MIRACLE'S POV
Ilang linggo na ang lumipas mula no'ng magkasama kami ni Lev. After that day, maayos naman naming na-negotiate ang Giga Bytes para sa upcoming concert sa PCU. And now, ito na ang pinaka-inaabangan ng lahat.. ngayon na gaganapin ang event.
Kinakabahan ako, paano kung mag-fail ang lahat ng 'to? Paano kung hindi sila masiyahan sa concert na 'to?
"Okay na ang lahat, Miracle. Maayos ang accomodation ng tickets sa mga students. 'Yong may mga intermission numbers, wala naman silang problema. Giga Bytes nalang talaga ang kulang para maging success ang concert na 'to, Pres."
Tumango nalang ako sa sinabi ni Jeremiah. Lahat ng kasali sa student council ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan, na kahit si Lev ay hindi ko pa nagagawang makausap simula kanina pa.
Patuloy ako sa pagsesend ng messages sa manager ng Giga Bytes. Sinisigurado ko lang kasi kung makakarating sila dahil kung hindi ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Hangga't maari, ayaw kong maging palpak ang event na 'to.
Sumilip ako sa labas ng backstage at kitang kita ko ang kasiyahan ng mga estudyante sa mga nagaganap ngayon. Halata sa mukha nila na naaliw sila at naeexcite sa pagdating ng Giga Bytes.
Naubos ang mga tickets na pinagbebenta namin no'ng kumalat sa buong Stem Department na makakasama ang Giga Bytes sa concert. Bale, sila ang dahilan kung bakit maraming estudyante ang sumama.
Medyo nahirapan ako sa pagsingit sa mga tao kaya alam kong nahuli ako sa lugar na pagkikitaan namin ng Giga Bytes. But as my surprise, nakita ko na lamang si Blaire na nasa lugar na 'yon at nakangiti ng mala-demonyo sa'kin.
"So, kamusta naman ang panglalandi sa boyfriend ko? Nag enjoy ka ba?" sarcastic na tanong niya sa'kin.
"Wala akong alam sa sinasabi mo, Blaire." Pagtanggi ko sa kanya. Tinawanan niya lang naman ako at naglakad papalapit sa'kin. "Talaga lang Miracle ha? I never thought na ganito pala kasaya tignan ang taong huli na nga, nagsisinungaling pa."
Hindi ko magawang makasagot sa kanya. Kailan niya pa nalaman 'yong tungkol sa'min ni Lev? Hindi ko tuloy maiwasan na kabahan.
"You think papalampasin ko 'tong ginawa mo sa'kin? No Miracle, be ready to face the consequences."
Kitang kita ko 'yong galit sa mga mata niya. Hindi ko maiwasan na matakot kasi parang ibang Blaire ang kaharap ko ngayon. "What do you mean, Blaire?"
"Why Miracle? Are you afraid na baka mag-fail ang concert na pinaghirapan niyo?" tanong niya na may mala-demonyong mukha.
"Bakit anong ginawa mo, Blaire? Don't tell me.." hindi ko maituloy 'yong dapat na sasabihin ko. Kinakabahan ako. Sana hindi 'yon ang ginawa ni Blaire.
"Kung ano man 'yang iniisip mo, that's a yes Miracle. Marahil ngayon, nag-eenjoy ang mga students sa concert mo.. pero ano kayang irereact nila 'pag walang Giga Bytes na dumating?"
Pinalibutan ako ni Blaire habang binubulong niya ang mga katagang 'yon sa'kin. Walang lumabas na salita sa bibig ko dahil sa kaba. Sa buong buhay ko, ngayon lamang ako kinabahan ng ganito.
"I'm warning you, Miracle. Stay out of our sight! Ayaw kong makita 'yang pagmumukha mong nilalandi ang boyfriend ko. You know me, Miracle. Iba ako magalit. So get lost while I'm still being nice."
BINABASA MO ANG
The Miracle's Faith (COMPLETED)
Spiritual(SPIRITUAL SERIES #4 LOVE OF GOD) "Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not deligh...