Did He Ever Broke Your HEART?

128 7 2
                                    

Did He Ever Broke Your HEART? Yan ang palaging tanong sa akin ng lahat ng nakakaalam ng kwento naming dalawa. Ang perpekto ng lahat ng pangyayari, yung tipong hindi na makatotohanan. Bago ko sagutin ang tanong mo, iku'kwento ko muna sayo ang buhay namin dalawa.

PAST...

I'm just a girl, a NBSB to be exact. Tama ka ng nabasa No Boyfriend Since Birth ako, wala namang masama sa pagiging NBSB lalo na kung sarili mong desisyon. Anong magagawa ko kung hindi ako naniniwala sa konsepto ng pag-ibig? The only permanent in this world is change, hindi totoo yung sinasabi nilang "Mamahalin kita ngayon, bukas hanggang sa magpakailan man." Kalokohan!

Well, hindi nyo naman ako masisisi kung hindi ako naniniwala sa pag-ibig. Bakit? I live with my parents yet they have each others affairs. Nagpakasal lang sila noon dahil nabuntis ni Papa si Mama kaya kahit hindi pa sila handa ipinakasal na sila nila Lolo at Lola. Siguro mulat lang ako sa katotohanan na wala talagang pag-ibig, isa yong bagay na hindi dapat pinaniniwalaan.

Yan ang paniniwala ko sa buhay noon bago ko pa sya makilala, si Nate. Isa syang nakakainis na nilalang sa huling pagkakaalala ko. Ayokong ayoko sa kanya noon kasi siguro naiingit ako, naiinggit ako paanong ang isang katulad nya naniniwala sa konsepto ng pag-ibig. Naiinggit ako kung paano nya tignan ang mundo, lagi ko lang syang nakikitang masaya at walang pinoproblema. Bakit hindi ako naging kagaya mo? Yan ang laging tanong ko sa sarili ko.

Dahil sayo napaisip ako, paano ba mapapamahal sa isang tao? Siguro sa pisikal na kaanyuan kung maganda ba sya o gwapo, hindi naman siguro.

Nagiging masaya na ang mundo ko dahil lagi ka lang nandyan sa tabi ko, sana wag ka ng maalis sa buhay ko. Habang patagal ng patagal nagiging depende na ako sayo, masama bang maging makasarili ako kung ang gusto ko lang naman ay ang lagi kang nasa tabi ko? Unti-unti nagiging ikaw na ang mundo ko, kasama ka sa lahat ng planong bubuoin ko.

Pasensya na hanggang dito na lang kita kayang mahalin, natatakot kasi ako na baka hindi mo ako kayang ibigin. Pagbigyan mo na ako sa ginagawa ko, baka kasi pagnalaman ko pa ang sagot mo para sa nararamdaman ko gumuho ang aking mundo. Salamat ng marami sa iyo nagbago ang pananaw ko sa pag-ibig. Ngayon kaya ko ng sagutin ang sagot sa tanong ko kung paano ba mapapamahal sa isang tao. Napamahal ako sayo dahil sa kung ano ka. Kung paano ka magpigil ng tawa, napapamahal ako sa tuwing ngingiti ka. Hindi, napamahal ako sayo dahil sa ang isang kagaya mo nabago ang mundo ng isang katulad ko ng hindi mo man lang nalalaman.

Isang araw pauwi na sana ako ng makita kita, may kayakap kang iba. May biglang kirot na naramdaman ako sa puso ko ang sakit sobra. Hindi ako makagalaw kahit gusto ko ng tumakbo palayo ni walang boses na lumalabas sa bibig ko kahit gusto ko ng magsisigaw. Kung sabagay, ginusto ko naman to. Ako naman kasi itong tatanga tanga na sinasarili lang ang nararamdaman, kaya wala dapat akong karapatang magalit sa kanya pero may karapatan naman siguro akong masaktan dahil meron akong nararamdaman. Alam mo kung anong nakakainis? Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Alam mo kung anong nakakahiya? Ang makita ako ni Nate na umiiyak. Malas! Ang malas ko talaga! Agad akong tumalikod para magpanggap na walang nangyari. Pagkatapos ng araw na to kakalimutan ko na talaga ang salitang PAG-IBIG hindi para sa akin ang bagay na yan. Malayo layo na din ang nalakad ko ng biglang may humila sa braso ko...

Nate: Bat ka umalis? Alam mo bang tinatawag kita?

Me: Hindi naman kita nakita ah...

And the best liar award goes to me

Nate: Iba ka talaga.

Me: Huh?

Nate: Hindi ko alam kung anong klasing utak ang meron ka.

Me: Ano bang problema mo?!

Nate: Ikaw! Ikaw ang problema ko! Ilang taon na tayong magkasama hindi mo pa rin ba dama na mahal kita?! Bulag ka ba para di makita na lagi lang akong nandito sa tabi mo laging masasandalan mo?!

Me: Bakit sinisigawan mo ako?!

Nate: Baka kasi bingi ka pala! Kaya hindi mo marinig na ikaw lang ang pinagsisigawan nitong puso ko!

Me: (Natulala lang sa mga sinabi ni Nate)

Nate: Ano pipi ka na din, bat di mo ako sabihan ng I love you?

Me: Bakit ko naman gagawin yon?

Nate: Kasi iniisip ko pa lang na hindi mo ako gusto nasasaktan na ako!

Me: Bat ka ba sigaw ng sigaw?!

Nate: Kasi ngayon lang ako nagkalakas ng loob para sabihin to! Wag kang mag-alala bukas kalimutan mo na lang ako!

Me: Gusto mong kalimutan kita ngayon pa kung kelan mahal na kita! Eh g*go ka pala eh!

Nate: Mahal mo na pala ako bat hindi ka nagsasalita?

Me: Bakit ako? Sino bang lalaki sa ating dalawa?

Nate: Eh paano kung hindi pala talaga kita gusto anong gagawin mo?

Me: Eh di mamahalin pa din kita! Paki mo ba eh sa dun ako masaya!

"Pwede ba mag'kiss na lang kayo, ang dami nyo pang satsat eh" sabi nung isang tambay sa kanto. Nakakahiya talaga, hindi ko namalayan na nasa kalsada pala kami gumagawa ng eksena.

Nate: Narinig mo naman ang hiling nila, pagbigyan mo na.

Me: L*tse k

Hindi ko na natapos ano man ang sasabihin ko dahil hinalikan nya na agad ako. Para pang s*ra ulo tong mga tambay nagpalakpakan pa sila.

Simula ng araw na yon naging masaya ang buhay ko, pinaniwala nya ako sa isang bagay na para sa akin ay isang kalokohan. Ngayon sasagutin ko ang tanong kanina, did he ever broke my heart? The answer is YES.

He broke my heart the moment his heart stops beating. He broke my heart when Leukemia beat him up. That is the worst moment in my life. Nag-uumpisa pa lang ang buhay ng mawala ka sa tabi ko. Nung mga panahon na yon hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko, wala akong ibang masisi. Wala akong magantihan para lang gumaan ang loob ko sa sakit na nararamdaman.

Ni hindi ako makatulog ng hindi ikaw ang kayakap ko. Kahit ang simpleng ngiti hindi ko na magawa, ikaw lang naman ang dahilan ng bawat pagtawa ko. Hanggang ngayon binabayaran ko pa din ang line ng cellphone mo para tuwing tatawagan kita maririnig ko ang boses mo sa voicemail, sa ganung paraan kasi pakiramdam ko buhay ka pa din. Totoong walang permanente sa mundo, kasi kahit wala ka na sa tabi ko heto ako lalong napapamahal sayo. Lagi kong binabalikan ang mga lugar na magkasama tayong dalawa, naaalala kasi kita. Kahit ako na lang ang nandito sa mundo, tinuloy ko pa din ang mga planong binuo ko kasama ka. Sayang di mo naranasang tirhan ang bahay na yon, alam kong mahilig kang makatulog sa harap ng T.V. kaya sofa bed ang nandun.

Ma'swerte ka parang bahay ang puntod mo, hinanda ko na yan para pagnamatay na ako tabi na tayo. 64 years old na pala ko at may colon cancer ayokong magpagamot dahil ikaw nga hindi nagamot ng mga doktor ako pa kaya? Hanggang ngayon lagi pa rin akong nagpupunta sa puntod mo tuwing may okasyon, may mga shelf din pala dito. Lahat ng greeting card na binibigay ko sayo nakalagay dito para habang wala ako may binabasa ka. Wag kang maawa kung tumanda akong mag-isa ikaw lang naman kasi ang gusto kong kasama. Ang daya mo, bat kasi inunahan mo ako?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Author's Note:

Click Vote kung nag'enjoy ka sa binasa mo then leave a comment :D I hope mabasa mo pa iba kong stories.

Did He Ever Broke Your HEART?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon