Naglalakad ako papunta ng bahay namin galing sa school. Malakas yung ulan kaya naman mahigpit yung hawak ko sa payong ko. Nakatingin ako sa lapag habang naglalakad ako nang bigla nlang may nakita akong dalawang pares ng sapatos sa harap ko. Pamilyar ung itchura kaya naisip ko na iangat yung ulo ko.
At isang pamilyar na ngiti ung nakita ko.
"Sarah naman bat di ka man lang nagtxt para nasundo kita sa school mo. kanina pa akong alas kwatro dito sa kanto nyo inaantay ka!"
Bat kita ittxt? Sino ka ba? Sa isip isip ko lang.
"Low bat ako kaya di ako nakapagtxt. tska matraffic kanina kaya ngun lang ako."
"Nagalala ako sayo. sorry na"
Ganyan naman kayong mga lalake puro kayo sorry.
"Okay lang Andrew cge na umuwi ka na gabi na tska baka makita ka pa ng tatay ko."
"Sige Sarah aantayin nalang kita makapasok sa bahay nyo bago ako umalis"
"Cge ha? una na ako."
"Ingat ka mahal na mahal kita."
"Mahal na mahal din kita"
Sabay yakap nya sakin ng mahigpit at halik sa nuo, sa ilong, sa dalawang pisngi at sa labi.
Pumasok na ko ng bahay namin at ang pinakaunang bumungad sakin ehh ung ngawa ng nanay ko
"Sarah dyosmio! alas otso na ng gabi! bakit ngun ka lang dumating? asa naman sad ka niadto babayi ka?!!"
"Mano po Mama"
"Saan ka nanaman nagaling?! nagkita nanaman kayo nung andrew na yun?!"
"Hindi po."
"Cge na magmano ka na sa papa mo."
Nagmano ako kay papa at pumasok na sa kwarto ko at nagcharge.
Makalipas ng ilang minuto binuksan ko na yung celphone ko at nagbihis.
"Ano ba naman to napakadrain na ng battery ko!"
17 New Messages
Puro kay andrew galing.
Flashback
3 years ago.
Nakaupo ako sa stage ng field ng school namin nun, kasama ko ung dalawa kong kaibigan si Celine at si Charmaine kumakain kami ng lunch ng bigla nalang may lumapit na mga 4th year samin.
"Ate! malapit na ung accquaintance party natin pde ba na ikaw ung kunin kong date?" sigaw nung lalake na matangkad na medyo maitim na malaki yung katawan kay Celine
"Sige pero kailangan ililibre mo kami!"
Sigaw ni Celine.
Si Celine kasi matangad na mapayat, maputi at medyo singkit, matalino din siya matagal ko na cia kaibigan elementary palang kami.
Si Charmaine naman siya ung tipo ng babae na maganda, maputi di naman siya ganon kapyat pero may laman cia.
Siya ung tipo ng babae na pagnakita mo kala mo maarte pero pag nakilala mo sobrang angas. Parang one of the boys.
Lumapit yung tatlong lalaki samin at umakyat din ng stage.
Ung lalaki na medyo pandak lumapit kay Charmaine.
"Ate pwede ko ba makuha number mo?"
Sabi nung lalaki kay Charmaine. Medyo nakakatakot na ung muka nya.
Tumingin si Cham sakin tapos binalik ung tingin dun sa lalake.
"Sarah may naririnig ka ba? parang may dumaan na bubuyog na parang may sinasabe. di ko maintindihan tangina kasi ang liit ng Boses!"
Nagtawanan kami lahat pati si Celine na busy dun sa 4th year na kuya.
"Wala kong narinig cham! kala ko nga lagaw eeh!"
Tawanan kami ulit nun. tapos bigla nalang nagaya ung negro na umalis na kasi tapos na daw ung break nila.
Pagtapos nung araw na yun palagi nalang namin kasama tumambay ung tatlong 4th year na lalaki na yun ung negro John ung pangalan, ung duwende naman si Ferdinand tapos ung singkit na matangkad na nakasalamin, si Andrew.
Naging close kaming tatlo tapos isang araw bigla nalang nagkaayaan ng inuman.
Dahil sa nag decide ung barkada na mag happy happy sumama ako. pumunta kami sa bahay ni Ferdinand.
Pagdating namin nun sa bahay nila may isang lalake na nauna dun pati isang babae.
Ung lalaki na andudun si Alex tapos ung babae naman si lyne.
Ung lyne sa pagkakaalam ko kabatch din namin un 2nd year din pero di kami close.
Ung bahay nila 4 na floor dun kami sa pinakatuktok na music room.
"Uy bat may set dito? tumutugtog kayo?!" sabi ni Celine habang umupo sa pwesto ng Drums.
"Oo tutugtog nga kami sa party natin sa school next Saturday eh!" sabi ni John napakayabang talaga.
"Sino drummer nyo?!" sabi ni Celine habang tinatapiktapik ung drums.
"Ako." nabigla kaming lahat at lumingon sa pinangalingan ng boses.
Sa ilang linggo na namin na magkakasama nun ko lang narinig si Andrew na nagsalita.
BINABASA MO ANG
I Do?
RomanceSino ba sakanilang dalawa ang pipiliin ko? Kanino ko ibinigay ang aking I Do? Sa lalaki na dati kong minahal na muling nagbalik? O sa lalaking muling nagmahal at nagbigay sakin ng ngiti?