Logan
"Iilang mga mutated patients mula sa IGOR Laboratory ay nababalitang nakapasok sa timog na parte ng ating bansa dahil isa sa mga kinikilalang scientists na responsable sa IVAC-P51 virus na nasasabing nakakapag-mutate ng mga tao ay isang Pilipino, at ito ay si Dr. Jedidiah Jacobs na nababalitang apektado rin ng nasabing virus. Patuloy na inoobserbahan ang lugar na sakop ng nababalitang dock o pantalan na maaaring nadaungan ng sinasabing bangka na ginamit ni Jacobs. Sa kabila ng lahat, patuloy ang biglaang pagkalat ng mga pasyente ng IVAC-P51 virus sa iba pang mga bansa katulad ng China, Russia, at US dahil sa biglaang emergency retreat ng mga tauhan ng IGOR Laboratory, ngunit wala pang pahayag ang nasabing laboratoryo sa kaganapan na ito. Sa 'di inaasahang-"
"Patayin n'yo nga 'yong TV, 'te. Nakakasira ng mood 'yong Bandila," sabi ni Maverick. Dahil sa sinabi n'ya, agad na pinatay n'ong nagbabantay ng karinder'ya 'yong TV.
Nandito kami ngayon dahil lagi kaming tumatambay dito tuwing Linggo para kumain at uminom ng onti. Tumatakas lang talaga kami palabas sa dorm kasi anong oras na ba, mag-aalas-dos na ng hattinggabi. Gusto lang talaga naming magtanggal ng stress kasi magfifinals na sa susunod na Linggo, kaya ayaw na namin ng kahit anong stress katulad ng mga balita ngayon.
Napalingon naman kami kay Dan na biglang sumigaw. Lasing na ata 'to. Ang usapan, sip lang, ah? "Exactly, right? Panira na mga balita ngayon. Gusto ko lang naman mag-shot ngayong gabi, nasira pa mood ko dahil sa fucking virus na 'yan."
Tinawanan naman s'ya ni Icko. "Para kang gago, Dan. Iinom mo na lang 'yang galit mo."
"'Yan gusto ko sa 'yo, p're. Wala nang pasikot-sikot. Kung inom, inom lang. Kanpai," sabi naman ni Dan. Akma na sana s'yang iinom nang bigla ko s'yang pinigilan at baka malasing pa lalo. Malintikan pa kami 'pag nahuli 'to.
"Kalmahan n'yo naman," sabi ko. "'pag kayo nalasing, baka mahuli pa tayo."
"Da't 'di ka na lang sumama. Gago ka talaga," sabi ni Roxas.
Napabuntong-hininga ako. "De, ayoko din kasi magtagal d'on sa k'warto namin ni Colt," sabi ko.
Parang gago kasi, kung anu-ano binabasa sa net, kes'yo magkakaapocalypse daw. Ewan ko d'on, naloko na. Sinabihan ko lang naman na 'wag magbasa ng gan'on 'pag 'di n'ya naman pala kaya. E, ayon, napikon kaya nagka-alitan na naman kami.
Tinawanan naman ako ni Mav sabay hampas sa likod ko. Gago 'to, ah? "Daig n'yo pa magjowa kung mag-talo kayo, ah?"
"Gago ka, ayos buhay nga," bulong ko.
"Haha," tawa ni Dan. "kiddings aside, iinom mo na lang 'yan."
"Ayoko, pre. Baka 'di na naman ako magising bukas ng maaga. Magjojogging pa kami ni Emma bago pumasok sa first class," sabi ko. Well, palusot lang naman 'yong pagjogging namin ni Emma kasi 'di na din kami nagpansinan simula n'ong nagkapartner s'yang iba n'ong trade fair. Sad'yang ayoko lang malasing ngayong gabi kasi nga baka mamaya may makapansin na nakainom ako. Ang baba pa man din ng intolerance ko sa mga inuman.
Nagulat na lang ako nung biglang may umupo sa tabi namin. Balot na balot s'ya sa dugo tapos 'di mo maintindihan kung maayos ba 'yong suot n'ya o kung ano man, pero napansin kong nakalab-gown s'ya. Nangamba naman ako bigla. Anong nang'yari sa lalaking 'to, at bakit s'ya umupo dito?
Napansin naman s'ya ni ateng nagbabantay. "Hala! Anong nangyari sayo, hijo?"
Dahil sa pagtatanong n'ya, napatingin bigla 'yong mga kasama ko. Mga gagong 'to, talagang hayok na hayok uminom, 'di na napansin 'yong mga na sa paligid nila.
Bumulong si Maverick sa akin. "Luh, gago. An'yare d'yan? Nakipagbugbugan?" tanong n'ya. "Balita ko nga may sugalan malapit sa likod. 'Yong may bil'yaran. Baka d'on nadali."
Nagulat na lang kaming lima nang akma n'ya kaming inabot para hawakan, kaso bigla s'yang nahulog sa pagkakaupo n'ya. Sa pangangamba namin, napatayo kami sa pagkakaupo namin at nilapitan s'ya kasama 'yong tagabantay. Gago, anong nang'yari dito? Nakipagbugbugan ba talaga 'to?
Inalalayan s'ya nina Icko para makaupo man lang. "Ayos lang po kayo, ser?" Tanong ni n'ya.
"Ate, ikuha n'yo nga po s'ya ng tubig," utos ko.
Tinitigan ko 'yong lalaki ng maigi, hanggang sa napansin ko na may nakatahi na patch sa suot n'ya na may nakasulat na IGOR-LAF. Agad akong napatayo sa pagkasquat ko sa sahig. Nilabas ko 'yong phone ko at dali-daling sinearch 'yong IGOR-LAF, kaso ang bagal ng signal. Ayos buhay, data!
"Mukhang kailangan n'yo nang isugod sa ospital," rinig kong sabi ni Dan.
"'W-Wag..." bulong n'ong lalaki.
"Po? E ang lala n'yo na ho. T'saka 'yon po 'yong tulong na mabibigay namin."
Biglang nanlaki 'yong mata ko n'ong nagpakita na 'yong resulta n'ong Google Search ko. Immunoassay in Genetics of Replication: Laboratory and Facilities 'yong meaning n'ong na sa patch n'ya, ta's sumunod d'on sa results n'ong sinearch ko is 'yong mga balita tungkol sa virus na binalita kanina sa Bandila na sinasabing nakapasok na sa Pilipinas. Hindi kaya s'ya 'yon? Posible kayang may virus s'ya ngayon?
Naramdaman kong namutla 'yong mukha ko.
"Hala? Ser? Gising po!" Biglang sigaw ni Icko, kaya napalingon naman ako bigla. Nakabulagta na 'yong duguang lalaki, halatang wala nang malay.
Akma sanang lalapitan ni Dan 'yong lalaki nang bigla ko s'yang hinatak palayo. "'Wag n'yo s'yang lapitan!"
"Huh?" Lingon ni Dan sa akin. "Why-"
Nagulat naman kami nang biglang bumangon sa pagkakahiga 'yong lalaki ta's biglang humaba 'yong binti't braso n'ya. Nawarak 'yong balat n'ya kaya puro ugat 'yong nakikita sa kan'ya ngayon, at balot na balot s'ya ng dugo. Biglang lumaki 'yong bunganga n'ya't tumalim 'yong dila't ngipin n'ya!
"Hala, gago! Ano 'yan?! Anong nang'yari?" sigaw ko.
BINABASA MO ANG
The Humanitarian Manor
Mystery / ThrillerDisclaimer: Based on the Mimic Creepypasta, the Mimic Game, Japanese history, & Japanese urban legends. A supposed harmless trip to Japan turned to five students' demise when evil legends deep-rooted from their past has unearthed their hidden, albei...