"AHHHHH!!!!! O-M-G! omigosh! omigosh! omigosh!!!! AYIEEEE!!!!!"
Ano ba nangyayari dito sa kaibigan ko? kinikilig lang kala mo sinapian na :3 Hay naku, ayaw ko talaga sabihin yun eh kasi tapos na. Ayaw ko lang na balikan pa yun. Alam niyo yung "past is past" feeling
"Shhhhh! pst! tahimik na ui! mahiya ka naman, anlandi mo kaya tumili. baka mapagkamalang na nirarape ka diyan, sige ka"
"ok lang. andyan ka naman eh." At idinahilan pa ako ni aileen. "hindi ka naman nagsasabi, may first love ka pala eh. ayiiiieee!!! kinikilig ako kanina. tinitignan ko kayo kanina, kung magkatinginan kayong dalawa parang di na kayo magkakahiwalay. May spark kumbaga"
Tignan mo itong kaibigan ko, kinilig lang naging ininhyero na ng kable ang kuryente. may spark spark pang nalalaman :3
"Anong spark? baka iba na nakikita mo ah. Hindi yun spark baka galit lang namin yun isa't isa ang nakita mo. narinig mo naman usapan namin diba?, makapal mukha niya."
"But it doesn't change the fact na kinamusta ka niya at siya pa ang unang nangausap. ang spark na sinasabi ko kanina ay yung parang may mutual understanding sa tingin pa lang. yung una ko pa lang kayo makita magkasama, nakita ko na you'r MEANT FOR EACH OTHER!!!! AYYY!!! kinikilig ako sa inyo"
"Hay kalokohan talaga oh. gaya nga ng sinabi ko sa iyo dati tapos na yun at hindi na maibabalik pa kung ano na nangyari nun. Atsaka nakita mo ba yun? mas matanda yun sa akin at hindi kami bagay, tapos kikiligin ka pa"
"Anong hindi bagay? Bulag ka ba o sadyang manhid?" sigaw naman niya sa akin sa tenga ko."Yung paraan niya ng pakikipag-usap niya sa iyo iba, iba din tingin niya sa iyo. At sakto lang naman ang height mo sa height niya. Isa pa kapag college, walang pinipili nang idad yan pagdating sa love. Lahat equal. So, you're perfect for each other!!!"
Nginitian niya na lang ako na abot sa dalawang tenga niya. Hay wala talagang magagawa. Napatawa na lang ako sa kanya at napa-oo na lang ako dahil sa pagod kakakontra sa kanya. sa totoo lang, saan niya ba nakukuha ang lakas nito? daig pa niya si superman eh. Swear, hahanapin ko ang kryptonite nito kapag nagkataon lang talaga.
"UI! L.A! bakit mo nga ba tinapos na ang first love mo? diba first love never dies?"
Lagot ito na ang tanong na iniiwasan ko.
"Naku, mahabang storya. atsaka sa panahon ngayon, may first love pa bang hindi nawawala? Mahirap na kasi paniwalaan eh"
"Kung sa bagay, ikwento mo next time yun ah! yung storya mo about your first love, kung kaya naman ng kalooban mo. ayoko naman nahihirapan ka kasi-"
"Kinokonsensya mo ba ako na sabihin ko sa iyo? kapag handa na ako at may oras tayo oh. Kung hindi ka lang talaga kaibigan ko oh, hindi ko talaga sasabihin sa iyo ito"
"YES!"
Sa haba ng itinagal namin sa platform, umakayat na din kami sa escalator palabas ng LRT station. Bago din naman kami umuwi, hindi na din napigilan ni Aileen itago yung curiousity niya talaga sa akin kaya nagtanong siya ulit bago kami sumakay sa magkahiwalay na jeep.
"Last na"
"Ano?"
"May gusto ka pa ba sa kanya?"
Ngayon lang ulit na may nagtanong sa akin ng tanong na yun at sa maikling panahon na nagdaan pakiramdam ko taon na ang nakaraan nang tanungin ako niyan. Napaisip tuloy ako, may gusto pa din ba talaga ako sa kanya? Sa pag-iisip ko di ko na nahalata na kanina pa pala ako nagmumuni-muni.
"Leonora?"
Tumingin ako sa kanya na tingin ko na nakikita niya na may lungkot sa mata pero sa totoo lang parang awa yun para sa akin. Hindi para sa xonrox na tsinitong yun kundi para sa sarili ko na nagpaloko sa mga nararamdaman ko.
"Wala. Wala na akong nararamdaman sa kanya" Sinabi ko ito na may full smile :)
"Ahh ok. Sige bye na LA! kita tayo bukas ulit :)"
"sige!! bye!!"
Dito umakyat na kami sa sari-sariling jeep at naupo na ako sa paborito kong pwesto sa dulo na malapit sa bukana ng jeep. Saka ako napag-isip-isip. Ganun pala ang tingin ko na sa nangyari dati noon. Na hindi na maibabalik pa at wala nang pag-asa pa.
Hmph! Pampaguglo talaga sa isip ko talaga ang taong yun! Kalimutan na natin yun. Ang importante kung ano na ang nangyayari ngayon. Di na natin kailangan pa ulitin ang nangyari na noon.
A/N: Hugot much :3 Please keep reading pa din po :) next chapter ay tutunghayan na natin ang love story ng side ng isa sa mga kaibigan ni LA :))
