Chapter 2°°I want his absence

17 6 1
                                    

Escie's POV

5:19pm

Kakapagod naman sa school, but, may napansin ako kanina habang wala si Dish, naging tahimik ata si Paul. Si Paul. Isa siyang hunk dito sa school. Di kami classmate pero close kami kasi nga pinsan ko siya. Tatlong magkakapatid ang Dad ko, si Prin. Feldo Sy, tsaka sina uncle Matthew Sy at ang Dad ni Paul, si uncle Billy Sy, ang may-ari ng 'Billy-Belly Phil. Resto'.


Napansin kong tahimik si Paul kanina, nang kumain kami sa canteen. Minsan kasi, nakakabwesit siya, kapag kasama ko sina Dish at Alyssa, umaalis si Dish kasi baka laitin na naman niya. Tapos imbes na pangbabae ang pag-uusapan namin ni Alyssa, di natutuloy kasi sasabat si Paul. Naman, eh sa kanya nakikinig yung babaeng yun, kasi pinakikilig niya, binobola. Pero nagbago siya kanina, panay ang tingin sa paligid. For what I know, si Dish lang and binubully niya, naawa na nga ako Kay Dish eh.

Ang di lang nagbago sa kanya ay parati parin siyang tulog sa klase, sabi kasi ni Dad may nagreport daw na teacher sa kanya na may natutulog sa klase niya kanina, at walang iba kundi ang pamangkin ng Principal. Ano bang pinagpupuyatan netong batang to?? Nag-iisip ba siya ng crush? Yayyss pero kaya naman niyang bayaran grades niya habang natutulog.

1st time yata umabsent ni Dish kanina. Like ano naman kayang reason niya?

Naging bestfriend ko si Dish Simula nung bumisita ako kay yaya sa probinsiya. Magkapit- bahay kasi sila nun, 9 years old palang kami nung araw. Natutuhan ko ring mamuhay ng simple dahil sa kanya. Naging playground naming dalawa ang farm ng tatay niya. Natapos din and bakasyon at umuwi na 'ko sa Manila para mag-aral.

Ako din and nag-invite sa kanya para dito mag-aral ng Grade 10 at SH, di nya ako natanggihan kasi nag-offer ako ng tulong. Kaso di ko sya na-inform tungkol kay Paul.

-Time Skip-

Ashley's POV
6:12 am

Kahit wala na'kong alarm clock, nagising parin ako ng maaga dahil tawag ni Escie. Ano ba kasi?

[Hey, anung pakay mo Escie??]

[Look, ba't ka umabsent kahapon, may nangyari ba sayo?]

[Ahh, wala naman..]

[So, ano nga ang dahilan?]

[Escie... Wag na, nakakahiya.]

[What?? Wag ka nang mahiya, wala naman dito si Paul]

[Key..late na kasi ako nagising kahapon..]

[Yun lang di kana agad pumasok?]

[Sabi ko nga sayu diba ? Nakakahiya ang dahilan ko.]

[Concern lang naman ako.]

[ key salamat sa concern mo.]

°Off °

-Time Skip-

Nang matapos nakong maghanda para pumasok, lumabas agad ako ng kuwarto at nakita si tiyang strikta na nagbabasa ng dyaryo, habit nya yan.

Natatakot ako baka mahuli na naman ako sa klase kaya para di abutan ng sermon nya, sa kusina ako dumaan para di nya mapansin. May pintuan sa kuwarto ko papuntang kusina kaya dun nalang ako dumaan.

------------------------------------------------------

Hay sa wakas nakalabas din, at papasok na naman sa isang hamon. May padating na taxi, wow nakaglass pa si manong ha, yung driver na kumakanta-kanta kapag nakikinig ng radyo sa taxi niya. Pumara ako kahit nasa malayo pa.

Huminto sa tabi ko ang sasakyan niya.

"Manong, sa......"

Bago ko pa matapos ang sasabihin ko sumabat siya.

"Sa Mendez-Sy University kamo? Kabisado ko na yan."

"Ahh,, oo po manong, dun po talaga."

"Sigurado ka bang sasakay ka sakin? Kay gandang bata ito, maamo and mukha at tindig tapos sa taxi lang sasakay? Nu ba yan, pasensiya na po pero wala akong maisusukli sa 1000 nyo. Barya lang po sa umaga- naka sulat dito."

"Naman manong, dami na'ng sinasabi nyo, ako mayaman? Purke ba't nag-aaral dun mayaman agad? Tsaka, wala po kong ganyan kalaking pamasahe."

"Aa..akala ko ba .."

"Wag na manong, CALLA nyo lang yun.!"

"Sige sakay ka na..."

"Si manong..."bulong ko habang sumasakay.

Nakakagood vibes any music in manong driver. Malayo-layo pa and school kaya naenjoy ko ang music.

-Time Skip-

Hay..naka-abot narin.

" oh manong wala na pong sukli yan ha..sampong piso lang ho yan di isang libo."

"Tsst.." Tanging response niya

Nang nakaalis na si manong, lumingon ako sa malaking gate ng University. Huminga ako ng malalim kasi panibagong kalbaryo na naman to para sakin. Sana naman absent siya.

Sino pa ba? Ede yung mokong na Paul na yun.

Nakks naman! Nalimutan kong dalhin ang envelope ko. Maliit lang yun pero nandon lahat ng photo copies ko. Di bale na, tatandaan ko nalang ang mga pinag-aralan ko. Ang tanga ko talaga oh, nalilimutan pa ang importanteng bagay. Eh yung baon kong kanin baka...

Binuksan ko nalang ang Grey kong shoulder bag na nabili ko sa UK...ukay-ukay. Pero maganda din naman para narin akong mayaman nito. At salamat naman at nandito baon kong kanin. Sa loob ng room ako lang yata ang nagbabaon ng tanghalian , kasi nga hirap ako sa budget para bumili pa dun sa mamahaling canteen.

The VigilantWhere stories live. Discover now