Czarina's POV
"Oh! Asan kna? Andito na ko. Lavander naman. Kanina pa ko naghihintay sayo dito. Tapos ano?! Papaalis kapa lang sa bahay nyo! Enebe?!" Sabi nya 1:00pm daw kami magkikita. Pero anong oras na? 2:10pm na. Makatarungan pa ba ang paghihintay ko sa kanya?. Tch
"Eto na nga, on the way na ko. Bigla na lang kasing dumating yung mga pinsan ko kaya naaliw ako at hindi ko na napansin ang oras."
"Oh sya cge. Nandito lang ako sa Dept. Store. Mag iikot na lang muna ako." Tumitingin tingin ako sa mga damit.
"Oh cge. Bye!" At inend nya na yung call.
Hay! Ang dami ngang damit, ang mamahal naman. May nakita akong dress na kulay puti. Plain white lang naman sya pero yung curves, grabe! Pang model.!
Pagtingin ko sa presyo............
"Jusko.! Tatlong libo?! Isang buwan ko nang allowance yun ah. Grabe naman ang naglagay ng presyo dito. Eh puting tela lang naman to. Tss:/ Magpapatahi na lang ako kay Aling Dory. 300 lang." Bulong ko.
Napadpad ako sa ladies' shoes section. Ang gaganda ng mga sapatos. Makasukat nga.
"Ay sakto! Ang ganda talaga ng paa ko. Pangmayaman talaga. Char!" Hahaha xD
Hindi ko na tiningnan yung presyo, baka ma stroke ako ng wala sa edad. Hahaha. Anong konek?!
Binuksan ko yung bag ko at kinuha yung wallet ko para tingnan yung natitira kong pera. One thousand pesos na lang yung natitira, eh may one week pa para bigyan ako ulit ng allowance. Haynako! Ang hirap talaga ng buhay ngayon.
Ang tagal naman ni Lavander. Kaya naisipan kong pumunta ng supermarket para makabili ng pagkain na mura.
Uy! Outback! ( sa mga di nakaka alam, ang Outback ay isang junk food ).
Tamang- tama! Isa na lang yung natira. Paghawak ko, may kasabay ako!
"Uhm. Sorry Mr. Pero ako ang nauna. Kaya pakialis ng kamay mo." Sabi ko sa lalaking kasabay ko sa pagkuha.
"Sorry Ms. Pero di ko kayang ipaubaya to. Pinabibili kasi to ng kapatid ko." Sabi naman ni Mr. Pogi.
"Naku! Di pwede yun Mr. I need it too. Favorite ko to. Atsaka, andami pa namang iba dyan. Pumili ka na lang ng iba. Pwede?" Sabi ko ng may halong inis.
"No. Hindi pwede. Iiyak yung kapatid ko pag hindi ko to nabili eh. Gusto mo bang may umiyak pang batang babae ng dahil sa pagka selfish mo?" Aray ko naman, pogi.
Selfish ba agad yun? Di ba pwedeng ipaglaban ko ang karapatan ko sa junk food na yan? Ako naman talaga ang nauna eh. Huhuhu. Saklap.
"Ganun ba? Ahh. Cge. Kunin mo na. Kahit masakit, ipapaubaya ko na yan sayo. Para naman sa bata yan dba?"
"Oo. Para sa bata. Cge Ms. Salamat dito ah." At lumakad na sya papuntang counter para magbayad.
Hay! Labag man sa loob ko, pero para sa bata daw eh. Kahinaan ko kasi ang mga bata. Ang cute, cute, cute kasi nila.
Lumabas na lang ako ng supermarket. Hindi na ako bumili pa. Paglabas ko, nakasalubong ko na si Lavander.
"Atlast, you're here!" Sambit ko.
"Sorry, traffic eh." Si Sofia Lavander Salazar, bestfriend ko since h.skul.Maganda yan, like me. LOL XD
"May problema kba? Ba't lukot yang mukha mo?" Dagdag pa nya.
"Lukot talaga? Ano tong mukha ko? Papel? Hard mo ah. Wag mo na lang tong pansinin. Gala na tayo?"
"Sige. Halika na. Nood tayo ng movie."
At nanood na kami. Syempre, libre nya ako. Hahaha xD
**********************************
Hiiiiii :)
Gusto nyo mag pa dedicate? Just message me.
Uso support guys. Please do ComVo. Hehehe. Thanks ! :*
-fia
BINABASA MO ANG
My Sexy L♥VE
FanfictionI feel suffocated when you are far away from me. Please don't ever leave me. I love you. - Czarina.