Chapter 2♥

253 8 0
                                    

Gaga tong si Lavander. Hindi sinabi sakin na "Annabelle" yung papanuorin namin. Kaya ayun! Namumula braso nya kakahampas ko sa tuwing magugulat ako. XD

At dahil inis ako sa kanya, nilibre nya ako ng zagu. Haha. At dahil din dun, nagkabati kami. Madali naman akong kausap eh. Tumatanggap ako ng suhol. :D

Nga pala, ako si Czarina Bianca Tuazon. Nag iisang anak ng nanay at tatay ko. Obvious ba? XD 18 years young at nag aaral sa paaralan na pinatayo ng tatay ko pero hindi namin pag aari ng nanay ko. Gets?! Kung hindi nyo gets, mamaya ko na lang ipapaliwanag.

Kasama ko ngayon dito yung bestfriend ko, si Sofia Lavander Salazar a.k.a "Lavander". Ayaw nyang tinatawag syang Sofia, common na daw kasi. Arte lang xD

Wala kaming sikretong tinatago sa isa't isa. Kahit topakin at bitch minsan yan, mahal na mahal ko ang babaen----

*Boooooooogsh!!!

Aray! Bwisit! Natapon pa yung Zagu ko. 44 pesos pa naman to. Every peso counts kaya.

"Oh.my.gee!! Did you just bumped and tapon your drink to Jillian?!" Si Arielle Angelique Cruz, isa sa mga alipores ni Jillian. Maganda nga, nakakabaliw naman ang pagiging conyo nya. :/

"Look at what you did, bitch!" Sabi sakin ni Naphthalie Laurice Valdez. Parang sasabunutan na ko neto eh. Tumingin sya kay Jillian."Jillian, you look so.... gross!!" Nandidiri yung tingin nya kay Jillian. Laking America si Naphthalie kaya englishera. Minsan mo lang maririnig na nagtatagalog yan, pero mamamangha ka pa. Ang lalim ng hugot eh.xD

"Hala! Sorry, Jillian. Di ko sinasadya." Pinupunas punasan ko yung damit nya na natapunan ng drinks ko. Si Lavander naman, ayun still shocked!

"You're getting into my nerves, Czarina. You're always blocking my way! At ngayon, eto.. at tinapunan mo pa ako ng pesteng cheap na iniinom mo! Didn't you know na mahal tong damit ko?! Kahit pagsama samahin nyo pa ang pera nyong dalawa ng tinatawag mo na bestfriend ay hindi mo mababayaran to! Leche ka!" Namumulang sabi ni Jillian.

Sya, si Jillian Hyacinth Wilson. Ang bestfriend ko DATI. Pero hindi ko alam kung bakit bigla na lang sya nawala noon at bumalik ngayon na ang laki ang galit sakin.

"Naku! Sorry. Hindi ko naman talaga sinasadya eh."

"Tanga ka kasi.! Daldalan lang kayo ng daldalan dyan, hindi kayo tumitingin sa dinadaanan nyo!"

Aba. Sumosobra na to ah.!

"Ikaw kaya ang hindi tumitingin sa dinadaanan mo. Tingnan mo nga! Ang laki laki ng space sa gitna, dito pa talaga kayo dumaan." Sagot ko naman. Nakakainis na kasi.

"Bakit?! Sa inyo tong daan?! Dadaan ako kung sa'n ko gusto.! What do you think of me? A liar?! Are you telling me that I'm a liar?!"

"Yeah! Did you just accused her na sinungaling?!" Ayan na naman po si Arielle sa pagiging conyo.

Tumingin ako kay Naphthalie baka may sasabihin din. Pero tiningnan nya lang ako habang naka cross arms at tinaasan ako ng kilay.

Aba. Taray!

"Kahit kailan talaga Czarina, walang ka nang ginawang tama sa buhay ko." Matigas na sabi ni Jillian.

"Aba! Nag sorry na nga sa inyo ang tao diba?! Atsaka may sinabi ba syang sinungaling ka? Sinabi nya lang na hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo! Kung maka hugot ka dyan, akala mo naman. Ang laki laki ng kasalanan sayo!" Sabat naman ni Lavander. Bitch mode on na po kasi sya.

"Jillian, tungkol pa rin ba to sa incident kanina?" Alam kong may ibang meaning yung sinabi nya.

Tiningnan nya lang ako. Tapos tumalikod sya kasama ang dalawang alipores nya.

Pero bago pa sila makaalis, humarap sya sakin.

"Sana, hindi ka na lang naging parte ng buhay ko, Czarina." At umalis na silang tatlo.

Bakit parang naluluha sya? Or just my imagination lang? Hayys :/

"Ano ang pinaglalaban ng babaeng yun?" Tanong ni Lavander.

Ano ba talaga ang nagawa ko sayo at ang laki ng galit mo sakin, Jillian? :((

***********************************

Ano nga ba ang nagawa ni Czarina kay Jillian? Bakit ganun kalaki ang galit sa kanya ni Jillian??

Abangan nyo sa mga susunod na chapters :)

Huwag nyo munang I hate si Jillian. May pinanghuhugutan yan. Aba xD

Nga pala, please follow me on :

IG : whenzaii

Twitter : @fiabelle03

Thank you sa mga nagbasa, nagbabasa, at magbabasa ng story ko na to.

Please read my other stories.

*What about Love? (Ongoing)

*A Second Chance in Love (completed)

Please do ComVo guys. Thankie :)

-fia

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Sexy L♥VETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon