A Vivid Dream

5 0 0
                                    

Naranasan mo na bang managinip ng isang panaginip na parang totoo, yun bang bawat detalye ay naaalala mo pa pag katapos magising?

Nais ko lang isingit itong panaginip na ito na nangyari sa akin noong nakaraan, medyo magulo kaya maaaring kayo ay malito o di kaya ay mawalan ng interes. Hehehe.

Ang akin lang naman ay ang maibahagi ko ito sa inyo hanggat malinaw pa sa aking isipan.

*•*•*•*


           Sa unang tingin ay parang nasa Narnia yong theme, alam nyo na yong sa aparador dumaan para makapasok sa other dimension. In the first place ay di ko talaga alam kung ano ang naging dahilan para mag udyok sa aming apat na pumasok doon. Oo apat kaming mga shongang babaeng pumasok doon.
Sa pagtapak namin sa loob ay pawang mga lumang gamit ang makikita, mga antique, ika nga nila ay parang panahon pa ng lolo't lola namin yon.

It's weird kase di ko naman kilala yong mga kasama ko, although magkakapatid daw kami, at mukhang ako ang pangatlo sa amin. Noong una ay nagtaka kami kase walang tao, at inakala pa naming karugtong lang yon ng bahay na tinutuluyan namin nung time na yon. Hindi ko alam kung bagong lipat lang kami noon or bumibisita sa ancestral house or kung ano pa man.

Back to the story, tumingin tingin kami sa mga magagarang furnitures sa sala, kusina at sa loob ng bahay kung saan kami dinala nang mahiwagang aparador. Infairness ha, ang lawak ng garden nila, at pati yong balkonahe, di ko na nga alam kung rooftop na ba yon or part ng bahay ng mga Cardinal sa Los Bastardos. Pagpasok ulet namin ay may narinig kaming tunog; "tik tok tik tok" orasan, nagtaka pa kami kase nga walang tao pero yong relo sa bahay na yon na nakasabit sa pader ay gumagana na. Quarter to twelve na pagtingin namin sa orasan, at sa pagtingin na pagtingin mo sa labas yong kaninang maliwanag at parang nasa movie ang location na mala black and white na pelikula ay biglang nagkakulay na. Midnight na pala noon at sa isang iglap ay naging umaga na.

Napaatras kami noong makakita kami ng mga taong nakaupo at nakatayo na nagsulputan sa loob ng bahay. Kitang kitang mula namin mula sa bintana. Di sila gumagalaw, ang sabi ko na lang sa mga kasama ko "I have a bad feeling about this." Tapos umatras na kami palabas ng pinto papuntang balkonahe, at buti walang tao doon. Sa isang kisapmata ay nagsigalaw na sila.

Maya-maya pa ay nakarinig kami ng nagluluto at gumagamit ng mga kasangkapan sa kusina. May nagtatakbuhang dalawang batang babae na naka bistida at may ribbon na palamuti sa buhok ni medyo kulot.
Nagtago kami sa takot na baka makita kami nila, hindi ko alam pero parang may bumubulong sa akin na "kapag makita nila kayo ay alam na nila agad ang pangalan nyo at mag aastang parte kayo ng pamilya nila, at paniguradong di na makakabalik pa sa pinanggalingan." Scary...Ang ginawa ko ay ipinaalam ko na agad sa mga kasama ko ang narinig ko na parang announcement sa radyo pero ako lang ang nakarinig. Umikot kami sa bahay na iyon upang humanap ng daanan papunta sa kung nasaan ang aparador, kaya lang muntikan na naming makasalubong ang mga nandoon. Hindi namin alam kung anong oras na pero maliwanag pa naman. Pagtingin ko sa relo ko sa kamay ay alas tres palang ng hapon. Eager na kaming makalabas talaga dito dahil narin sa takot na baka may makakita sa amin.
Habang nakatingin sa paligid ay nagulat ako na padilim na naman, napatingin uli ako sa relo ko at muling nanindig ang balahibo dahil sa kusang umiikot nang mabilis ang mga kamay nito. Mas lalo kaming kinabahan pagkakita naming mag aalas dose na naman. Oh no!!!!
Dali-dali kaming gumapang papunta sa lugar kung nasaan ang aparador, may natuklasan kase kaming secret door papunta doon.
Hurry up mga ateng!

Tumayo ang isa sa mga kasama ko para abutin ang door knob pero maya maya at titigil na animoy naglalaro kami ng stop dance dahil, susulpot at aalis yong mga tao at parang di kami nakikita dahil nilagpasan lang nila kami. Weird no?Kumilos na ulit yong kasama ko, pero nakita sya nung bata at tinawag syang "Ate Emily or Ate Erlin" di ko masyadong matandaan. "Tara na, kanina pa tayo tinatawag ni daddy." Sabay hatak sa kanya. Naisip ko shit! Naging instant member sya ng pamilya, paglingon ko sa mga kasama ko ay pawang nakadapa at tagong tago, ang akala ko ay makakaligtas na ako pero nakita pa ako nung isa at tinawag pa ako "Tara na ate Annie" at sabay hila ng kamay ko. Shit! Alam nga nila ang mga pangalan namin. Buti nalang at nakaligtas yong dalawa pa, at napangiti ako nung tumakbo na silang dalawa pero batid kong labag yon sa kalooban nila, nagsara na ang pinto at pati ang mga kasuotan namin ni ate Emily ay nag iba, naging bistida na ito at ako naman nakapantulog. Muli ay nagstop ang lahat,  nagchange scene at
ang pananamit na parang sinauna o parang sa panahon pa ng lolo't lola namin ay unti-unting nagbago at naging pang early 90's na. (Change genre lang?)
Di ko alam pero parang sobrang bilis ng pangyayari ( normal yan, kase nga panaginip lang lahat 😂). Pati kami nung "ate" ko ay parang normal lang sa amin ang mga nangyayari. Na mistulang sa isip namin ay doon talaga kami nakatira, at pamilya na daw namin sila. Na parang matagal na kaming nakatira doon.
N

asa kusina ako at kumakain ng agahan, tinanong ako nung "yaya" namin kung gusto ko ng juice or milk, kaya sabi ko naman "Ok lang po, di kase ako kumakain sa umaga." Tas bigla may naalala ako, narealize ko na oo nga ano? Di ako mahilig mag agahan. At yon, hanggang sa nag flashback sa ala-ala ko na mga dayo pala kami ditong mga kasama ko.

Noong nakita ko yong ate ko, hinila ko sya papunta sa may sala kung nasaan ang aparador na pinasukan namin noon, habang pinagmamasdan namin iyon at nag iisip ng paraan kung paano kami tatakas ay biglang may boses kaming narinig na nagtanong "Saan kayo pupunta?". Pagtalikod namin ay nakita naming parang ang titigas ng mga mukha at katawan nila, yong parang zombie na bagong gising at nag unat ng katawan. Inayos nila ang sarili nila na animoy mga manequin. Pinalayo nila kami sa pintuan ng aparador, dahil sa takot ay dali-dali kaming tumakbo pero hinahabol pa rin nila kami.

Sa isang banda ay biglang bumukas ang pinto ng aparador at nakita naming ang nagbukas pala nun ay yong "kapatid" namin na nakatakas.
Mabilis ang oras, malapit na mag alas dose kaya sobrang bilis king tumakbo papunta sa kanila na nakaabang na sa pinto. Parang nag slow motion ang lahat at tagumpay kaming nakalabas.
"Tik-tok" "tik-tok" kasabay noon ay ang pagpigil namin na mabuksan ang pinto dahil sa para bang mga nagwawala sa loob nito. Hanggang sa ang mga ingay at galaw na maririnig sa kabilang bahagi ay unti-unting humuhupa kasabay ng alingawngaw ng orasan.

Ang tanging maririnig na lamang ay ang paghabol namin sa aming hininga, dahil sa pagtakbo ng matagal at kaba sa dibdib.
Kinuha ng isa sa mga "kapatid" ko ang lock at kinandado ang pinto at nilagay ang susi sa isang maliit na box na may kandado upang walang sinomang maghahangad na magbukas pa nito. Pagkatapos ay sabay-sabay kaming nagtinginan at nagyakapan, nangakong hinding hindi na namin bubuksan ang aparador at para makalimutan na ang mga nakakatakot na pangyayari.

-------

Pagkatapos nagising na ako.

---++++++-------+++++++------++

Muli nais ko lang ibahagi sa inyo ito.
Isang panaginip na weird at parang ewan. Hahaha

- Tapos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon