"Huwag ka ng umiyak, babalik di naman ako after 3 months eh, magbabakasyon lang naman ako dun" sabi ng labing walong taong gulang na lalaki sa nakababata sa kanya ng isang taon na babae.
"Promise? babalik ka after ng bakasyon niyo?" umiiyak na tanong ng dalaga sa binata.
"oo naman, kaya mag ingat ka dito parati ha? pagbalik ko mamamasyal tayo, lahat ng gusto mong puntahan pupuntahan natin, kaya huwag ka ng umiyak mahal ko" nakangiting sabi ng binata sa dalaga tsaka pinunasan ang mga luha ng dalaga.
"eh kasi naman, ang tagal ng 3 months, tsaka baka may ibang babae kang magustuhan dun, baka hindi ka na bumalik, cge ka, ang ganda ko kaya para ipalit mo lang sa iba" nakasimangot na sabi ng dalaga, ngumiti ang binata.
"eto naman, babalik din naman ako agad eh. promise ko sayo babalik ako agad, at promise ko din sayo, ikaw lang ang mamahalin ko, wala ng iba , ikaw lang Ms. Daphne Fernandez" nakangiting sabi ng binata habang hawak ang kamay ng dalaga.
"siguraduhin mo lang, hmp! tsaka pangako mo rin na ako ang papakasalan mo, ha ?!" demanding na sabi ng dalaga, kaya napatawa ang binata.
"opo, ikaw lang po, ikaw lang ang papakasalan ko, PROMISE. cge alis na ako mahal ko" sabi ng binata bago niya hinalikan sa noo ang dalaga. "babalik ako agad" sabi pa nito bago niya tinalikuran ang dalaga.
BINABASA MO ANG
Your Promises
Teen Fictionano nga ba ang meron sa salitang Promise? at bakit lahat yata ng tao umaasa dito? naniniwala, naghihintay. Kahit alam naman nilang walang mangyayari. Kagaya ko. naniniwala at naghihintay sa pangakong binitawan ng pinaka mamahal ko. I am Daphne Ferna...