Dianne Pov
After niyang umalis sa opisina nila aya agad na niyang tinungo si Nico. Nasa boutique kasi ito ngayon. Bibilhan siya nito ng isusoot para sa big event mamaya. Medyo kinakabahan siya dahil alam niyang maraming dadalo sa event na ito. Dadalo rin kaya siya? Bungad niya sa sarili. Pero teka nga bakit iniisip pa niya iyong lalaking iyon eh matagal na nga iyong nagka pamilya.Pagkatapos nilang pumunta sa boutique ay agad na rin silang tumungo sa hotel kung saan gaganapin ang event. Inayusan na rin siya. Kinakabahan na siya ng sobra. Sa tanang buhay niya ito pa talaga siya sobramg kinabahan katulad rin itong kaba niya noong kinasal sila ng kanyang dating asawa na si Kevin. Huminga siya ng malalim. Ayaw na niyang isipin pa ang ganung bagay. Naka move on na siya. Ikakasal na nga siya eh. Pagkatapos niya ayusan ay tinignan niya ang kanyang sarili sa salamin. Napangiti siya habang tinitigan ang kanyang sarili sa harap ng salamin. Marami na ngang nagbago sa kanya. Lalong bumagay ang soot niyang black lace dress.
Agad na siyang lumabas at tinungo ang pagdarausan ng event. Alam niyang nagsisimula na ito dahil dumilim na sa ibang bahagi ng nasasakupan sa venue.
Narinig niya ang boses ng emcee. Nang narinig niya ang pagtawag ni Nico ay napangiti siya dito. Nakita niya itong kumakaway sa mga bisita. Kinindatan naman niya ako na agad ko namang napamulahan.
Agad nang nagsalita si Nico ""hello everyone, good evening.. Im glad that all of you are here to witness my event and also aside from that I would like to have a special announcement from everyone around here, so ayoko nang papatagalin pa. I would like to meet you everyone my soon to be wife, my loving and caring fiance, My fiance Dianne Mercado" nagulat siya sa sinabi ng binata. Hindi niya akalain na ito pala ang surpresa para sa kanya. Agad naman siyang tumungo papunta sa lugar ng binata kung saan ito nakatayo. Ngumiti siya rito. Kinakabahan siya. Maraming tao ang nagpalakpakan. Meron ring nagsasabi ng congrats at meron ring mga bulungbulungan. Tinignan niya ang binata nagulat lamang siya ng hinalikan siya nito sa labi. Napangiti naman siya rito kahit na nabigla siya ng halikan nito. Hindi kasi siya sanay sa ganitong sitwasyon. Pero teka nga diba ginagawa naman niya ito noon noong sila pa ng kanyang asawa. Pero bakit ba ito pa rin ang iniisip niya ngayong ikakasal na siya.
Nagpalinga-linga siya sa paligid. Pero laking gulat niya ng makita ang isang bulto ng tao kung saan ayaw niya sanang makita pa. Hindi niya sukat akalain na nandito pala ito ngayon. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya ng makita ang lalaki. Nagtitigan silang dalawa kahit medyo madilim sa kung saan naroon nakaupo ang dating asawa niya. Napahinga siya ng malalim. Umiwas siya ng tingin dito kasi kitang-kita sa mga mata ng kanyang dating asawa ang galit at sakit? Hindi, hindi yon ang nakikita niya. Agad niyang binalingan si Nico.
"Love, CR muna ako" bungad ko.
"Oh sure, go ahead love" ngiting tugon namaN ni Nico. Ngumiti lamang siya rito at agad tinungo ang banyo. Akmang papasok na sana siya sa banyo ng may marinig siyang nag-uusap.
"Tita, is daddy mad?" Rinig niya sa bata na nagsasalita
"Of course not sweety, d-daddy is not mad...don't worry okay?" Rinig rin niyang sabi sa babae. Hindi na niya narinig pa ang sagot ng bata kaya agad na siyang pumasok. Agad naman napalingon ang babaeng nagsasalita kanina noong nasa labas pa siya ng banyo. Nakita niya ang pagkagulat ng nakita siya nito. Hindi na lamang niya ito pinansin.
"What's wrong tita?" Tanong ng bata sa babae. Teka, that voice looks familiar. Saan nga ba niya narinig ang boses na yan huh?
"N-nothing Rafa,, lets go" anyaya ng babae sa bata. Agad niyang nilingon ang bata at sakto naman lumingon ito sa kanya. Teka, ito yung batang nabunggo niya sa opisina at gustong tawagin siyang mommy. Tama si Rafa nga eto. Nakita niya ang paglawak ng ngiti sa bata.
"Hi po mommy!" Bungad ng bata sa kanya
"M-mommy?"sigaw ng babae. Nilingon naman niya ito nakita sa mukha ng babae ang pagkagulat.
"Yes, tita she's my mommy, my new mommy" ngumiti naman ako sa sinabi ng bata
"I-im sorry for the behaviour of Rafa Ms. Dianne" giit na sabi ng babae sa kanya
"No its okay, I understand atsaka wala namang masama" tugon ko sa sinabi ng babae.
"Minerva by the way" pagpapakilala ng babae sa kanya sabay lahad ng isang kamay nito.
Ngumiti siya rito "Dianne" tugon niya.
"Yeah, I know you already" wika ng babae. Kumonot ang kanyang noo sa sinabi nito
"What do you mean?" Takang tanong ko
"Well, I-i... I said diba ikaw yong fiance na enintroduce by Mr. Del Moro right?" Tumango naman siya rito at ngumiti. Binalingan niya ang bata
"Sinong kasama mo baby? Nandito rin ba ang parents mo?" Tanong ko sa bata
"Im with my dad., mommy.." Giit na sabi ni Rafa
"Rafa lets go baka hinahanap ka na ng daddy mo" sabi ni Minerva sa bata
"Mommy, can you join us? I would like you to meet my dad.. He said he wants to meet you he-" agad na naputol ang sasabihin ni Rafa ng magsalita si Minerva
"Rafa!" Singit ni Minerva. Agad niya akong binalingan "im sorry talaga Dianne kung ano-ano nalang kasing sinasabi nitong batang ito" wika nito sa kanya. Napatawa naman siya. Makikita niya kay Minerva na mabait itong tao. Napaka hinhin kong magsalita.
"Its okay, I would like to meet him also," bungad ko
"Huh?" Nakita ko ang pag-awang ng bibig ni Minerva. Teka may mali ba sa sinabi ko? Sabi niya sa sarili
"I-i mean her parents" ngiting sabi ko.
"Come mommy, I will introduce you to my dad" at hinila na ako ni Rafa palabas ng comfort room.
Hinila-hila pa rin ako ni Rafa. Parang kanina pa ata kami naglalakad. Nawawala ata itong batang ito. Agad na akong huminto sa paglalakad.
"Baby?" Tanong ko sa bata
"Mommy, i can't find my daddy" sabi ng bata sa kanya. Nakita niya rito ang lungkot sa mukha
"Hey, look at me" at tumingin naman ang bata sa kanya "don't worry okay? Mommy is here" dagdag na sabi ko sa kanya. Ngumiti naman ang bata pero tipid. Narit pa rin kasi ang malungkot niyang awra.
"Rafa!" Natigilan siya ng may biglang humahangos na sumisigaw sa likod niya. Kinakabahan siya sa boses na iyon. Para siyang na estatwa. Ayaw niyang lumingon pero parang may nag-utos sa kanya na lingonin ito.
"Daddy!" Nakita niya ang paglawak ng ngiti sa bata. Ganito ba siya ka close sa kanyang ama?. Agad itong tumakbo papunta sa likod niya. At walang sabi- sabi ay lumingon rin siya. Napanganga siya sa kanyang nakita. Nanginginig siya at oarang gusto na niyang magpalamon sa lupa. Ano ba itong nararamdaman niya kinakabahan siya ng sobra.
"Dia?" Malumanay na boses nito na nagdulot sa kanya ng kiliti sa buong sistema niya. Hindi ito pwede.
"Daddy, siya yung sinasabi ko sa iyo na new mommy ko" nilingon niya ang bata. So ito pala ang anak nila ni Megan si Rafa.. Biglang nanubig ang kanyang mga mata. Naalala na naman niya ang kanyang anak dito. Kaya pala familiar ang mata ng bata dahil kahawig na kahawig ito kay Kevin. Nilingon niya si Kevin, nakita niyang nakatitig ito sa kanya.
"Uhmmm...nice to m-meet y-ou ...ahmm excuse me..my f-fiance is l-looking for me" hindi na niya gustong marinig pa ang sasabihin ng dalawa. Agad na siyang umalis sa harapan nila at natungo sa kanyang kwarto na inukupahan. Nawalan na siya ng gana para mag entertain pa ng mga bisita.
BINABASA MO ANG
The Secret Affair
Romancewhat if you find out that your bestfriend is your husband's lover?