First Chapter

28 1 0
                                    

Natalie's point of View

"Hey!"sabi ko

"Hey Natalie!" sabi ni Rina, bestfriend ko

"Nakita mo si Tamara?"sabi ko

"Nasa cafeteria, kasama si Joanne"sabi ni Rina "Bakit?"

"Basta, samahan mo nga ako, pupuntahan ko lang siya" sabi ko

Katulad nga ng sinabi ko, sinamahan ako ng bestie ko sa loob ng cafeteria, at sa awa naman, mabilis din namin nakita sina Tamara at Joanne, at nilapitan namin sila.

"Hey, Tamara" sabi ko

"Hey, bakit?" sabi niya

"Sorry nga pala dun sa nangyari kahapon ha, alam mo na, medyo sarcastic kasi ako, medyo KSP, I really admit it, sorry ha," sabi ko na medyo mabilis kasi baka may makarinig na iba.

"Okay lang yon, walang problema, basta wag mo nang uulitin, kasi nakakasira ng image mo yun, " sabi niya

Ang ganda ganda ng usapan namin ni Tamara nang may pumasok at lumapit sa amin ni Tamara.

"Hey, lampa, kamusta ka?"sabi ng mayabang na si Drew

"Hoy Drew, akala mo ba kung sino ka? porke pogi ka lang, kaya mo nang maliitin ang lahat?"sabi ni Tamara

"Bakit? akala mo ba kung sino ka?akala mo ba sikat ka?you are a nobody!nobody but trash!"sabi ni Drew

"Drew! tama na! di ka na nakakatuwa!" sabi ni Tamara

Bago pa ako nakapagsimula sa pagsasalta ay tumunog ang bell, hudyat na maguumpisa na muli ang klase at tapos na ang break, kaya niyaya ko si Tamara na sumama sa akin papunta sa room ng geometry dahil magkaklase kami sa subject na yon.

"Tara na!" yaya ko kay Tamara

"Susunod na lang ako" sabi ni Tamara

"Sure ka?"sabi ko

"Oo" sabi niya

"Sige" sabi ko

Umalis ako ng cafeteria na hindi ako sigurado kung napatawad ba niya ako o hindi, pero halata naman sa mukha niya na inis na inis siya sa akin, ah basta, ginawa ko lang ang tama , nag sorry ako sa kanya at bahala na siya sa buhay niya kung gusto niyang tanggapin yon o hindi.

Samantala, sa loob ng geometry class..

"Okay, what is the sides of pentagon?"

Ah, wala nang mas boring pa kaysa sa subject na ito, tumingin ako sa upuan kung saan nakaupo si Tamara, ngunit nagulat ako nang makita ko na wala doon si Tamara, wala nanaman akong kasamang maboring dito, alam ko na medyo naaartehan sa akin si Tamara pero everybody has light sides na sana magustuhan niya sa akin.

"Natalie Fiance"sabi ni Professor Albert

"Yes?"sabi ko

"What happened to your test?"sabi niya

"Bakit po?" sabi ko

"You had a great improvement! dati, ang mga scores mo bagsak, ngayon you are almost perfect! keep it up Natalie"sabi niya

"Thanks po" sabi ko at kinuha ko na ang testpapers ko, hindi talaga ako makapaniwala dito, pumasa ako sa geometry? I'm sure matutuwa dito si mommy.

After class......

Hay salamat! natapos na rin ang klase pero hindi ko pa rin nakikita ni anino ni Tamara, nasaan na kaya yung babaeng yon?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The more you hate, the more you loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon