THE LIST [ One Shot ]

824 17 12
                                    

"Stalker ka talaga...tsss" bulong ni Mel sakin. Mel is my bestfriend kaya sinasakyan niya lahat ng trip ko. 

"Stalking? That's not what I'm doing. I'm just following my dreams!" mahina kong sagot sa kanya  Yep..that's right. and that's exactly what I'm doing right now in the library. 

Hindi ko naman sinusundan si Slater kahit saan... of course sa CR hindi ko siya pwede sundan no... saka sa bahay nila. Pero ngayon, dahil nasa library sila ng kaibigan niyang si Jake eh di ko syempre pinalagpas ang opportunity kaya heto ako nakaupo sa table sa likod ng table nila. Ka-back to back ang upuan ni slater. Si Mel naman nasa harap ko, may nakapatong na pile of books sa harap niya para di siya makita nila slater.  

"Every move you make. Every bond you break. Every step you take. I'll be watching you" Yan ang motto ko pagdating kay slater. Eh kasi naman matagal ko na siyang crush. Ay hindi lang crush.. love ko na ata eh.. 2 sems na kaming classmates sa speech 1 and 2. Engineering ang course nila nung Jake habang kami naman ni Mel eh Tourism. Friends naman kami niyang si slater eh... mabait yan sakin, gentleman pa...yun nga lang hindi niya alam na sinisinta ko siya at na sinusundan ko siya mapa-gym man o simbahan. In short, sa speech class lang kami nakakapag-interact. :( 

Tahimik na nag-susulat si Slater at Jake nung una pero maya-maya eh nagsalita na si Jake at sakto lang ang volume kaya dinig ko. 

"Dude, eto ang list ko ng mga hot and beautiful girls dito sa campus na pwede kong ligawan ngayong sem..sigurado isa diyan mapapasagot ko"

"Kapal mo bro..  patingin nga" dinig kong sabi ni slater, sumilip ako sa likod ko at nakita kong inabot ni jake kay slater yung papel.

"Hmm.. ano ba criteria mo sa mga nilagay mo dito?" tanong ni slater..

"Basta maganda, mabait, matalino saka mukhang fun kasama..basta.. girlfriend material"

"number 1 mo si sam... yung model na HRM ang course?"

"Oo, bakit ba..ang ganda niya eh sobrang sexy pa"

"Sabagay tama ka nga diyan.." sang-ayon ni slater... aba't nagagandahan at nasesexyhan pala siya sa babaeng yun.. maka-flying kick nga ang sam na yun

"Number 2... si denise? eh diba ex mo yan?" tanong ni slater

"Oo..pero malay mo pwede pa kami magkabalikan" sagot naman ni jake kay slater

"Number 5 si Melissa? Yung sa Tourism? Yung bestfriend ni christine na classmate natin sa speech?"

"Oo.. hot nun.. tas ang puti parang labanos"

"Gago ang manyak mo" Natatawang sabi ni slater

Sinilip ko si Mel sa likod ng mga libro. Nagpipigil ng kilig. Aba, si Jake ba naman eh sinali siya sa List ng mga gusto niyang ligawan. Alam ko naman crush din ni Mel si Jake eh kaya payag siyang sundan sundan ko si slater para maka-sunod sunod din siya kay jake niya.

"Teka Teka... pare Si Christine number 9?" Parang gulat na sabi ni slater. Kahit ako muntik na ko mahulog sa upuan ko eh pero biglang nagsalita ulit si slater " Burahin mo nga siya diyan pare"

"Bakit naman eh fit na fit naman si tin sa criteria ko"

Obvious ang pagkairita sa boses ni slater "Ano ka ba pare hindi siya bagay diyan"

Aba, epal nitong si slater ah.. nahuhurt na talaga ko.. maganda naman ako ah saka sexy saka matalino.. so para pala sa kanya hindi ako girlfriend material :( 

"Ano bang problema, di ko yan buburahin"

"Edi ako magbubura.. "  kinuha ni slater ang papel at nilagyan ng malaking X yung pangalan ko. 

Hindi ko na napigilan.. humarap nako  ng tuluyan sa kanila, medyo napalakas pa nga ng onti boses ko buti nalang malayo yung librarian samin "Ano bang problema mo slater? Kung sa palagay mo hindi ako girlfriend material.. opinion mo yun pero pakelam mo ba kung kasali ako sa listahan na yan eh hindi naman ikaw ang manliligaw sa mga babaeng nandyan"

Nagulat si slater at jake dahil nandun pala ko. Pero agad din naman silang nakabawi. Mas nauna lang si Jake. "Uy.. tin! Mel! andyan pala kayo..hehe"

Si slater naman mukhang nalungkot. "So gusto mo talagang ligawan ka ni jake?"

Napatanga ko sa tanong niya. Si jake naman nakita kong tumatawa tawa lang. Ayoko naman ligawan ako ni jake noh. Syempre gusto ko si slater ang manligaw sakin. Siya nga inii-stalk ko eh.. oops.. di nga pala ako stalker. :p 

"I don't think that you're not girlfriend material Christine.. in fact... nasayo lahat ng katangian ng isang perfect na girlfriend.. pero hindi girlfriend ni jake kundi.... girlfriend ko"

Whuuut?? as in whut did he just say? Girlfriend niya? Whutizdameaningofthizz?!! "a-anong ibig mo sabihin?"

"Di ko naman binura pangalan mo sa list na yan kasi I think na hindi ka deserving.. binura ko kasi you don't deserve to be in the 9th spot. Kasi sa List ko.. ikaw ang number 1 at wala nang kasunod"

Napangiti ako. I never dreamed na aamin si slater ng feelings niya for me dahil lang sa listahan ni jake at sa library pa talaga. 

"Eh loko ka pala eh..gusto mo din pala ko pinahirapan mo pa ko sa pangsstalk sayo. Ayy..di nga pala ko stalker.. I'm just following my dreams... sabi kasi ng mama ko sundan ko daw ang pangarap ko eh.. at yun nga... ikaw ang pangarap ko."

"Girl, ang corny nun! Nakakahiya!" bulong ni mel pero dinig din naman nila slater at jake

"You know what mel, nainspire naman ako dito kay slater...kaya sige.. ikaw nalang number 1 ko" nakakalokong sabi ni jake

"Okay.. ang list naman na yan eh yung mga liligawan mo diba? Hindi naman ibig sabihin sasagutin ka"

"Tsskk.. wag kayong mang-agaw ng spotlight...moment namin to ni slater" saway ko kay mel at jake

"Tara na nga tin iwan na natin yang dalawang yan para sila naman magka-developan" nakangiting hinawakan ni slater ang kamay ako at tinayo ako

"San naman tayo pupunta?" 

"Magde-date.... unless gusto mo pa rin ibalik pangalan mo sa pesteng listahan ni jake at hintayin na makarating siya sa number 9" naka-pout na sabi ni slater. You're so cute slater...I want to pinch your python.. oops... cheeks pala :) 

Napangiti ako, seloso pala ang isang to. "No, okay na sayo.. ikaw nalang ide-date ko.. araw-araw hapon-hapon gabi-gabi" medyo pasigaw kong sinabi..mabuti talaga malayo yung librarian samin.. yumakap pa ko sa kay slater habang sinasabi ko yun.

Natawa nalang si slater at hinalikan ako sa...

....

 ....

....

....

Sa cheeks malamang. Kakaamin palang sa lips na agad? Aba,, saka na yun.. sa mga third date namin.. so malamang sa isang araw na yun! :) 

-Nang makaalis na si slater at tin para magdate eh naiwan naman si mel at jake. Lumipat si jake sa table ni mel. 

"Oh ano diba sabi ko sayo effective? Napaamin ko din si slater"

"Oo nga eh.. galing..kala ko di eeffect.. mabuti nalang kinuntsaba mo ko dito para mapaamin sila sa isa't isa kung hindi forever nalang kami mangsstalk ni tin sainyo.. oops kay slater lang pala"

"Ako din no... sawa nako makita si slater na nakatitig lang kay tin tuwing nasa speech class tayo tapos puro small talk.. then pag kami nalang magkasama tulala na..in-love ang mokong eh"

"But it's sweet...really. What you did for them... and now..they will finally be happy together"

"Psst..Mel.. seryoso yung sabi ko ah.. kung gusto mo ikaw nalang number one sa list ko..para double date tayo palagi" kumindat pa si Jake kay Mel

"Heh!" saway naman ni Mel kay Jake, naglakad na siya palayo na may matamis na ngiti sa mukha

<3 Thanks For Reading!!! :D

THE LIST [ One Shot ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon