"Uh kapagod"

Bumagsak ako sa sofa at doon nahiga. May kanya kanyang lakad ang dalawa kong mababait na kuya ngayon, sa sobrang bait, iniwan nila lahat sa akin ang mga gawaing bahay. Naglinis, nagayos, nagdilig ng mga halaman, pinaliguan yung aso namin, naglista ng mga kailangan na bilihin, at inayos ang mga dapat labhan.

Nakakapagod. Nakatingin lang ako sa puting ceiling at humihinga ng malalim.

Teka, anong oras na ba?

Umupo ako at tumingin sa orasan na nakasabit sa may pinto.

9:18

Great. I let out a long sigh and drag my own body up to my room. I need to take a bath.

Pagkatapos kong maligo, magtoothbrush at maglagay ng moisturizer sa buong katawan, pumili na ako ng isusuot.

Halos dress lahat ng mga panlabas ko. Mahilig kasi ako sa bistida at mahilig naman si mama na pagsuutin ako nito.

Kinuha ko ang color peach na long sleeves ko na dress. Simple lang iyon. Yung sleeves ay umaabot hanggang siko lamang. Hindi mainit ang tela at sakto sa panahon na ito. Napagdesisyunan ko na ibraid ng fishtail ang buhok ko tutal madali lang naman ako magayos sa katawan.

Mas lalo akong pumuti dahil sa kulay ng damit ko. Kinuha ko na lamang ang platform sandals ko at shoulder bag.

9:52

Nagpaalam na ako kanina kila kuya na kailangan kong pumunta kila Kenji para sa mga dapat ayusin para sa nalalapit na festival of talents.

Lumabas na ako ng bahay at nilock ang pinto. Nakita ko ang aso namin na nabuhayan nang makita ako. Lumapit ito sa akin at humingi ng atensyon.

Nilagyan ko ng tubig ang pagkainan niya para may inumin siya mamaya. Darating sila kuya mamayang before lunch kaya sigurado namang may makakain ito.

"Sorry doggy if your owner cant take you on a walk today"

Hindi ko na pansin na nandyan pala si Kenji. I pet our dog one more time and moved to see him.

Oh no.

"Did you know that I hate riding on motorcycles"

He is using his big bike again. Nasakyan ko na iyan isang beses noong naabutan na kami ng gabi sa school. Ayoko sanang sumakay at balak kong magpasundo nalang sa dalawang kuya ko o kaya kay Tyler pero wala na akong kasamang maghihintay doon kaya paniguradong maiiwan ako doon magisa habang hinihintay ang mga maaaring magsundo sa akin. Gabi na at madilim narin kaya hindi ko mapili na lakarin nalang ang daan papuntang bahay.

Sabi ng guro na paalis narin noong oras na iyon, ihatid nalang daw ako ni Kenji. Parehas kaming dalawa na sabay na tumanggi. Una, ayokong sumasakay sa motor, pangalawa, wala pa raw isinasakay na babae si Kenji at ayaw niya raw ng may inaangkas. Pero sa huli, siya pa rin ang naghatid sa akin. Mabuti naman at wala namang nangyaring masama sa amin. Ang importante parin noon ay nakauwi kami ng ligtas.

"Yeah"

"So why use your motorcycle?"

"Because I can"

Napairap nalang ako sa sagot niya. Lumabas na ako ng bahay at lumapit sa kanya. Inabutan niya naman ako ng helmet. Mas lalong ayokong sumakay dahil nakadress pa ako.

"I think I'm capable of walking. Just tell me the direction and---"

"Get on"

At iyon na nga, wala akong magawa kundi isuot na lamang ang helmet at umangkas sa likod niya. May tiwala naman ako sa pagmamaneho ni Kenji eh, pero wala akong tiwala sa sarili ko dahil malamang sa malamang nakakatakot na mahulog dito habang mabilis na tumatakbo ang motor.

Mia [SS i.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon