Chapter 1

4 0 0
                                    

"DAPH!!!!"

napalingon ako sa kaibigan ko.

"bakit?" tanong ko sakanya, parang excited na excited kasi eh.

"halika dali! tara sa baba!" excited na sabi niya.

"Anong gagawin dun? ayoko dun, pagod ako at gusto kong magpahangin dito." sabi ko sabay inom sa hawak kong beer. nasa balkonahe kami ng bahay Ko.

"Halika na! mamaya na yan!" sabi ni Vicky tsaka niya kinuha yung beer. tumingin ako sakanya ng masama.

"Ano ba kasi yun? pagod ako eh." asar na sabi ko tsaka ako pumasok. Kakatapos lang kasi ng shooting namin eh. Oo shooting, artista ako eh, bakit ba.

"Eh, basta, surprise. Dali na!" 

"oo na nga, tara na! papalit lang ako."

"ok. bilisan mo ha!" sigaw ni Vicky.

Pagkatapos kong magpalit lumabas na ako, kaso nga lang wala akong masyadong makita kasi ang dilim, meron namang ilaw kanina ah, hindi naman pwedeng brownout.

"Vicky!" sigaw ko, san nga ba yung babaeng yun, kasama ko lang kanina eh, hindi naman ako natagalan sa pagpapalit. Naglakad ako papunta sa may switch ng ilaw, at nung nahanap ko na, pinindot ko yung switch.

"SURPRISE!!!" Sigaw nung mga kaibigan ko, agad naman akong napangiti. Oo nga pala, birthday ko nga pala ngayon.

""Happy birthday sis!" bati nila sakin.

"Thank you!" sabi ko tsaka ko sila niyakap.

"Hay nako, ikaw kasi eh, nag sa sign of aging ka na! ayan, hindi mo na naaalala kung kelan birthday mo, naku!" biro ni Myla sakin, ang Pinaka matanda saming magkakaibigan, 28 na siya, maganda at sexy, pero wag kayo, may asawa na yan, at may dalawang anak na rin, yung nga lang, hindi halata sa katawan niya na may anak na pala siya, sexy parin kasi, kaya laging napagkakamalang single.

"True! sinabi mo pa! oh, ayan 24 ka na, matanda ka na, pero yang pag momodel at pag aartista mo parin yang inaatupag mo, ni wala ka pang love life! Palibhasa kasi, hinihintay parin yung taong nangako sakanya, na hanggang ngayon eh wala pa naman" sabi naman ni Jenny, ang pinaka madalas madulas ang bibig, Lalong lalo na kapag naka inom. Agad siniko ni Myla si Jenny sa sinabi nito.

"Hindi naman, kung ano ano talagang sinasabi mo, oh, ba't wala bang message o call si Aileen para sakin? birthday ko ngayon ah" pag iiba ko ng topic.

"Sus, hindi daw" sabat naman ni Vicky, kaya tinignan ko siya ng masama. "ok, sige, hindi na kung hindi. oh, ayan, hintayin mo nalang na sagutin niya" sabi ni vicky tsaka hinarap sakin yung laptop.

"HI!!" sigaw ni Aileen.

"Oh! Kamusta?" tanong ko sakanya.

"eto ayos lang, Happy Birthday sis!" masayang bati niya sakin.

"Thank you! Mwuah!" nakangiting sabi ko, tsaka ko siya flinaying kiss.

"Hoy! babaita! ang tagal mong hindi nagpaparamdam ah, mula last year!" singit ni Vicky na bigla nalang tumabi sakin. Nakitabi na rin si Myla at Jenny.

"Ano ba, dun nga kayo! mga etchosera!" asar na pagtataboy ko sakanila, eh gusto kong masolo si Aileen eh, siya kasi ang pinakamabait sa amin, at siya din ang pinakapaborito ko, mga epal lang tong tatlong kasama ko eh, di, jowk lang, Mahal ko silang lahat pero mas mahal ko tong si Aileen, ewan ko ba, siguro dahil mula nung bata palang kami eh magkaibigan na kaming dalawa, tsaka lang namin nakilala tong tatlong to nung nag highschool na kami, kaaway pa nga namin sila nun eh, pero nauwi din lang pala sa friendship.

Your PromisesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon