Tiffany's POV
Naku naman ang ingay ingay ng mga babaeng to kala mo sila lang yung tao dito sa mall. Kung iniisip mong bigtime kami hahaha ang laking pagkakamali yan. Nagpaikotikot lang kami dito sa may shoe shop.
"Guys tingnan niyo yung mga naggagwapong lalaki doon". Kinikilig na aniya ng kaibigan kong adik na adik sa mga gwapong lalaki, si Diana hahaha. Pero hanggang paghanga lang naman. Nakakatawa nga eh yung mama pa niya ang nagpupumilit na magboboyfriend na siya.
"Hahaha" tumawa ako sa naisip.
"Oh, anong tinawa tawa mo diyan assumera ?" Binatukan ko nga, lakas makasabing assumera parehas lang naman kami.
"Eh ikaw! Anong tawag mo diyan sa sarili mo? Makasalita kala mo naman may pag-asa kay I.N." hahaha ayan natahimik na si Chanley, ang adik sa kpop.
"Wag mo nang ipaalala."sabi ni Chanley, "Tss".
"Baka nakikita niya si Deib Lohr sa isa sa mga lalaki diyan! Ayieeee!" sinamaan ko siya ng tingin. Itong si Hichele di pa rin nagbabago ang lakas mang-asar.
"Hoy! Kayong tatlo diyan, ni isa sa mga lalaking yan ay walang wala sa pinakamamahal kong Deib Lohr at tsaka kala ko ba magtingin-tingin kayo ng mga sapatos diyan, tss." umirap ako sabay walkout dahil naririndi ako sa anumang sasabihin nila pagkatapos non. Sorry sa ibang fans ni Deib! (^_^).
Nagsoundtrip muna ako habang wala pa yung mga babaeng yon. Nagpalakad lakad ako na habang nasa sapatos ang aking paningin. Di ko namalayang may nakabangga pala ako.
"Sorry!" pagtingin ko kung sino yun hahaha pagkakataon nga naman oh. Nahulog yung headset ko tsk. Yung panget pa na sinasabi nila ang nakabangga ko. Kung sa malapitan pala ang gwapo niya.
"Anong meron sa mukha ko, nakatitig ka eh" sabi niya.
"W-wala"ano ba yan bat ako naiilang!Pinakiramdamn ko siya at parang nakatingin pa siya sakin."M-m-may s-sabihin ka pa ba?" Nauutal kong sabi.
"Type mo ko miss?" kapal ng mukha neto ah!
"Ano sabi mo?! hah kapal naman ng mukha mo parang si Choco!" Ayaw ko talaga ng mga ganiyang lalaki pero infairness nakikita ko siya sa ibang wattpad character na lalaki.Yung tipong mayabang pero totoo naman.
"Eh ba't naninigaw ka, masyado ka lang defensive eh. At fyi, itong mukhang to"sabay turo niya sa mukha niyang makapal"ikukumpara mo lang kay Choco, aba't mala Deib Lohr Enrile ata to"
"Nagwa-wattpad ka?!" magkahalong excitement at gulat ang tanong ko. Ngayon lang kaya ako nakakita ng boy wattpader hihihi!
Tiningnan niya ako na para bang "oo at bakit parang gulat na gulat ka sa sinasabi ko, hindi mo ba ako kilala?!
"At bakit naman kita makikilala?sikat ka ba? artista ka ba?" naknang kapal naman talaga niya eh no!
"Well, I should introduce myself to you" nagsmile siya!!
"I am Yuan Russell, isa lang naman akong sikat na writer at unang tingin mo pa lang maiinlove kana." dagdag niya sabay kindat. Yuck! Anlande, di nga ako nainlove eh.At kaya pala pamilyar eh sikat pala siy-- wait what?!!!
"Oh my god! Ikaw si yuan!" nanlaki talaga ang dalawa kong mata as in malaki talaga! sino ba namang wattpader ang hindi magugulat eh sa palaging nakamask at hindi pa siya nagpapakilala sa kanyang mga fans. Isa pa crush ko siya eh yieee!
Yung mga mata niya, yun yung pamilyar sakin. Yung mga mata rin niya ang nagpaibig sakin. My ghaad! I kennot. Pero kung siya talaga yun bakit siya nagpakilala sa akin. Baka may kapareha pa siya ng mata eh!
"Kung ikaw talaga si Yuan,bakit ka nagpapakilala sakin eh palagi ka ngang naka mask eh?!"
Lumapit siya sakin at nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa tenga ko at may binulong.
"Sa tingin mo bakit kaya ako nagpakilala sayo" waaaa! halos di ako makahinga! kalma self! Lumayo na siya sakin kaya naman nakahinga ako ng maluwag.
Nakakapagtaka lang, bakit ganyan siya umasta. Ibang iba siya sa nakilala ko eh tsh.Bahala na nga!
Thank god! Di ako nagbublush hihihi kundi patay ako neto parang lakas mang asar tong mokong nato!
"Speech--"si yuan yan.
"Tiffany!"hindi ko na nilingon alam ko naman kung sino eh. Bakit ba antagal nila tas ngayon pa sila dumating na kausap ko yung crush ko tssk. Nakatingin lang ako kay Yuan na ang sama ng tingin sakin ngayon.
"Bakit?" di siya sumagot at bigla na lang naglakad palayo sakin. Tss di ko siya maiintindihan. Sayang di ko nakuha number niya hihihihi joke!
"Hichele parang may iba kanina sa tingin na yon ni tiff" si diana yan nagpaparinig di ko nalang pinansin. Sinira nila moment ko kanina eh.
"Oo nga at para bang nakakita siya ng kanyang deib lohr sa totoo niyang buhay" napangiti ako sa sinabi niya! Hehehe oh deib ng buhay ko! Ako na kaya ang maxpein mo?
"Saan kayo galing?kanina pako naghihintay dito"binalewala ko nalang yung mga sinasabi nila at umastang di ako kinikilig.
"Ya! Neo bakit di mo sinasagot mga tawag ko?!pumunta pa kami sa taas nagbabasakaling nandon ka pero wala pagbalik namin dito nandito ka lang pala aiissh!"ay nagalit hehehehe.
Tiningnan ko yung cp ko at aba ang daming tawag hehehe!Ngumiti ako sa kanila ng napakatamis."Sorry na hehehe nakalimutan kong naka silent pala ang cp ko"nagpaawa effect ako at ayoown di na nagalit.
"You have a lot of explaining to do"si hichele.
Taka ko naman siyang tiningnan."About the lucky guy" si Diana. Nagkamali pala ako akala ko si hichele kang ang malakas mangasar. Isa pa pala to.
"Baegopa"si chanley."kumain na tayo nagugutom nako"dagdag niya. Kaya pala nagsusungit to nagutom eh.
"Good idea"si Hichele.
"Kaya pala nagsusungit kanina hahhaha" sabi ko
"So tara, doon na lang tayo magchika"si diana
Naglakad lang kami dahil malapit lang naman ang bahay ni hichele.Pero habang naglalakad di ko maiwasang magtaka sa iniasta ni Yuan kahit na kinilig ako doon .At ngayon ko lang narealize na alam niyang wattpader ako pero sa pagkakatanda ko wala akong sinabing wattpader ako tssk.Yung pabulong bulong niya anong ibig sabihin non?!ayiiieeee alam kong masamamang magassume pero di ko mapigilan mag assume hihihihi!
Author's note:
How's the first chapter guys?😊😊
BINABASA MO ANG
Meet the author
FanfictionSo, there's this girl who thought she had a crush on him.Akala niya siya na yung crush niyang matagal na niyang pinapangarap makita pero hindi pala. Hey guys! First time ko po to sana magustuhan niyo😊😊. 13+