Mia

11 1 0
                                    

Tell me, How can someone be so affectionate and selfless yet so reckless and foolish at the same time?

Ang ngiti daw ang pinakamagandang aksesorya ng ating katawan na libreng libreng gamitin. Napakasimple ngunit napakamarikit kung ituring. Ngunit paano kung sa likod ng ngiting iyon, nakatago ang isang nakakapanlumong sakit, hinanakit ng isang nasirang babaeng napagiwanan sa pagibig, sakit na tanging sa ngiti lamang naiwawaglit ng ilang sandali, ng maliit na panahon, sa isa pang pagkakataon.

Ang sabi nila, madali lang ang umibig. Basta mapagunawa ang iyong puso at bukas ka sa mga pagkakamali. Kasing dali ng pagkurap ng mata ang pagkahulog ng loob niya sa lalaking kumakatok sa kanyang puso. Bitbit ang mga katagang, madali lang ang umibig, minahal niya ng lubusan ang lalaking iyon.

Ngunit hindi, hindi kailanman naging madali ang pagibig. Ang mga pinangkakapitan mong masasayang alaala na bumuo ng iyong matibay na tiwala sa kanya ay isa lamang pa lang maskara sa isang hindi maipintang madilim na larawan.

Ngunit sa pagngiti, natuto ka na magkunwari. Umaasang matatakpan lahat lahat ng hapdi. Kaya mo pa namang tumayo sa kabila ng mga kasinungalingang naglulunod sayo pababa, paluhod, nagmamakaawa. Sa kabila ng lahat ng iyon, Buo parin ang iyong loob na magagamit mo ang iyong ngiti bilang sandata sa pagiibigang nadala na sa gera.

Ngunit hanggang kailan mo kayang lokohin ang iyong sarili sa likod ng iyong ngiti? Hanggang kailan ka magkukunwari? Kung ang iyong iniibig ang siya na mismong naglalaro sayo?

_____

Copyright © 2019 by OfficialDimasalang
All rights reserved.

This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are the product of the author's imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locales is entirely coincidental.

No part of this book may be reproduced in any form, except for the inclusion of brief quotations in a review or article, without written permission from the author.

Mia [SS i.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon