umaga naglilibot libot sa palengke para mag hanap ng mga maaring magamit sa bago kung nilipatang bahay. naasign kasi ako sa branch ng pinapasukan ko dito sa malabon.
palinga linga ako marami rami na din akong nabili, natuon ang pansin ko sa isang ukay ukay o surplus ng mga segunda manong gamit . nadaanan ng aking mga mata ang isang kamang de hangin o air bed.
tinawag ko ang isa sa mga bantay.
miss available pa ba ito?
sabay turo sa air bed.
opo, maam ayos pa yan gusto mo pabumbahan natin?
sabay tawag sa lalaki para utusan.
maayos naman at walang singaw ang nasabing gamit, agad kung binayaran at dumertso na ng uwi.
isip isip ko bakajackpot ako sa bago kung higaan dahil sa baba ng presyo nito at nilibre ng may ari ang air pump para ito ay palubuhin.
alas syete ng gabi nag ayos na ako ng sarili para makatulog ng maaga, pumupatak ang ulan sa labas kaya panigurado mahimbing ang tulog ko.
dahil sa bagong lipat ay sa sahig lamang ng bahay nakalapag ang nabiling higaan. nilagyan lamang ng kubre kama ay agad na akong nahiga, napakalambot at masarap sa pakiramdam nakadagdag pa ang lamig na dulot ng pagulan. agad akong nakatulog, ngunit pagising gising ako tila namamahay palinga linga ako sa paligid , ilaw lamang galing sa poste ang nagbibigay ng liwanag sa aking silid , tila may naaninag akong tao sa labas isang anino , dahil sinigurado ko ang siguridad , pinagkibit balikat ko na lamang ito at muling bumalik sa pagtulog.
bea ! bea... ! tila may tumatawag sa pangalan ko.
di ko un pinansin. tila nanaginip ako marahil nanaginip nga pero nag sisimula ng pumintig ang aking puso bumalik ako muli sa pag tulog pero ang kalahati ng diwa ko ay nakakaramdam ng takot.marahil sa ngayon napapaisip ako sa nakaraan ng mga bagay bagay, ang bahay kaya na ito ay may nakaraang hindi maganda at rumirehistro sa mga sulok ng bahay ang nakakapangilabot na pangyayari. o ang hinihigaan ko ngayong segunda mano.
baka may namatay dito. kaya siguro sa murang halaga ko lamang nakuha at tila halos ipamigay na ng may ari ng tindahan, hindi na ako tulog malakas na ang buhos ng ulan.
bea ...! bea...! bea...! ayaw ko syang lingonin. baka siya ang may ari nitong kama niyakap ko ng mahigpin ang tanday kong unan. maya maya pa ay gumagalaw na ang aking hinihigaan tila ito ay lumulutang.
puta kung sino kaman wag mo ako takutin ibabalik ko ..! ibabalik ko...! anas ko sa aking isip.
pilit ko isinasara ang aking mata natatakot na baka makita ang isang imahe na magpapawala sa natitirang katinuan. tila pabilis ng pabilis ang pag galaw ng aking kinahihigaan lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa unan. tila sasabog sa bilis ang ginagawang pagttrabaho nga aking puso. kailangan kung imulat ang aking mata, kailangan ko ng lakas ng loob.
diyos ko tulungan nyo po ako.. sambit ko.
isang malilim na hinga at boung lakas kung minulat ang mata ng ..
tumambad sa akin .
ang puting kisame.
nagulat ako parang isang eksena sa pelikula.
kung saan lumulutang ang kama nahalos nakadikit na sa kisame ng bahayan. inaabangan ko ang magiging reaction ng katawan ko sa mga nangyayari. napakapit ako sa gilid ng kama at nakaramdam ng basa muli akong napapikit . nag usal ng munting dasal. babalikwas ako sa kama bahala na kung mahulog ako basta makaalis lamang ako. inuna kung ibaba ang aking mga paa sabay sa pagmulat ng mata para makakuha ng balanse ng ....napamura ako sa taas ng tubig dulot ng baha
BINABASA MO ANG
Mga dagli, kwento, tula, at kamalayan ni Juan Am-bot
General Fictionsa panulat ni Juan Am-bot