Sa LRT....

+nag-aantay na ako ng tren

Una muna, Ako nga pala si Leonara Arteo, Capital L.A for short :) Isa na akong first year college student at sa maliit na panahon na nasa college ako, andami na talagang mga bagay na natutunan ko  bukod pa yun sa mga kalokohan ng kaibigan ko ah. hehe :) At isa na dun ang tungkol sa pag-ibig.  

At dahil diyan, didiretsuhin ko na kayo. "Hindi ako naniniwala sa LOVE AT FIRST SIGHT" Sa dami ba namang hiwalayan ngayon, masasabi pa bang love yun kung naghiwalay pa din? There is attraction pero na misplace ata ang puso kaya di nauwi sa love. Basta ako, ok na ako sa pagiging single ko :3 Ok lang siguro sa akin na maging NBSB ko hanggang sa magtrabaho ako at least I'm free :D (thumbs up)

Nawala ako bigla sa train of thought ko nung biglang may tumawag sa akin sa kaliwa ko.

"UI!"

"Ah! Aileen! Akalain mo naman oh, nakasabay pa kita dito. Akala ko nauna ka na?"

"May inasikaso pa ako kaya natagalan. Ikaw? bakit ngayon ka lang umuwi? tumambay ka na naman noh? Sabihin mo nga, 2 oras nang tapos ang klase at wala ka namang ginagawa kundi nakatingin lang sa langit. Inlababo ka ba?"

"Anong Inlababo? ano yun? ang sagwa naman"

in-Lababo? ampanget naman ng word na yun. Nasa loob ka ng lababo ganun ba? ayy...ewan :3

Tumawa na lang siya sa akin

"Hahahaha XD ang inosente mo talaga kapag sa ganyan, ang ibig kong sabihin doon......in-love ka ba??"

Sinabi niya pa yun sa akin na may paglapit pa ng mukha.Dumating na ang tren ng LRT nun at pumasok kami saka ko na lang siya nasagot.

"In-love ka dyan! Anong pinagsasasabi mo? Wala ah! ni crush nga wala eh. Matagal ko na kinalimutan ang mga ganyan. I don't need it right now"

"ASUS!!!! Ganyen ka naman eh. Puro di daw, wala daw. All I can see in you is the face of denial! Kaya wag ka magkunware Leonora!"

"Hoy Aileen!!! wag ka nga maingay! naririnig ka na ng buong LRT oh! anlakas-lakas ng boses mo parang mikropono!"

Ang ingay talaga ni Aileen. Siya yung una kong kaibigan pagpasok ko pa lang sa college at ewan ko nga kung bakit ambilis kong pagkatiwalaan siya eh. oh well, may magkapareho lang talaga siguro kami sa isang bagay kaya ganun na kami ka-close kaagad at FYI napaka-kulit niya, SOBRA. Minsan talaga itatali ko na siya sa poste kapag hindi pumirme :3 syempre, joke lang yun :D

"Pasensya naman diba? sabihin mo na nga kasi.....in-love ka ba??"

"Hindi! kapag nakatingin sa langit at walang ginagawa, in-love agad? eh paano kapag nagbilang na ako ng bituin sa langit na mataas pa ang araw, baliw na ako sa pag-ibig? Aileen, wag mo naman i-relate lahat sa-"

Huminto ang LRT at bumukas na ang pinto. Napalingon ako sa pumapasok na mga tao sa pinto ng LRT. Napahinto ako sa pagsasalita nang pumasok pa ang isang matangkad at maputing lalaki sa loob at nanlaki ang mga mata ko sa gulat. hindi talaga ako makapaniwala. Pumwesto siya sa tabi ko at tinitigin ko lang siya sa tabi ko. Pagkatapos umandar ang tren, bigla na lang siya nagsalita. Si Aileen naman nanonood lang sa kanan ko.

"Hi" sabi ng lalaki.

"A-ah...Hello" Hindi talaga akong makapaniwala siya ito.

Matapos ang ilang sandali na nakanganga ako sa gulat, sinara ko ang bibig ko nang biglaan at ginising ko ang sarili ko sa pinagagagawa ko sa harap ng lalaki pero di ko pa din maalis ang titig ko sa kanya na nung tumagal ay naging masama.

"Bakit ka andito?"

Bakit siya andito??? wala ba siyang trabaho?

"Day-off ko ngayon kaya gumala ako. Ikaw? may dahilan ka ba kung bakit ansama ng titig mo sa akin kanina pa?" Lumingon na ngayon siya sa akin.

Hindi talaga siya nagbabago.Antipatiko!!!

"Wala. Nagtataka lang ako bakit ka napunta sa LRT na ito, madami namang iba...."Pabulong ko na lang na sinabi nang tumingin ako ulit sa harap ko.

"Bakit masama ba?"

"Hindi naman masama"

Ikaw lang naman masama dito eh! lalo na nadito ka pa sa tabi ko!

"kamusta college?"

Huh? nangangamusta siya? mali ba pandinig ko?

lumingon ulit ako sa kanya at ngayon dalawa na kami nakatingin sa isa't isa. Walang malisya ah!

"Ok lang. marami akong natutunan. mga bagay na madadala ko kahit saan at desidido syempre ako na pangatawanan ang mga bagay na yun kahit ano pa ang bumalik o dumating sa buhay ko ulit"

Nanahimik bigla ang atmosphere. Nahugot ba ako masyado??

"Mabuti. Hindi ka na mabubulag kapag dumating ang mga problema sa buhay"

Huminto na ang tren at eksaktong ito na ang station na bababaan namin ni Aileen.

"Sige. Dito na kami bababa. Mag-ingat na lang po kayo" 

Naglakad na kami palabas ng tren na hindi ako tumatalikod at hindi din naman siya nagsalita. Hanggang sa nawala na talaga ang tren sa station, nang bigla namang nanghigit ng kamay itong si Aileen! at sa sobrang lakas, masusubsob na ako sa tiles at malapit nang maging sapat para makita ko na ang mga dumi sa gina ng bawat isa.

"LEONORA!!!!! Sino yung puting tsinitong yun!? bakit magkakilala kayo!? Sino yun??? ha? ha? aminin mo!!!"

Tinignan ko na lang si Aileen na nagmamakaawa na sa akin at tintignan ako ng masama sa sobrang ng tingin niya sa akin :3 buti wala nang tao sa platform kapag palabas na ng LRT. Iba talaga ang mukha ni Aileen kapag nacu-curious, daig pa isang kriminal kung maka-torture sa tingin eh!

Napabuntong-hininga na lang ako. At sa sobrang stress ko sa tren kanina kasi nagpakita siya, wala na akong lakas lumaban pa kay Aileen -_-

"Ang ingay mo! OO NA! SIGE NA!! SASABIHIN KO NA SA IYO! BITAWAN MO LANG AKO"

Binitawan niya ako bigla pero inakbayan niya naman ako ng mabigat niyang kamay. katumbas pa naman ng kamay nito, isang kilo na ng bigas.

"So, Sino nga yun?"

Huminga muna ako ng malalim bago ko siya sagutin.

"Siya ang....."

Nakikinig talaga siya ng maigi. Si Aileen talaga oh kahit kailan tsismosa.

"FIRST LOVE KO"

A/N: Ito na ang first part ng storya ko at san nagustuhan ninyo :)))

Pakisabi Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon