"Okay class, our lessons for today is ..... BLAAH BLAAH.."
HAAAY! ang gwapo nya talaga. Likod pa lang halatang yummy na, grabe, Hindi ako makapaniwalang may ganitong nilalang na single pa.
"Class bring out your chemistry notebook and copy this."
Grabe almost perfect na sya , siguro perfect match talaga ung genes ng parents nya.
"Hey Kathleen" pabulong na sabi ni Megan. "may pinapakopya satin si Maam Ravago." sabay tapik saakin.
Natauhan naman ako ng bigla akong tapikin ng bestfriend kong pretty. Ginising niya ko sa kahibangan ko. Ang pagmasdan ang ULTIMATE YUMMY CRUSH KO, si Logan, hindi alam ni Megan na crush ko si Logan. Wala akong pinagsabihan ni isa dahil ayokong kumalat baka kase magaya ako sa mga fangirl niya na sawi. Wala ring nakakaalam kung sino yung lagi niyang iniistatus na babae na mahal daw niya, pero nahihiya siyang sabihin dito. Ayokong mag assume pero feeling ko ako yun, Haha Joke. Swerte siguro ng babae na yun.
Kinuha ko agad yung chemistry notebook ko sa bag, may kokopyahin kasi. Hay, nakakatamad magsulat eh. Nakasingit na yung ballpen ko dun, ng mapansin kong WALA YUNG BALLPEN KO!
Shocks! Dito ko lang siningit yun eh, dahil alam kong magsusulat na naman kami sa chem. Tinignan ko sa bag ko, pero WALA! Kinapa ko yung bulsa ko, WALA! Tumingin ako sa ilalim, baka nalaglag lang, pero WALA!
Putek, Parker yun tsk. wala na kong extra ballpen. Hay! Yaan mo na nga, bibili na lang ako.
Putek, ballpen na lang ninanakaw pa!
Manghihiram na lang ako. Iistorbohin ko na lang yung mga kaklase kong nagsusulat.
"Meg, may extra ballpen ka pa?" pabulong kong tanong ko sa bestfriend ko.
"Ha? Wala na eh."
"Ah sige."
Tanong ko sa klaklase kong nasa kaliwa. "Jake,may extra ballpen ka pa?"
"Napaheram ko na eh."
"Ah okay."
"Gene may extra ballpen ka pa?" tanong ko kay gene na nasa kanan ko.
"Hah, wala eh,hineram ko lang to eh." Gene.
"Ah sige salamat na lang. "
Putek, ang poor naman ng mga tao dito. Di naman ako pwede tumayo para mangheram sa mga iba ko pang mga kaklase. Terror pa naman sa Maam Ravago.
No choice, sa harapan ko na lang ang hindi ko pa natatanungan.
Si Baby Logan at si Mr. sungit forev's na si Gray Luiz pero cute rin naman.
Magbestfriend yang dalawang yan, halata naman eh, lagi silang magkasama, parang kami ni Megan. Ang nakakapagtaka nga lang sobrang di sila magkapareho, si Logan sobrang friendly at charming pero si Gray sobrang misteryosong ewan at napaka Snob. Pero kahit ganyan yang dalawang yan 'BOY NEXT DOOR' ng campus namin yan. Pareho silang vyummy, pero mas yummy pa rin talaga si Baby Logan ko.
Nagiisip ung Brainy ko , kung sino ang heheraman ko ng ballpen. si Logan ba? o si Gray?
ISIP, ISIP, ISIP.
Sobrang nahihiya kase ako kay Logan. Sobrang nacoconsious ako pag nakakauasp ko sya , kay Gray naman walang halong malisya.
But at the end kay Gray na lang ako heheram. At saka kahit natatakot ako sa kanya , kakapalan ko na lang ang mukha ko. Kung kay Logan kase , baka ma turn off pa sya sakin, Isipin nya ballpen na lang hineheram ko pa.