chap 1-first night

33 2 2
                                    

              Levi Gibson. 18. Single. Gwapo. Gentleman. Matangkad. Mabango. Macho. Inshort, 2G3M.            -Levi Gibson

        “Do you accept Aaliyah de Chavez to be your wife, to be part of your heart, forever, in hardship and in pleasure, in sickness or in health, and you will love her, for all eternity as the sacred ordinance of God?”

        Summer vacation. I should have been off to somewhere, enjoying the blue clasps of waves, the cold drinks under the heat of the sun, the bonfire and parties at nights, and most of all—his life.  I should be enjoying. I really should be.

        “I do.”

    Now what the fuck am I doing here?  Talaga bang hindi siya nananaginip  lang—rather, binabangungot? Dahil kung panaginip lang ang lahat, siya na ang pinakamasayang tao sa kasalukuyan. At kung totoo ito, wag mo nang itanong dahil kahit sa sarili ay hindi niya alam ang kasagutan.

     Sinulyapan ko ang babae sa aking tabi. She looked bored, kulang na lang ay humikab ito sa harapan ng judge at sabihing pwede bang bilisan mo diyan sa lintik mong speech? And now he wonders kung bakit nga ba ang haba ng seremonya ng kasal. Or is it just him?

        “Aaliyah de Chavez, do you accept Levi Gibson to be your husband, … for all eternity as the sacred ordinance of God?”

        Sumulyap ang babae sa kanya, agad niyang iniiwas ang paningin. Di niya alam kung bakit.  “I do,” walang kaemo-emosyong sagot nito. Hindi na siya nagulat doon. The feeling is mutual. Sino nga bang sasagot ng I do na may ningning ang mga mata kapag pinilit ka lang ipakasal sa taong hindi mo naman mahal. Worst, hindi pa kayo handang ikasal.

        Yeah. He’s Levi Gibson. Eighteen years old. And he’s the groom.

        Nagpatuloy ang seremonya na labas-pasok lang sa tainga niya. In fact ay parang naka-mute ang lahat sa kanya. Wala siyang naririnig kundi ang mga naiisip niya. Iyon lang at wala nang iba.

        “You may kiss the bride.”

        Naramdaman niya ang bahagyang pagsiko sa kanya ng ‘bride’ na nagpabalik ng realidad sa kanya. She looked ravishing. And sweet. And innocent. Pero alam niyang yung una lang ang tunay na totoo. Yung pangalawa, he’s not sure. At yung pangatlo, well, looks can be deceiving. Hapit sa katawan ang wedding dress nito na lace ang mahabang sleeve at  butas ang likuran na umaabot sa baiwang kaya kitang-kita ang curves nito. Ang mahabang buhok naman nito ay nakataas habang naka-braid at may maliliit pang bulaklak na nakasingit. Di niya ginustong mapanganga nang makita niya ito kanina, pero nangyari. Literal siyang napanganga. First time kasi niya itong makitang nakaayos, naka-gown pa. Palagi kasi itong naka-denim—shorts or pantalon, at sneakers. Sa pang-itaas naman ay kung hindi oversized sando na may tube sa ilalim ang suot nito ay naka-tshirt or plaid shirt ito.

        Hinawakan niya ang balikat ng babae at inilapat ang labi sa labi nito within three seconds. Daig pa niya ang humalik sa alagang aso. The kiss was shallow as the marriage. Masabi lang na nag-kiss sila. At ngayong tapos na ang seremonya, naitanong na naman niya sa sarili ang malaking question mark na what now? Ano nang mangyayari kasunod nito?

        Hindi na siya binata. Paulit-ulit na sumisigaw iyon sa kanyang utak habang pinipirmahan ang mga dapat pirmahan. Hindi na niya binasa ang mga nakasulat doon. Hindi siya interesado. Ang gusto niyang gawin ay maiyak sa nangyayari. Mas gusto niya iyon kesa magsisi dahil kapag nagsisi siya, wala rin namang mangyayari at mas bibigat lang ang loob niya. Kung iiyak siya, baka sakaling gumaan pa. Bakit ba ito nangyayari sa kanya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MARRIED AT 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon