Aphro's POV
*RIIINNNNNNGGGG*
Pinatay ko yung alarm clock nang tumunog ito.
Taena naman oh! Panira ng tulog!
Umup ako sa kama nang biglang kumalabog ang pinto.
"HOOY BABOY KAIN NA!" bungad ni kuya Ashton.
Ang aga-aga mang iinis oh!!
"HEH!" pinaalis ko na sya at naligo para makababa na ko.
Pagkababa ko nakita ko sina kuya Ashton, kuya Alexander, at si Amper na kumakain. Kumain na rin ako para makaalis na kami.
"Hooy Ate Aphro! Ambagal mo! Iwanan ka na namen!" sigaw ni Amper Mula sa labas.
"WHEYYT LHAANNGG DWWII PWAA KWOO TWAPOOSSH!!!!" bayt ba??! Nagtotoothbrush ako eh!
Maya-maya may narinig akong sasakyang umandar kaya binilisan ko na ang kilos at lumabas pero syempre ang mga hudas ayun! Iniwanan ako!
"SIGE LANG! SANAY NAMAN AKONG INIIWAN EH!" sigaw ko kina kuya kahit alam kong di naman nila maririnig.
Tumakbo ako papuntang garahe para kunin ang bike ko.
Magbabike na lang ako! Kala nyo ah! Pag ako nag 18 at nakakuha ng lisensya gasgas yang mga kotse nyo!
Nagbike nalang ako papuntang school.
Sheet! Ang hirap pala mag bike! Sumasakit na paa ko! Tatangkad na yata ako!
Nakarating ako sa school na hingal na hingal. Nakita ko sila kuya na pinagkakaguluhan ng mga babae.
Sus! Ampanget nila tas pagkakaguluhan sila ng mga babae?! Gets ko pa kung bakla eh!!
By the way, ako nga pala si Aphro Millen Aster Zion Eina Villanueva. Aphro Maze Villanueva for short. I'm 17 years old. Nag aaral sa Haster University. May tatlo akong kapatid na hudas. Si Kuya Ashton, Kuya Alexander at Amper.
Palapit pa Lang ako sa room samin rinig ko na agad Yung ingay. Ginagawa ba nilang vitamins yung microphone kaya ganyan kalakas mga boses nila??
Pagdating ko sa room binaba ko ang mga gamit ko at nakinig ng music sa cellphone ko habang nagrereview ako.
Syempre joke Lang. Di ako nag rereview no! Nagbabasa Lang ako ng Wattpad sa cellphone ko.
Nagbabasa ako ng biglang humablot ng cellphone ko.
"Hoy!" sigaw ko Kay Skie nang agawin ang cellphone ko.
"Ano bang binabasa mo dito?! Hala! Kadiri ano toh?! Dahan dahang hinubad ni Juan Ang damit ni Sheena?!!!"sabi nya
Pinagsasabi neto?!
Pinaikot ko Ang Mata ko at sinubukan agawin sa kanya Ang cellphone ko pero dahil mas matangkad sya sakin, di ko yon maabot.
"Akin na Kasi! Muntimang toh!Mystery Thriller binabasa ko hindi Romance bugok!" sigaw ko sa kanya.
Nagsisigawan kami nang may kumuha ng cellphone ko sa kamay ni Skie
"Bumalik na Kayo sa upuan nyo, andyan na si ma'am." malamig na sabi ni Kior kaya bumalik na kami sa upuan namin at ibinigay naman nya Ang cellphone sakin.
Nag thank you ako pero kahit 'your welcome' wala akong natanggap.
Napakacold talaga nitong lalaking to kayt kailan!
.....
"APHROOO!!"
Shoppaaooo!!