Paano ka umibig? Sigurado ako isang mahabang listahan pa yan bago mo matapos sagutin ang tanong ko. Hay, pag-ibig. Minsan mahuhuli mo na lang ang sarili mong nagbubuntong-hininga, nakatitig at iniisip ang isang tao nang hindi mo namamalayan. tama diba? yung pakiramdam na gusto mo sabihin ang nararamdaman mo pero di mo masabi o kaya nahihiya ka lumapit sa kanya at nakakaramdam ka ng takot. Ang pakiramdam na hindi ka sigurado sa nararamdaman mo.Kung ganun, makaka-relate pala kayo dito.
Ang isang tao kapag umibig at lumalim na hindi mo namamalayan, sa araw-araw na buhay hihilingin mo ba na masabi mo ang sinisigaw ng iyong puso o dedepende ka na lang sa pagkakataon at mauwi ka sa mga salitang "pakisabi na lang?" ano ang desisyon mo?
A/N: Hindi po ako ganun kagaling gumawa ng storya pero sana magustuhan niyo pa din ang storyang ito na halatang may "hugot" effect dito :) at maka-relate kayo sa iba't ibang storya ng pag-ibig sa istoryang ito :)
