Tres.

0 0 0
                                    

RHAINE'S POV.

Ilang buwan na ang lumipas, di ko namamalayan December na. Christmas Party namin bukas hayy.. sina Brix at Harold ayun mga kupal pa rin. Ako na lang palagi ang pinagtitripan.

"Hoy mga kupal! Regalo ko bukas ah??" Sigaw ko sa kanila habang naglalaro kami ng tong its. Oo ganun talaga mga alamat kami eh. Nagdadala ng baraha sa school para lang maglaro ng tong its.

"Wala akong pera."- sabay nilang sabi.

"Mga kuripot!" Sabi ko sabay tapon ng 5 of hearts.

Kinuha naman ito ng Brix kasi meron pala syang 3 at 4 na hearts. "Nga pala Harold, sama ka ba mamayang gabi?" Pag-iiba nya ng usapan sabay tapon ng 8 of speed. Gago talaga.

"Di ko alam eh. Baka meron mamaya si Dad .. Di ako makakalabas." Sagot naman ni Harold habang bumubunot at bigay sa akin nung 10 of diamonds. Kinuha ko naman ito saka nilapag ang apat na 10, nilagay ko din yung 6 at 7 of hearts sa 3,4,5 ni Brix sabay tapon ng Alas.

"Tong it!!" Sigaw ko habang pumapalakpak pa.

"Hayy talo na naman." -harold.

"Hah! Mga walang binatbat! Bwahahaha." At dinuro-duro ko pa sila.

"Pinagbibigyan ka lang namin haha" -Brix.

"Ang yabang nito! Sapakin kita dyan eh." Sabi ko sa kanya habang inaambaan sya ng sapak. Patawa-tawa naman sya habang lumalayo sa akin. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko tutal tapos naman na ang klase namin.

"Mga kupal uwi na ako!! Ingat kayo pauwi. May lakad pa ako eh." Sabi ko sa kanila. Aba ang mga loko ni hindi man lang ako tinignan. Kinawayan lang ako na parang pinapaalis. Mga gago talaga.

------

"Bhabe, di ba sinabi ko naman sayo na may lakad ako mamayang gabi?"

(Oo nga pala, sino ba ang kasama mo mamaya?)

"Kasama ko si Renmar Bhabe."

(Sige bhabe, uwi kayo ng maaga ha?)

"Oo na, sige bhabe mag-aayos pa ako."
(Sige, iloveyou bhabe.)

"Iloveyou too. Bye."

"Grabe talaga yang jowa mo kailangan alam nya lahat eh no?"  Sabi sa akin ni Renmar pagkababa ko nung tawag.

"Eh ganun talaga. Ewan ko din."

Sabi ko na lang din sa kanya kasi wala talaga akong alam na sagot. Si Renmar yung kaibigan ko na green ang dugo. Nagsimula yung pagkakaibigan namin nung Grade 11.

"OA naman masyado ng boyfriend mo, baka mamaya papasundan pa tayo." -Renmar habang abala sa paglalagay ng kolorete sa mukha nya.

"Hindi naman siguro. Mag-ayos na nga tayo para makaalis na tayo." Sabi ko na lang.

Sa totoo lang,nasasakal na din ako sa boyfriend ko. Lahat kasi ng galaw ko gusto nya sabihin ko sa kanya, maski yung simpleng bagay gusto nya alam nya lahat. Kulang na nga lang pati bilang ng buhok ko alamin nya eh. Sinabi ko naman sa kanya noon na nakakasakal na yung ginagawa nya. Nangako naman sya na magbabago sya kaso wala talaga eh. Wala akong nakikita na pagbabago man lang. Tulad na lang ngayon, sa simpleng pagsama ko kay Renmar sa Park kailangan may time limit. Nakakainis na din minsan. Kaya di ko masisisi si Renmar kung sinabi nya na OA si Reggie, yung boyfriend ko.

Hindi ko kaedad si Reggie, 23 na sya samantalang 16 pa lang ako. Nakilala ko sya dahil sa tita ko. Gwapo si Reggie, mabait at maalaga kaya nahulog yung loob ko sa kanya.  Kaso minsan nakakasakal na talaga sya. 1 year  and 2 months na yung relasyon namin. Siguro nga isa yung edad sa mga rason kaya minsan magkaiba kami ng pananaw sa buhay. Gusto nya kasi seryoso sa lahat ng bagay samantalang ako gusto kong maglibang naman paminsan minsan. At nakakainis din pag lagi nya akong sinasabihan na bata pa ako kaya hindi ko naiintindihan ang lahat.
Oo bata pa ako pero hindi ibig sabihin hindi ako marunong umintindi.

"Oh ano? Nakaayos ka na ba? Bakit nakatulala ka dyan?" Sabi ni Renmar sa akin habang naglalagay ng lipstick.

"Ay sorry! Oo nakaayos na ako." Simpleng jeans at tank top na pinatungan ko ng jacket ang damit ko. Naka sapatos lang din ako. Naglagay din ako ng compact powder sa mukha saka magic lipstick.

"Ay, girl pahiram pala ako nitong shoulder bag mo ha?" Sabi niya sa akin habang pinapakita yung bag ko na kulay blue na may stripes ng black. Bigay yun sa akin ng Mommy ko galing Baler, Aurora.

"O sige. Dalian mo na nga." Sabi ko na lang. Dali-dali naman nyang pinaglalagay yung mga gamit nya sa bag.

"Tara!!"

------

"Right Love. Wrong Time."Where stories live. Discover now