Uno.

0 0 0
                                    

RHAINE'S POV.

I'm Rhaine Lee. 16 years old. Grade 12 ABM student. Maingay pero mahilig mapag-isa. Easy go lucky pero may pagkasuplada. Matalino pero tanga. Isa lang naman akong simple-este-abnormal na studyante, may mapagmahal na boyfriend, may matataas na grado at bilang na kaibigan. Kung tutuusin wala naman sana akong mabigat na problema.. kaso nabago ang lahat..

-------------

Maaga ako ngayon sa school kasi may assignment kami at nakalimutan ko yung sa akin kaya gagawin ko habang wala pa yung teachers.
Saktong patapos na ako nung biglang dumating yung seatmate ko na takas sa mental.

"Ui Rhaine.  Assignment ba yan?? Pakopya naman ako oh." Sabi ni Brix habang nakangisi sa akin.

"May magagawa pa ba ako? Oh."

Sabay abot sa kanya nung assignment ko. Nasanay na akong nagpapakopya sa kanya. Sa katunayan Source minsan ang tawag nya sa akin, pag exam lagi kaming magkatabi nyan. Dakilang mambubuso yan eh, naninilip ng sagot. Close kami nyan dito sa room, sya lang ata kaibigan ko sa room eh--

"Uyy assignment!  Pakopya din ako sungit ha??"- sabi nung kararating lang na si Harold at umupo na agad para mangopya.

Dalawa pala sila. Dalawa sila na kaibigan ko sa room namin. Si Harold sungit yung tawag sa akin ewan ko kung bakit. Pero mas close kami nyan eh. Weird di ba?? Ganun talaga. Atleast pag lalaki kaibigan mo alam mong hindi magkukwento ng masama tungkol sayo.

"Mga kupal. Ano bang ginawa nyo kagabi at di kayo nakagawa ng assignment? "- ako.

"Nalasing ako kagabi." -Brix. Habang patuloy pa rin sa pangongopya. Gago talaga to. Alam nya na may pasok umiinom pa din. Lasenggo talaga.

"Gago. Haha ibang bahay yung inuwian mo 'no?? May babaeng nag-uwi sayo! Haha." Pantitrip ko sa kanya.

"Nakalimutan mo na agad? Di ba pinagod mo ako kagabi?"- si Brix sabay kindat sa akin.

0_0-----> Me.
^_^-----> Harold.
^_~-----> Brix.

Bwesit na Brix Kyle Lim!!

"Yyyyyiiieee ikaw Sungit  ah.. may tinatago kayo sa akin."- sabi ni Harold na may pasundot sundot pa sa tagiliran ko.

"Heh.! Tumigil ka nga. Wag kang mag-alala Harold Bhabe. Mahal pa rin kita. Wag ka ng magselos." Sabi ko naman kay Harold. Aba!  Hindi naman ako payag na ako lang yung napagtitripan. Kung di ko kayang gantihan si Brix..ipapasa ko kay Harold. Bwahahaha. Pag si Brix kasi pinagtitripan ko lagi akong talo eh.

"Baliw." Sabi ni Harold sabay gulo sa buhok ko tsaka nya pinagpatuloy yung pangongopya sa assignment ko.

Haiist. Deadma naman Pantitrip ko sa kanya. Kainis.

"Ikaw kupal ka! Pinagtitripan mo na naman ako!" Sabay hampas sa Braso ni Brix.

"Aray naman!  Haha ikaw naman naunang nantrip ah?? ." Sabi nya habang hinihimas yung nasaktan nyang braso.

"Heh. Dapat lang yan sayo. Bleh." Ako.

"Haha parang timang. Sige na. Labas na muna ako. Pakisubmit na lang yang papel ko ha?" Sabi ni Brix habang tumatayo na para umalis.

"Kupal. Ginawa pa akong utusan." Sabi ko naman habang pinapanood syang lumabas ng pinto.

"Ayos lang yan sungit haha. Heto oh.. wag ka na sumimangot dyan." - sabi ni Harold sabay abot sa akin ng Chocolate.

Woowww.. Ferrero.. ang sweet talaga ng lalaking to pag binibigyan ako ng pagkain hahaha. Lagi na lang sya yung nagco-comfort sa akin eh. Pag wala si Brix, kami lagi yung magkatabi nito eh. Lagi nya akong kinukulit at pinapatawa. Kung minsan pa kinikopyahan nya ako ng mga notes pag tinatamad ako haha.

"Naksss. Salamat Tol.!" Sabi ko naman sabay suntok ng mahina sa braso nya kaya natawa sya sa akin.

Humarap na lang ako sa bintana at nangalumbaba  tutal nasa tabi ng bintana yung upuan ko..
Haissst. Buhay parang life. Ang boring naman..

----

HAROLD'S POV

Napangiti na lang ako at napailing-iling habang tinitignan ko si Rhaine. Lagi na lang syang Pinagtitripan ni Brix. Well, pinagtitripan ko din naman sya pero in the end ako yung mas pinagtitripan nya. Sungit ang tawag ko sa kanya kasi sinusungitan nya ako palagi.

Ako pala si Jan Harold Ferrer.  Classmate ni Rhaine, at kaibigan din ata? Ewan ko. Wala kasing masyadong ka-close si Rhaine sa loob ng classroom namin. Kami lang ata ni Brix ang kaibigan nya sa room eh.

~Flashback~

Katabi ko ngayon si Rhaine na abala na naman sa sketch pad nya. Marunong kasing magdesign ng mga gown si Rhaine kaya yun yung libangan nya sa room kapag wala pa yung teachers. Ewan ko ba kung bakit nag ABM pa sya eh pwede naman syang maging designer.

"Uy sungit."

"Oh?" Sagot nya habang nakatutok pa rin sa ginuguhit nya.

"Magkaibigan kayo nina Maine diba?"

"Ha? Hindi ah."

"Ha? Eh di ba palagi kayong magkasama?"

"Iba ang sinasamahan lang sa kaibigan."

"Ha?"

Lumingon sya sa akin, "Ang kaibigan yun yung taong hindi ka ginagawan ng kwento kapag nakatalikod ka. Yun yung taong hindi ipagsasabi yung sekreto mo sa kaaway mo. Yung kasakasama naman yun yung taong sinasamahan mo lang dahil kailangan."

"Kung ganun nakikipagplastikan ka lang sa kanila?" Naguguluhan kong tanong.

"Hindi ako nakikipagplastikan dahil hindi ko naman pinipeke ang mga pinapakita ko sa kanila. Hindi ko pinapakitang gusto sila kahit hindi naman talaga. At isa pa, sila naman ang nagpapasama sa akin eh. Sadyang mabait lang ako."

"Ahh.. Bakit wala kang ka-close na babae dito sa room?"

"Dahil ayoko ng mga kaibigang panandalian lang."

"Paano mo naman nasabing panandalian lang?"

"Dahil karamihan sa mga kaklase natin mangagamit. Naalala mo si Jonas? Sinubukan nya akong kaibiganin para lang may gumawa ng mga project nya. Si Morris? Niligawan nya ako para lang may mahuthutan sya ng pera. Si Maine? Gusto nya ako palaging maging partner sa mga activity na absent sya." Mahabang paliwanag nya sa akin saka nya ipinagpatuloy ang pag guhit nya.

~End of Flashback ~

Kaya minsan napapahanga din ako sa paraan ng pag-iisip nito eh. Madalas kakaiba sya mag-isip.

"Uy! Lunch na! Dito ka lang ba?" Untag sa akin ni Rhaine. Lunch na pala di ko man lang namalayan.

"Bakit? Papakainin mo ba ako sa apartment mo?" Nakangisi kong sabi sa kanya.

"Ulol. Haha bawal ka nga doon. Bawal lalaki dun."

"Lalaki din naman yung kaibigan mong bakla ah?"

"Heh. Babae yun wag kang ano."

"Pero may ano din naman yun kagaya naming mga lalaki. May bukol din sya sa---"

"Hoy! Ang laswa mo! Anong bukol ka dyan??!" Sigaw nya sabay hampas sa braso ko. Mabigat pa naman kamay nya.

"Aray! Bukol sa lalamunan! Adam's Apple! Ano pa iniisip mo?" Sabi ko habang hinihimas yung braso ko. Ito talaga napaghahalataang berde ang utak eh.

"Linawin mo kasi!"

"Eh pano hindi mo ako pinatapos mag salita!"

"Ewan ko sayo! Dyan ka na nga!" Sabi nya sabay martsa paalis.

Baliw talaga ang babaeng yun. Ang halay din ng utak eh hayyyss. Makaalis na nga.

"Right Love. Wrong Time."Where stories live. Discover now