HM 7: In love si Vhon?

9 6 0
                                    

Tonton's POV

4am na at patapos na kami sa project namin.

Sobrang sabaw na kaming lahat dahil sa antok. Pero at least diba? May nagawa kami. Yung iba kasi.. nagoover night pero wala namang nagawa o di kaya naman ay iisang tao lang yung gumagawa.

That's unfair.

"Guys dahil umaga na, open forum tayo!", pag susuggest ni Alliah.

"Oo nga exciting yunnnn ^^,", pag-sangayon naman ni Gracy.

"Aww Di kayo inaantok?", kumento ni Patrick.

"Hiindi na eh tinakasan na ako ng antok", sagot naman ni Rudy.

"Ay grabetyyyy!. Kawawa mga braincells natin neto :( ", sabi ko naman.

"Out ako dyan,  inaantok na akoo", saad ni Jayson.

"Edi matulog ka ! Wag kang sasali samin ah", pambabara naman ni Alliah.

Grabe hindi pa rin siya nauubusan ng energy.

"Nagsusungit ka nanaman! Halikan kita dyan eh!", rebutt naman Jayson.

"Subukan mo lang ng manghiram ka ng muka sa aso!", sagot ni Alliah na mukhang naiinis na.

"Ah talaga tol baktol? Baka nakakalimutan mo na black belter ako?", pagyayabang naman ni Jayson.

"Wala akong pake!?", maiksing sagot ni Alliah at saka ito umirap.

Nagtawanan nalang ulit kami pero si Alliah halatang naiinis pa rin.

" I think guys. kaylangan na nating ipahinga yung mga utak natin. Don't worry malinis naman na yung mga guest room sa taas.", saad ni Vhon.

"Aww sad ", side comment naman ni Jayson.

"Tupa! Wag ka na nga mag react! Nanggigigil ako sayo e!", bulalas naman ni Alliah.

Nag kibit balikat lang naman si Jayson dahil doon. Napagpasyahan naming magligpit na ng mga kalat at pagkatapos   noon eh umakyat na kami sa 2nd floor ng bahay nila Vhon para magpahinga.

Kahit na magkapit bahay lang si Vhon at Gracy ay di namin sya pinauwi para may girls talk daw kami sabi ni Alliah.

Syempre hiwalay yung kwarto ng babae at lalaki. Kasi kung hindi. Ay nakooo baka sumabog yung kwarto sa init ng mga ulo nila sa isa't-isa.xD
_______________________________________

*Sa kwarto naming mga girls*

Agad naman kaming nagsihiga sa kama at yung sinasabing girls talk ni Alliah, hindi na natuloy dahil wala pang 10 minutes ang nakakalipas ay may naririnig na akong naghihilik sa kanila.

Pero feeling ko si Gracy iyong naghihilik. HHAHAHAHAHAHAH.

Anyways,
Pasado 5am na din naman na kaya parang di na ako inaantok.

Napagisipan ko na magpahangin muna kaya pumunta ako sa veranda ng bahay nila Vhon at nakita ko naman doon si Vhon na nakatayo, mukhang nag papahangin din siguro.

"Oh An bakit gising ka pa?", tanong nito habang nakatingin sa akin.

"Hindi na ako inaantok eh, ikaw bakit gising ka pa?", tanong ko naman pabalik.

"Same, hindi na rin ako inaantok hehe", sagot nito napabuntong hininga pa.

"Lalim niyan ah!, May problema ka ba Vhon?", pagusisa ko sa kanya.

"Not Really a Problem haha. Tara tapusin nalang natin yung project?", pag-aaya nito.

Tumango naman ako sa kanya bilang pagsangayon. Inunahan naman niya akong maglakad kaya sumunod nalang ako sa kaniya.

HEAR ME #Wattys2019 (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon