Sampung Piso

1 1 0
                                    

alas sais kwarenta y dos ng umaga typical na oras para sa mga papasok ng trabaho at iskwela, sa isang overpass sa kalakhang maynila. maingay magulo panay ang busina ng mga sasakyan sa ibaba dahil sa namumuong daloy ng trapiko.

kaliwat kanan ang inaalok na produkto ng mga tindera, napag tuonan ng pansin ang isang binabae at isang vendor na nag tatalo ng dahil sa sukli nainabot na daw ng tindera.

panay ang pagbubunganga ng bakla .

mga letse kayo kaya hindi kayo umaasenso kasi mga mandaraya kayo.. bulalas ng bakla.

tila nag panting ang tenga ng lalaking anak ng may edad ng vendor, tumayo at lumapit sa kinalalagyan ng perang lagayan ng pinagbentahan, kumuha ng sampong piso.

o ito na manahimik ka lang.. galit na inabot ng vendor sa bakla.

di ko na kailangan nyan.. sabay bato ng sampung piso sabay sibat patalikod ng bakla.

nagdilim ang paningin ng vendor at sinundan ang bakla sinuntok ng vendor ang bakla sabay tulak, dahilan upang mahulog ang biktima sa overpass.

patay ang biktima nahulog at nauna ang ulo, sabay ng pagpreno ng rumaragasang bus nag pivot at natumba, preno ang mga kasunod na sasakyan ngunit sa bilis ng pang yayari ay hindi na kinaya, salpukan ng mga sasakyan, natumba ang flamable truck tagas ang lamang petrolyo sa kalsada na maaring sumiklab ano mang oras, takbuhan ang mga motorista, pasahero, at mga asusero sa bangketa.

nag simula ng lumiyab ang expressway dahil sa tumagas na petrolyo, hiyawaan ang mga naipit sa mga sasakyan, halohalong hiyaw, hinagpis, iyak, at paghingi ng tulong.

dumating ang mga saklolo bombero, pulis at mga paramediko, naapula ang sunog marami ang hindi na kaligtas, higit limang daan ang patay kabilang ang baklang nag simula ng lahat.

napatigil ako..







napatingin







sa sampung piso






ito ang halaga ng mahigit limang daang tao.

Mga dagli, kwento, tula, at kamalayan ni Juan Am-botTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon