Chapter 3

0 0 0
                                        

Nagising ako na malakas ang ulan para bang ang sarap hindi pumasok.

Summer ngayon pero umulan, siguro dala na rin nang napakainit na panahon kaya bumagsak ang ulan.

Bumaba ako at dumiretso sa kusina at nakita ko ang tatlo kong kapatid na kumakain. Dumating na pala sila galing bakasyon. Hindi ako nakasama dahil sa review ko.

"Anong oras kayo dumating?" Tanong ko sa kanila havang papaupo ako.

"Kaninang 5:30 ata, ate?" Sagot ni Ava yung sumunod sakin.

"Nasaan sila Kuya Gil?" Sunod kong tanong.

"Naiwan dun sa palawan." Sagot naman niya ulit.

Bale anim kaming magkakapatid, pangatlo ako at unang babaeng anak tas sumunod sakin puro babae na. Dalawa ang kuya namin, parehas na silang may pamilya.

Galing silang palawan para magbakasyon at tumingin ng bagong bahay nila Kuya Gil kahit may bahay naman na kami dun.

Biglang tumunog yung phone ko, nakita kong nagtext si Linus sakin. Sinabi niya na susunduin niya ako.

Bago pa ako makapagreply biglang sumigaw si Chloe na nandiyan na si Linus. Si Chloe ay pangalawa sa bunso.

"Ate, boyfriend mo ba si Kuya Linus?" Tanong sakin ni Ava.

Tinignan ko siya ng masama at sinagot. "Hindi, okay?"

Narinig kong nag-good morning si Linus kay Mama.

"Jenny, pakibigyan mo nang plato 'tong si Linus para kumain bago pumasok." Sabi ni mama sa kasambahay namin.

Tumabi sakin si Linus.

"Good morning, girls." Sabi niya sa tatlo na may accent ang boses. "Good morning din sayo Miss Grumpy." Pagtutukso niya sakin pero hindi ko siya pinansin.

"Nasaan nga pala si Tito?" Pagtutukoy niya kay Papa.

"Nag out of town kuya. May inayos lang ata?" Sagot naman ni Mia. Yung bunso kong kapatid.

Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanya dahil pumunta na naman siya dito sa bahay nang walang paalam. Wait, nagpaalam siya pero on the way na siya nung sinabi niya sakin. Buti nalang umuulan ngayon kung hindi maiinis talaga ako sa kanya.

Nang matapos akong mag-almusal dumiretso ako sa kwarto ko para ayusin ang bag ko pati na rin ang mesa ko. Well, medyo magulo ang kwarto ko kasi hindi ako nakapag-ayos bago ako nakatulog.

Bago ako matapos sa ginagawa ko biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Yes?" Sabi ko habang pinapasok ang gamit ko sa bag.

Bago pa ako lumingin sa pintuan ko, bigla nang humiga si Linus sa kama ko at nilaro ang pusa kong si Nala.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. "Bawal ka dito." Pagpapatuloy ko.

Pinalaki kami nang mga magulang ko na walang pwedeng pumasok sa kwarto naming lalaki at babae naman kanila kuya maliban nalang kung relatives namin o same kaming babae. That is strict rule.

"Well, pinayagan ako ni Tita." Pagmamayabang niya.

Hinayaan ko malang siya tutal pinayagan naman daw siya.

"Ang sarap matulog sa higaan mo. Pwedeng patulog dito mamaya?" Tanong niya habang nakangiti sakin.

Tinignan ko siya ng masama.

"Di porket pinayagan ka, aabusuhin mo na. May isang kwarto pa diyan, dun ka matulog." Pagsusungit ko.

"Talaga?" Masaya niyang sabi at tumakbo pababa. "Hintayin kita sa baba. Kakausapin ko lang si Tita." Sigaw niya sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My One and Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon