumang skirt uniform ko noong highschool. Dinala ko ito dahil minsan ay sinusuot ko itong panlakad tutal at hindi naman ito sobrang mukang school uniform kung ipapares mo sa ibang pantaas. Magkahawig na magkahawig ang dalawang palda. Medyo darker lang yung shade ng palda dito at di hamak na mas maikli. Hindi naman siguro nila mapapansin. 

Hindi ito fitted at perfect lang iyon para maitago ang curves ko. Kahit hindi naman talaga dapat maging rason ang damit ko para pagsamantalahan ako nino man pero siguro ay mabuting magplay safe na lang ako. 

Kinuha ko ang makeup bag ko sa drawer at never kong inisip na gagamitin ko ito para magpapangit instead na magpaganda.Kung ito lang ang paraan para kahit papaano ay hindi sila masyadong maattract sakin ay hindi ako mapapagod na gawin toh araw araw. 

Pinakapal  ko lang ng konti ang kilay ko at pinagmukha itong sabog. Sinadya ko ring pagmukhaing maputla ang mga pisngi at labi ko, at naglagay ako ng mga nunal at darkspots. 

Sinuot ko pa rin ang uniform blouse na kasama ng paldang iniwan ni Carmen. Medyo fitted nga lang ito, pa v-neck at halos see-through na. Kinailangan ko pa tuloy mag suot ng dobleng sando para hindi bumakat ang cleavage ko.

Hindi na ko nag effort na suklayin ang buhok ko, sa halip ay ginulo ko pa ito ng bahagya. Sinuot ko ang salamin ko saka black na flat shoes at tadah! Ready na ko. Lumapit ako kay Aiden, senyales na handa na kong umalis.

"WAAAAH! S-sino ka!?" Biglang sigaw ni Makoy as soon as makita nya ko. Hindi ko na lang sya pinansin. Well, yun naman talaga ang gusto ko e, ang magmukha akong manang. 

"M-makahiya, ikaw ba yan??" Dagdag nya pa. "Hindi naman yan yung nakita kong suot nila Carmen ah. S-saka ano nangyari sa mukha mo?? Para kang hindi natulog ng isang buong taon." 

The Sixth AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon