HM 5: Book Store

10 6 0
                                    

*Bookstore*

Tonton's POV

Pagkapasok namin sa store, naghiwalay muna kami ni Vhon para mas mapadali yung pamimili namin.

Nang biglang...

"AY KALABAW!", bulalas ko. Nagulat kasi ako dahil may biglang kumalabit saakin mula sa likod kaya agad ko din iyong nilingon para makita kung sino yung kumalabit. At Pagtingin ko, si Gracy pala.

"Oh Gracy bakit ka nandito?", bungad ko sa kaniya samantala, nakangisi naman ito na parang nakakaloko na kinikilig na ewan.

Soooo weird!

"Ahihi Hi Tonton!!!! nacancelled kasi yung training session namin e kaya  naisipan kong Pumunta nalang ako dito tapos saktong nakita ko kayo kanina kaya sinundan ko nalang kayo dito", salaysay naman niya.

"ahhhh, Oh siya maghanap ka na din ng iba pang materials para mapadali tayo", Sagot ko at tumango naman siya sa akin bilang tugon. Bumalik naman ako agad sa pamimili nang biglang sumulpot si Vhon.

"Oh Gracy anong ginagawa mo dito?", tanong ni Vhon kay Gracy.

Hindi ko na sila niligon dahil nakikita ko naman sila sa peripheral vision ko.

Tulala nanaman si Gracy at parang sinasamaan ng tyan habang nakatingin kay Vhon kaya ako nalang ang sumagot kay Vhon, "nacancel daw yung training session nila Vhon kaya ayan nadito siya, nag teleport ata diba GRACY? HAHA".

Ang awkward nung tawa ko
My ghadd!! Tonton!


"Ahhhh ehhh  O-oo 'yun nga ang nangyari hehe", aligagang tungon naman ni Gracy na parang kakabalik palang sa reyalidad.

"Hmm, soo tara na samahan mo nalang kami Mamili!", saad ni Vhon. Tumango lang ulit si Gracy bilang tugon. Pero bigla din itong namutla na kinikilig na ewan noong hinawakan siya sa balikat ni Vhon.

Ang weird talaga ni Gracy.

Habang abala ako sa pagkuha ng mga materials, napansin kong tumunog yung Phone ko kaya agad ko itong kinuha mula sa bag ko para tingnan iyon.

Text message pala, mula kay... Paupau?!

===================================
From: Paupau ☆

Hey san ka? Papunta ako sa inyo kasama ko sila mommy. Mag lalunch daw tayo sa inyo sabi ni tita

-end-
====================================

Ommmooooooooooooooo!!!

Kaylangan ko na palang umuwi dahil darating sila Ninang kaya naman agad kong hinanap sila Vhon at Gracy para magpaalam.

Nakita ko naman kaagad sila sa di kalayuan

"Guys! Sorry But I think much better if kayo nalang yung mamimili".

Napakunot naman ang mga noo nila na para bang takang taka kaya naman pinaliwanag ko sa kanila yung dahilan ko at pumayag naman din sila. Well, wala naman na silang magagawa HAHAHA.

Shemaaay bakit ang
creepy ng tawa ko?

"Sorry talaga guys May emergncy kasi talaga", sabi ko pa at saka inabot sa kanila yung pinamili ko.

At di ko na sana sila hihintayin pang mag react kaya lang may nakalimutan ako..

Kaya agad naman akong lumapit sa kanya at sinabing..

" 'wag mong gahasain si Vhon ah? Magpigil ka ^__-v"

Agad naman nya akong hinampas at tumawa na halatang kinikilig.

HEAR ME #Wattys2019 (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon