Ch.2

5 0 0
                                        

Aphro's POV

Kakatapos lang ng meeting namin sa conference. Gaya ng sabi ni Kuya Alexander, dumiretso na ko sa bahay at di na sila inintay. Nagbihis ako at humiga sa kama.

Kakapagod!

Kaninang umaga, iniwan ako nila kuya. Tapos nung break, nagsagutan sila Kior at kuya Ashton. Tas si library sleeper na nakakadugo ng ilong sa galing mag english. Sa TLE meeting na napiga lahat ng information sa utak ko para magdagdag ng events. At ngayon pagod akong nakahiga.

Ginawa ko na ang mga assignments ko at pumunta sa mall. Sabado naman bukas at kailangan ko rin ng mga gamit para sa TLE month.

Nagbihis ako ng jeans at plain white shirt. Nagsuot din ako ng black jacket kasi medyo malamig sa labas.

....

"Isang Hazelnut Coffee."

Nandito ako ngayon sa isang Cafe store sa mall. Tapos na ako bumili ng gamit. Hinihintay ko na lang yung coffee ko at uuwi na ako.

Nakatingin ako sa labas nang mahagip ko si Skie na kinakausap ang isang babae.

Hmm.. Mukhang nag aaway sila. Sino kaya yung babae??

"MAAM!" nahimasmasan ako nang sigawan ako ng waiter.

"H-Ha Yes??"

"Kanina ko pa po kayo tinatawag. Ito na po yung coffee." sabi nung waiter.

Tulala pala ko?

"Ahh sorry.. Thank you." ani ko at uminom ng coffee. Ibinaling ko ulet ang atensyon ko sa kanila ngunit Wala na ang babae at palapit si Skie sa Cafe kung nasan ako. Halatang pigil ang luha nya at pinipilit na wag umiyak. Dumiretso sya sa counter at umorder. Naghanap sya ng mauupuan kaya kumaway ako para mapansin nya ko.

Ngumiti sya ng pilit at umupo sa harapan ko. Tumingin sya sa labas at tumulala.

"Hoy. Anyare sayo?" tanong ko

"Haaa?? Anong nangyare? Anong ako? Anong sabi moo??!"

Pinaikot ko ang mata ko sabay inom ng kape.

"Alam mo, halata ka. Broken ka noh?" ani ko

"Broken? Sinong broken??" maang maangan nito.

"Sus! Sino Yung babaeng kausap mo kanina? Girlfriend mo diba? Tas nag away kayo? Tas naghiwalay ganon ba??" tanong ko

Dahan dahan itong tumango habang kagat ang labi.

"Wag mo ng isipin yun! Hiwalay na nga kayo eh! Tapos inaalala mo pa? Pag hiwalay na, wala na. Pinuputol nyo na ang ugnayan nyo sa isa't isa. Kaya wag kang iiyak iyak dyan!" sermon ko

"Anong iyak?! Di ako umiiyak!" pagtanggi nya

"Di umiiyak? Eh nangingilid na nga yung luha mo!" sabi ko at nanahimik na lang sya.

Dumating na yung order nyang Iced Americano kaya agad agad nya iyong inubos at pabagsak nyang ibinaba yung baso.

"Tsk! Wala kang mapapala kung ibubuntong mo lang yang pagkabroken mo sa baso. Ang mabuti pa, sumama ka saken." tugon ko at kinuha ang gamit ko. Hinila ko sya papunta sa Gaming area ng mall.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong nya.

"Ano pa? Edi maglaro! Para makalimutan mo na yung ex mo!" sabi ko at shinoot yung bola sa ring.

"Ano??! Tutunganga ka na lang dyan?? Pataasan tayo? Kung sino talo may kutos sa ulo!"

"Sabi ko nga." ani Skie at naglaro..

The Girl That They LoveWhere stories live. Discover now